Chapter 11

3.2K 143 0
                                    

Its been a week at mukhang hindi naman napapansin ni prince ang pag iwas ko sa kaniya, ano bang ineexpect ko? Iconfront niya ako sa pag iwas ko sa kaniya? Ano toh drama? May pagka siraulo din ako eh, masyado nang madaming drama ang napanood ko...

"Mark kelan ka ba uuwi?! Feeling ko Isang taon na tayo di nagkikita" reklamo ko kay mark, katawagan ko kasi siya ngayon at andito ko sa park sa likod ng isang building

"Next next week pa ako uuwi eh, napatagal yung release ng mga document na inaasikaso ko eh" sabi niya at nanlumo naman ako

"Magsabi ka nga sakin ng totoo, inlove ka na ba kay prince?" Biglang tanong niya na talaga namang ikinagulat ko at ikinataranta ko

"San mo naman nasagap yan?" Tarantang tanong ko sa kaniya, wala nga siya dito pero pano niya yun nalaman tsaka wala naman akong pinagsasabihan ah

"I have my eyes everywhere,  tingin mo aalis ako ng bansa at iiwan ka ng walang bantay, at ngayon iniiwasan mo siya para di ka na mafall lalo? Tsk tsk" sabi niya lang at napaface palm lang ako sa pagiging over protective nitong lalaking toh

"Anong magagawa ko!?" Reklamo ko na lang sa kaniya dahil di ko naman alam ang gagawin

"Tsk! Nawala lang ako kung ano ano nang pinapasok mong gulo" sabi niya at napa Irap na lang ako

"Iniwan mo kasi ako mag isa eh!" Reklamo ko sa kaniya kahit napaka nonsense ng sinasabi ko

"Wow ako pa nasisi, ako lang ba kaibagan mo ha?" Sabi niya sakin at alam kong parehas kaming napatigil, at alam kong kung andito siya tatakbo na yan palayo sakin

"Sorry ah! Kung hindi mo pa nga ako inapproach di ako magkakaroon ng kaibigan eh!" Singhal ko sa kaniya at narinig ko pang napa tawa siya

"Sorry na, anyways ikaw lang makakasolve diyan sa problemang pinasok mo, ibaba ko na toh at tinatawag na ako sa office" sabi niya lang at umokay na lang ako sa kaniya at binaba niya na ang tawag

"Hoy!" Nagulat ako ng may sumigaw sakin at napatigil ako sa kinatatayuan ko ng marealize ko kung sino yun

"Ano!?" Singhal ko sa kaniya pagkaharap ko sa kaniya, act normal lang dapat ako

"Kala mo di ko napapansin..." panimula niya at mas lalo akong di na kagalaw, syet ano ba, panira ka nang plano eh

"Bakit mo ko iniiwasan ah!?" Singhal niya sakin at inipon ko ang lahat ng lakas ko para ilabas ang attitude ko

"Iniiwasan? Feeling ka!" Mataray na sabi ko sa kaniya at inirapan siya bago mag lakad palagpas sa kaniya pero hinawakan niya ako sa braso

"Ano ba!? Nagugutom na ako!" Pagsisinungaling ko sa kaniya, sana lang talaga palagpasin niya na ako

"Kita mo na! Iniiwasan mo ko eh!" Singhal na naman niya sakin na kinainis ko na

"Eh ano naman sayo kung iniiwasan kita!? Bakit may pake ka ba sakin!? Wala ka namang pake sakin, so wala kang magagawa kung iiwasan kita, ataska para namang kawalan ako sayo pag iniwasan kita diba!?" Galit na sigaw ko sa kaniya at feeling ko kung ano ano lang sinabi ko na napaka walang kwenta

"Siraulo ka pala eh! Kung wala akong pake sayo sa tingin bakit pa kita niligtas dun sa mga nagbalak ng masama sayo!? At edi sana di na ako sunod ng sunod sayo kung saan ka pumupunta para lang masigurado na ligtas ka!" Sigaw niya pabalik sakin at di ko alam pero nanlambot ako sa mga sinabi niya

"Eh ano naman sayo kung di ako ligtas!? Edi wag kang sumunod sakin!" Sigaw ko sa kaniya at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko

"Eh nag aalala ako sayo eh!" Sigaw niya sakin na nagpatigil sakin, feeling ko nakalimutan kong huminga ng ilang segundo, feeling ko di maprocess ng utak ko yung sinabi niya

"B-ba-bakit k-ka n-na-naman n-nag a-aalala sa akin?" Nauutal kong tanong sa kaniya at huminga lang siya ng malalim at tumingin sakin

"Di ko alam" seryosong sabi niya, na nag pabalik sa akin sa realidad, at napa face palm na lang ako, I got my hopes up for nothing

"Tss!" Agad ko siyang iniwan dun at dumeretso sa cafeteria para kumain ng madami, nagutom ako sa sigawan namin ni prince

Alam mo yung umasa na ako kanina nung sinabi niyang nag aalala siya sakin eh, kaso punyeta nung sabihin niyang di niya alam, feeling ko kung may hawak akong bag naihampas ko na sa kaniya yun ng malakas at ng madaming beses... napaka niya!

"Kawawa naman yung pagkain, natotorture na" nagulat ako ng may magsalita sa likod kaya agad kong nilingon yun at nakita ko si sebastian na nakangiti sakin, at umupo siya sa tabi ko

"Mukhang napaka laki ng problema mo at nadamay mo pa yang pagkain mo ah?" Sabi niya kaya agad akong napatingin sa pagkain ko na kalat kalat na sa pinggan ko kaya agad kong inayos yun

"Hula ko tungkol kay prince problema mo?" Sabi niya na ikinagulat ko at nasamid pa ako ng dahil sa tanong niya

"Wag mo nang itanong kung pano ko nalaman, lagi namang si prince ang prblema mo eh, wala nang bago dun... pero alam mo simula nung nangyare sayo yung nangyare sa likod ng building nagbago si prince,  lagi siyang aligaga at lagi ka niyang tinatanong sakin kung nakita ba kita or kung alam ko ba kung asan ka, lagi ka niyang hinahanap sa akin, at pagkaka alam ko naiinis siya pag kasama mo yung lalaki na lagi mong kasama, yung mark ba yun... and lately nababawasan na din ang ang pagclub ni prince, at hindi na siya masyadong naghahamon ng away at nang bubugbog ng bading, I think nababago mo si prince" mahabang sabi ni sebastian at hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga sinabi niya di ko nga alam kung maniniwala ako sa kaniya eh

He hates me and I hate him tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon