"Nabalitaan ko yung nangyare sayo last week, okay ka na ba?" Tanong ni mark sakin at napatingin ako sa kaniya at umakting ako na umiiyak
"Binaboy nila ako... pinagsamantalahan nila ako..." acting ko sa kaniya at mukha naman siyang naniwala, grabe napaka naalalahanin talag ni mark
"Ano!?" Singhal ni mark at napatayo pa kaya agad ko siyang pinaupo nakakahiya eh
"Joke lang joke lang nabugbog lang ako ng konti, buti na lang di ako nagalaw buti dumating si Prince" sabi ko sa kaniya at tinignan naman niya ako ng masama pero nag peace sign agad ako sa kaniya
"Gusto mo bang magbago ko ng course para mas malapit ako sayo?" Seryosong tanong niya na ikinagulat ko, yieee kilig ako kaso di ko siya maging crush eh
"No! Ano ka ba? Ang oa mo, maayos naman na ako, although may marks pa rin at masakit pa rin kaya ko naman, tsaka di na ako gagala dito para di na maulit yun" sabi ko sa kaniya at parang nakahinga naman siya ng maluwag
"So anong ginawa sayo ni prince?" Takang tanong niya pero aaminin ko iba yung pumasok sa isip ko sa tanong niya
"Wala" sagot ko lang para di mahalatang iba iniisip ko, gosh ano yung kabalastugan na pumasok sa isip ko
"Ah sige alis na ako, may kikitain pa ako eh" sabi niya at agad na umalis kaya tinuloy ko ang pagbabasa ko nang may maramdaman akong umupo sa harap ko pero di ko muna pinansin yun at tinuloy lang ang pagbabasa
"Di mo ba ako papansin?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya kaya agad akong napatingin sa kaniya
"What are you doing here?" Takang tanong ko sa kaniya
"Aking mahal na prinsesa nag aantay po ang hari at reyna sa ating silid at hinahanap ka" sabi ni prince na parang tanga
"Si mama at papa?" Takang tanong ko nang marealize ko yung sinabi niya at tumango naman siya kaya agad akong napatayo at agad na pumunta sa dormitory
"Omyghad ayos ka lang ba my princess? Binaboy ka ba nila? Anong ginawa nila?" Bungad sakin ni mama ng makapasok ako sa loob at nakita kong nagpipigil ng tawa si prince
"Ma... binaboy nila ako... dinumihan nila ako..." acting ko kay mama pero nakatanggap lang ako ng malakas na hampas sa likod ko
"Siraulo kang bata ka, feeling mo naman may papatol sayo" sabi ni mama at kinurot ako sa braso, mas nag aalala pa ata sa akin si mark eh
"Ma naman eh" reklamo ko sa kaniya at tinignan ko lang si dad na nakatingin lang samin
"Di mo na ako mahal dad?" Pag iinarte ko kay dad at nginitian niya lang ako atsaka yumakap sakin
"Buti ka pa mahal mo ko di katulad ng isang babae dyan" pagpaparinig ko kay mama at nagbelat sa kaniya
"Bakit pala kayo andito?" Takang tanong ko sa kanila
"Napabisita lang kami para tignan yung lagay mo, kanina lang namin nalaman nangyare sayo nung nakaraan" sabi ni papa habang chinecheck ang bawat parte ng katawan ko
"Atsaka pumunta ko dito baka kasi may ginagawa kang masama sa roomate mo" sabi ni mama habang nag iinspect sa bawat sulok ng kwarto
"Hula ko ikaw bumili ng lahat ng appliances at mga gamit dito" sabi ni mama at lumapit sakin
"Ikaw lang naman maraming arte eh" sabi ni mama at tumawa naman si papa at sinimangutan ko lang sila
"By the way, next month may pupuntahan tayong event ah, nirequest nila na makita ka dun" sabi ni papa at napahinga na lang ako ng malalim
"Event na naman? At bakit naman kailangan ako dun? Don't tell me inarrange marriage niyo ko?" Takang tanong ko sa kanila at inirapan lang ako ni mama
"Kahit gawin namin sayo yun walang papayag" sabi ni mama at tumawa lang uli si papa kaya nakurot ko si papa sa braso at ngumiti lang siya sakin at inayos ang buhok ko
"Mag ingat ka sa karoomate mo ah" biglang bulong ni mama sakin at nagtaka naman agad ako
"Balita ko ay sutil yang batang yan, at ang pagkakaalam ko by allowance na lang ang binibigay na pera dyan dahil kung makagastos eh akala mo siya ang gumagawa ng pera... itinatakwil na nang pamilya niya yan dahil sa pagiging rebellious niyan" bulong ni mama sakin at parang naawa naman ako kay prince pero naalala ko yung mga pinag gagawa niya sakin kaya nainis lang ako
"No wonder, jusqo stress yang lalakeng yan" sabi ko lang kay mama
"Gusto mo bang ilipat na lang kita ng room?" Sabi ni papa pero umiling lang ako sa kaniya
"Kaya ko na sarili ko... by the way di pa ba kayo aalis? Pagkakaalam ko may business meeting kayo sa California ah? Anong oras ba flight niyo?" Sabi ko sa kanila at sabay naman silang napatingin sa mga orasan nila at agad na nagmadaling mag ayos
"Sige alis na kami, jusqo ka charles anong oras na" tarantang sabi ni mama at hinalikan muna ako ni papa sa noo bago sila umalis at saktong paglabas nila ay siya namang pasok ni prince
"Ang kulit din ng parents mo eh noh?" Sabi ni prince at magsasalita na sana ako kaso pumasok agad siya sa kwarto namin
Problema nun? May saltik ata yun ngayon eh... ay naalala ako may gagawin pala akong karumaldumal ngayon... kailangan ko nang mag ayos...
Agad akong pumunta ng banyo para gawin ang mga kailangan kong gawin... syempre college na ako, and curious ako sa mga ganitong bagay, buti na lang inaya ako ni sebastian kanina...
Agad akong nagbihis at nag ayos ng kakaiba, I mean I don't normally wear things like this but I want to do this since dati ko pa gustong mag suot ng mga ganitong damit... pag pasok ko ng kwarto para kunin ang wallet ko ay nakita ko si prince na napatingin sakin... ang weird ng tingin niya sakin... siguro nandidiri toh sakin...
Naka shorts kasi ako tapos thigh high boots, tapos nakacroptop ako, I mean di talaga siya croptop pero kasi yung half part ng damit ko see through tapos naka tuck in yung damit ko... puro black suot ko...
"Saan ka pupunta at ganyan ang suot mo!?" Medyo may galit na tanong niya sakin kaya nagulat ako
"Pake mo!?" Sagot ko na lang sa kaniya at agad na hinanap ang wallet ko sa ilalim ng unan ko
"Napaka ikli ng suot mo" sabi niya lang sakin at napairap na lang ako
"Alam kong nandidiri ka sakin at sa suot ko, so please wag mo na lang akong pansinin, nakaka badtrip eh" hinarap ko siya at sinabi ang mga yan at agad na umalis at sakto naman na may nagdoorbell kaya agad kong tinignan yun at nakita ko si sebastian...
BINABASA MO ANG
He hates me and I hate him too
Teen Fictionhe's straight, I'm gay he hates gay, I hate him he's a bully to me, I'm bullied only by him but for some known reason we want to kill each other... I don't know how, but I feel something about him and its not a good thing