Chapter 1

13K 305 18
                                    


Serenity's P.O.V

First day of being a college student, and I feel like a naked little kid in the middle of all this people... I know nothing... feeling ko wala akong alam sa mundo... takte andami pang building dito sa map, di ko naman alam kung asan ako ngayon...

"Ahm excuse me po, san po itong building na toh?" Tanong ko dun sa babae na naka salubong ko, siguro natawag na akong bobo nito sa isip nito, may hawak na nga akong map di ko pa alam kung saan ako pupunta

"Ah yang department na yan, liko ka dun and deretso ka lang tapos makikita mo yung building na may number 5 sa pader, ayun na yung building na yan" sabi niya naman sakin habang tinuturo yung daan kaya agad akong nag thank you

Matapos ang mahabang lakaran ay nakita ko din yung building na may number 5 sa pader kaya nag madali akong pumunta dun at tinignan ang floor at room number ko...

Wow, 4th floor, 4-b room, di naman ako mapapagod nito sa pag pasok araw araw noh, off ko naman ng thursday at sunday pero... hayss... ngayon pa lang suko na ako...

Ng paliko na ako para umakyat ng hagdan ay may nabangga akong nag mamadaling bumaba kaya ang ending ko ay sa sahig...

"Tsk! Badtrip naman eh, harang harang kasi sa daan eh!" Singhal sakin nung lalaking nabangga ko kaya napatingin ako ng masama sa kaniya

"Tsk! Bakla pa nga ang nabangga ko, napaka malas!" Singhal na naman niya kaya tumayo ako hinarap siya at tinignan siya mula ulo hanggang paa, gwapo naman siya, matangkad, maayos pumorma, gago nga lang

"Tinitingin tingin mo diyan bakla!? Gusto mo nang masusubo?" Singhal niya sakin at tinulak ako

"Inaano ba kita!? Ako na nga tong nasaktan eh!" Sighal ko pabalik sa kaniya at tinulak siya ng bahagya at umakyat na narinig ko pa siyang minura ako pero di ko na siya pinansin at tumuloy sa pag akyat

Matapos kong akyatin ang Mt.Everest ay naka rating na rin ako sa room ko at pag bukas ko ng pinto ay agad akong naghanap ng bakanteng pwesto at agad na umupo duon...

At dumating na ang professor at pumunta na sa gitna, ganito pala sa college parang nasa hagdan ako nakaupo nasa baba naman ang prof at parang may stage dun at andun siya at may projector pa...

"So I can tell na hindi kayo lahat belong dito sa class na toh, sa mga nakiki sit in lang please umalis muna kayo, and sa ibang araw na lang maki sit in" mahinahong sabi ng professor namin na gwapo, oo gwapo siya, siguro na sa 30's na siya. Haysss okay pasok na ako araw araw...

"Mag attendance muna ako ah" sabi niya at binuklat ang parang record book niya, at isa isang tinawag ang mga pangalan ng students, sa kalagitnaan ng pag tawag ni prof sa names ay may lalaking dahan dahan binuksan ang pintuan at dahan dahan na naglakad, alam niyo yung parang magnanakaw sa mga cartoons yung mga nakayuko tapos dahan dahan maglakad ganun itsura niya...

"Prince Alexander Montreal? " tawag ni sir sa isang pangalan at sumigaw ng present yung lalaki at umayos ng tayo kaya napatingin ang lahat sa kaniya

"Tsk! Late ka na lang lagi sa klase ko kahit last year" sabi lang ni sir at nakita ko yung lalake na palapit dito, at letse lang siya yung nakabanggaan ko kanina kaya yumuko na lang ako at tumingin sa kabilang gilid at hindi na sinubok pang tignan siya, at naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko, aysh andami naman duon sa likod bakit dito pa sa tabi ko? Leshe naman

"Wag ka nang magtago nakita na kita" bulong niya sakin at tinignan ko siya ng masama

"As if na nagtatago ako" sabi ko at inirapan siya

"Serenity Sylvester" tawag ni sir sa pangalan ko kaya tumayo ako at tumingin sila sakin at agad akong umupo

"Serenity Sylvester? " ulit nitong katabi ko sa pangalan ko at tinanguan ko lang siya

"Ampangit mo na nga pati pa pangalan mo" pang asar niya sakin at tinutukan ko siya ng ballpen sa mukha

"Ituloy mo" sabi niya at ngumisi pa kaya agad kong sinulatan ang mukha niya at agad na lumayo sa kaniya ng konti

"Gwapo mo dyan" pang aasar ko sa kaniya at tinawanan siya ng mahina at bigla niya akong kinurot

"Bat ka nangungurot close tayo?!" galit na sabi ko sa kaniya at nagbelat lang siya sakin at nakita kong tinatry niyang burahin yung sulat ko sa mukha niya, naguilty naman ako

"Oh" sabi ko sabay abot sa kaniya ng tissue at salamin at kinuha naman niya agad ito at nakita kong napatingin si sir dito

"Prince gwapo ka na, makinig ka sa sinasabi ko" sabi ni sir at napatigil siya sa ginagawa niya at tumawa naman ang Iba at ang mokong imbis na mahiya nag pogi pose pa

"Mahiya ka naman" sabi ko sa kaniya at binalik niya sakin ang salamin at binulsa ang tissue na ginamit niya

"Tsk andami naman bakla dito" inis na sabi niya at napatingin naman ako at may nakita akong isang lalaki nag lilipstick at yun lang naman ang nakita kong gay

"Isa lang naman ah" sabi ko at tumingin sa professor at naramdaman kong nakatingin siya sakin

"Tanga ka ba? Bakla ka kaya isama mo sa bilang sarili mo, at kita mo ba yung lalaking naka blue, bakla yun" sabi niya sakin at muntikan ko na siyang masampal pero tinuro niya yung lalake sa 2nd row na nakablue kaya napatingin ako dun at tinignan siya ng maigi

"Eh ang gwapo naman niya ah, atsaka mukha naman siyang napunta sa gym" sabi ko naman sa kaniya

"Tsk! Napunta sa gym parang mang hunt ng gwapo, bakla ka ba talaga? Dapat nga mas alam mo kung sinong hindi straight" sabi niya at tinulak niya ako palayo sa kaniya halos dumikit na kasi ako sa kaniya eh

"Sorry ah! Wala kasi akong pake sa iba eh, ano bang pake ko kung hindi straight yan its not like mag kakapera ako pag nalaman ko ang preferred na gender ng bawat tao" sabi ko sa kaniya at inirapan siya

"Eh ikaw bat alam mo? Sigura bakla ka talaga noh!?" Mapang asar kong tanong ko sa kaniya at sinamaan niya ako ng tingin

"Syempre alam ko yun, dapat lang alam ko yun kung ayaw kong maloko uli, kadiri kayong mga bakla" sabi niya at parang diring diri talaga siya, hayss bahala siya diyan

He hates me and I hate him tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon