Chapter 18

2.7K 127 1
                                    

Pagkatapos ng mga klase ko ay bumili ako ng pizza, bago umuwi para may kainin ako mamayang gabi tutal holiday naman bukas... pag dating ko sa dormitory building ay nakita ko sa parking lot sa harap nito ang kotse ni prince... ang aga naman niya? Kaya dali dali akong umakyat dahil isa din na mahilig sa pizza yun, at nakikiramay sa akin yun sa pagpupuyat ko eh... pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nadatnan ko...

Si prince kasama yung babae dito, nasa sofa, nanunood at nakain... wow dinala niya talaga yung babae niya dito? Eh ano naman ngayon sa akin? Ano bang karapatan natin? Wala...

Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok at dumeretso na ako sa kwarto, narinig ko pa na tinawag ako ni prince bago ako pumasok ng kwarto pero di ko na pinansin, agad kong nilock ang pinto ng kwarto dahil magbibihis ako...

Habang nagbibihis ay tinawagan ko si mark, sana maaya ko siyang gumala or mag bar man lang, alanganin naman na mag stay ako dito, mamaya may gustong gawin yung dalawa tapos di nila magawa dahil andito ko...

"Mark bar tayo" sabi ko agad pagkasagot niya sa tawag ko

"Wow! Si serenity ba tong kausap ko? Phone toh ni serenity ah bakit na sayo? Asan siya?" Gulat na sabi niya at sunod sunod na tanong

"Please." Sabi ko lang sa kaniya

"Tsk! Pre bawal ako ngayon, nagpapasama sa akin kaibigan ko eh" rinig kong sabi niya, shems nakaistorbo pa ako

"Wag na pala... mukhang may lakad ka, sana sinabi mo kanina" sabi ko lang sa kaniya at hinitay ang sagot niya

"Okay lang yun, ayoko din namang sumama sa kanila, antayin kita sa lobby niyo" sabi niya at inend ang call

Agad naman akong nag ayos ng sarili at nag hanap ng masusuot na damit, dahil bwisit ako na may halong lungkot, gusto kong mag mukhang rebellious bitch... hehe

Shorts na black,  red fitted sleeveless croptop, black thigh high boots, dark red lippie, and black clip earings... masasabi kong maganda ako... OMG so proud of myself...

Nang makatanggap ako ng text kay mark ay agad akong nag finalize ng look at lumabas na ng kwarto, pumunta muna ako sa isang wall na may malaking mirror at tinignan ang sarili, napansin ko na nakatingin sa akin si prince... aalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko...

"Saan ka pupunta?" Biglang tanong sa akin ni prince at humarap ako sa kaniya at tinignan siya mula ulo hanggang paa

"Ahm, are you my father? Or maybe my boyfriend? Or my brother? If not, I don't have to tell you where I'm off to" sabi ko lang sa kaniya, sorry pag ganito mood ko yung pinag halong inis na may lungkot, lumalabas yung defense mode ko

"Paano kung may mangyare na naman sayo?" Alalang tanong niya sa akin at napa smirk lang ako

"Don't worry, I've been taking karate lessons, I don't need you, okay? Gotta go" sabi ko sa kaniya at tinap siya sa balikat bago umalis ng tuluyan...





"Kelan ka pa naging pokpok?" Bungad na tanong sa akin ni mark ng makita niya ako, kaya hinampas ko siya ng malakas

"Maka pokpok ka ah! This is a rebellious bitch style! Gusto mo wag ka na lang sumama, mukhang istorbo naman ako sayo eh" singhal ko sa kaniya dahil naiinis ako na hindi ako pinigilan ni prince, I mean hindi niya ako pinilit na wag umalis

"Nako mukhang bad mood na bad mood ka ah? Hindi ka siguro pinilit ni prince na wag umalis, or hindi niya pinilit na sasama na lang siya sayo, Pupusta ko kaluluwa ko pag hindi yan ang dahilan nang pagka bad mood mo" sabi niya at tinignan ko siya  ng masama at tumawa lang siya kaya inunahan ko na siyang pumasok sa kotse niya...

"Alam ko nang purpose ko dito... taga pagbayad, taga bantay at taga taboy sa mga nagbabalak sayo, at driver mo pauwi" sabi niya agad ng makaupo kami sa isang pwesto at napangiti lang ako sa kaniya na para bang sinasabi ko na tama siya ng hula at nakita kong napasapo lang siya sa noo niya

"10 uuwi na tayo ah, aalis kami nila dad" sabi niya at sumimangot lang ako sa kaniya, hindi sa dahil maaga kaming uwi kung hindi sa pag alis niya

"Alis ka na naman?" Malungkot na tanong ko sa kaniya at nag paawa sa kaniya

"Balik din kami sa friday, atsaka kung aalis ng ibang bansa di muna ako magsasasama kung hindi naman ako kailangan na kailangan, pano kita maiiwan na ganito? Nako bipolar ka na nga, mas titindi pa mood swings mo lalo na at in love ka" sabi niya at ngumiti lang ako sa kaniya...

Nang magtagal na kami dito ay kita ko na mukhang nabobored siya... wow dito pa siya nabored, di pa nga ako nakaka inom ng madami eh, at nakita kong may sinagot siyang tawag... naku po! Alam ko na toh...
At bigla siyang tumingin sa akin...

"Sige na umalis ka na, kaya ko na sarili ko" sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa akin na parang nag doubt

"Maya maya din uwi na ako" sabi ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin at kinurot ang pisnge ko bago umalis

After some minutes ay may umupo sa pwesto ni mark kanina kaya napatingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa akin...

"Hey can I get you a drink?" Sabi niya sa akin at tumango lang ako sa kaniya at umalis siya saglit, at pagbalik niya ay may dala na siya alak, agad ko naman itong ininom

"I'm Kurt Sarmiento" pakilala niya sa akin at ngumiti lang ako sa kaniya at ganun din ang ginawa niya, fuckboy toh... halata naman eh... ramdam ko...

"I'm assuming na kilala mo na ako" sabi ko sa kaniya at tumango lang siya

"Dito ka nga sa tabi ko, medyo nilalamig na ako eh" sabi ko sa kaniya at ginawa naman niya agad at ibinigay niya pa sa akin ang leather jacket niya

"Thank you" sabi ko sa kaniya at inakabyan niya ako bigla pero di naman ako umangal, itry ko lang makipaglandian, malay mo magtuloy tuloy at least makaka iwas na ako kay prince at baka madivert pa yung feelings ko sa iba

"Actually lagi kitang nakikita sa school,  kung hindi yung lalaking maputi yung kasama mo, si prince naman ang kasama mo, di tuloy ako makahanap ng time na mapalapit sayo" sabi niya sa akin, so taga school pala siya? Nako lahat ng words na lumalabas sa bibig niya punong puno ng fuckboy aura

"Bakit naman gusto mong mapalapit sa akin?" Tanong ko sa kaniya, sakyan ko na lang trip niya

"Well..." putol na sabi niya at medyo nagulat ako ng hawakan niya ang legs ko pero hindi ko yun pinahalata, ang Init ng kamay niya, feeling ko sobrang horny nito

"... gusto kasi kita matikaman..." malanding bulong niya sa akin at napa smirk naman ako, agad kong pinatong ang kamay ko sa hita niya malapit sa sensitive part niya at tumingin ako sa kaniya at nagkagat labi siya

"... you know, gwapo ka sana eh... kaso fuckboy ka" sabi ko sa kaniya at agad na tumayo at aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay para pigilan

"... yes, I'm a fuckboy, but I swear to the gods I'll make you mine" sabi niya at napangiti naman ako, ansaya din naman na may taong may gusto sa akin kahit hindi kaayaaya yung dahilan, pero knowing na may gusto sa akin ang saya lang

"You better stop, I'll never be yours, you're cute, and thank you sa pag admire and thank you na gusto mo kong mapasayo, but that needs to stop, I have my attention on someone who'll never be mine so... that's bad... mag aral ka na lang ng mabuti" sabi ko sa kaniya at umalis na sa harap niya at lumabas ng bar.

Pag labas ko nang bar ay may napansin akong lalaki na nakasandal sa kotse niya at para bang may inaabangan...

He hates me and I hate him tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon