Chapter 21

2.6K 121 0
                                    

"Serenity mag handa ka" seryosong sabi ni mark kaya agad akong napatingin sa kaniya, ano na naman kayang trip nito

"At bakit naman?" Takang tanong ko sa kaniya at uminom ng iced coffee ko

"May news sa business world about kay prince, inarrannge marriage uli siya ng father niya, at yung fiance niya ngayon ay ex niya at rumoured na first love niya" seryosong sabi niya sa akin na ikinagulat ko at ikina bilis ng tibok ng puso ko

"And?" Pagkukunwari kong walang pake, pero ang dami ng scenario ang pumasok sa isip ko

"You can't pretend in front of me,  alam kong kung ano ano nang pumapasok sa isip mo ngayon" sabi niya at napa hinga na lang ako ng malalim

"Anong magagawa ko? Pagkaka alam ko sa lalake pinaka di makakalimutan ang first love eh,  and choice niya na kung mag stay siya sa akin knowing the consequences na kahaharapin niya regarding sa akin or sasama siya sa fiance niya, na ex niya at first love pa knowing na makakabuo sila ng pamilya at tataas ang rank ng family nila if ever" mahabang sabi ko kay mark, totoo naman eh, mahal ko siya, mahal niya daw ako, pero parang ibang klase kase yung pag mamahal niya sa akin eh, parang may kulang, parang may hindi tama, or baka sadyang confused lang siya, ang galeng noh dapat ako yung confused eh, kaso eto ako

"Tignan na lang natin next week sa event, magbubukas ng bago branch ang Elfielo, alam kong invited ka and may announcement den regarding sa fiance ni mark at parehas silang invited dun" sabi ni mark at napa hinga na lang uli ako ng malalim

"Tignan na lang natin kung anong mangyayare " nasabi ko na lang sa kaniya at napailing iling lang siya sa akin

Pag kauwi ko ay nakita ko si prince sa sofa na nag lalaro sa phone niya, dumeretso ako sa kwarto at agad na nagbihis...

"Hey may problema ka ba?" Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto at yan agad ang bungad na tanong sa akin ni prince, umiling lang ako bilang sagot sa kaniya

"Aalis pala ako, and baka next week na ako makabalik, pinapauwi ako ni daddy, mamaya aalis na ako" sabi niya habang nakayakap siya sa akin, hayss alam ko na kung bakit siya aalis, syempre tungkol yun dun sa fiance niya

"Papasama ako kay mark dito ah" sabi ko lang sa kaniya at bigla siyang humiwalay sa yakap at tinignan ako ng masama

"No!" Madiin niyang sabi at niyakap uli ako at nagulat ako ng mapunta ang kamay niya sa shorts ko

"Since next week pa tayo magkikita, pwede ba tonight?" Malandi niyang sabi pero agad ko siyang tinulak at tinignan ng masama

"No!" Pang gagaya ko sa sagot niya sa akin kanina at lumabas ng kwarto











Isang linggo na kaming di nagkikita ni prince dahil nga sa umalis siya... and andito ako sa kwarto nakatitig sa sarili ko, kakatapos ko lang mag ayos, ngayon kasi yung event ng elfielo, si mama at papa kasi di makaka attend kaya pinilit nila na ako yung pumunta dun in their behalf,  and now inaantay ko na lang si mark...

Actually kinakalma ko lang ang sarili ko ngayon, dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa araw na ito, idagdag mo pa na may bagyo at buong araw na madilim lang ang langit ni isang silip ng araw wala...

"Hoy kanina pa ako doorbell ng doorbell kala ko naman kung anong nangyare sayo" nagulat ako ng makita ko si mark sa likod ko

"Pano ka nakapasok?" Takang tanong ko sa kaniya at nakita ko nahawak niya ang card key ko,  ay oo nga pala binigay ko pala sa kaniya yan nung nakaraan, binigay ko yun sa kaniya kasi sabi ko puntahan niya ako dito dahil boring pero di naman siya nagpakita

"Ready ka na ba?" Tanong niya sa akin at alam ko na kung anong minimean niya sa tanong niyang yan

"Andyan ka naman eh" sabi ko na lang sa kaniya, mas kilala niya ako kesa sa sarili ko, kaya alam kong pag di ko na kaya siya na mismo mag aalis sa akin

Pag dating namin ay agad kaming binati ng mga elfielo, and may inutusan sila na lalaki na dalhin kami sa seat namin, and tumingin tingin naman ako sa paligid hoping na makita ko siya pero wala eh...

"Wag mo na siyang hanapin" sabi ni mark sa akin at tinuro sa akin yung table na puno ng pagkain

"Yun dapat ang hinahanap mo at pinagtutuunan mo nang pansin" dagdag niya pa at napangiti naman ako sa kaniya at tinugnan siya na nakikiusap

"Ano ba yan! Dapat pala di ko na tinuro sayo nautusan pa tuloy ako!" Reklamo niya na mas lalo kong ikinangiti

"Its either beef or pork basta wag chicken sawa na ako dun" sabi ko sa kaniyaat tumayo naman siya at nag punta sa mga pagkain

Habang kumakain na kami ay may nag sasalita na sa harap at may ipapakilala daw sila na malapit nang ikasal and close friemd daw ng family nila yun kaya gusto nilang iintroduce

"Let us welcome Samantha Peter and her fiance Prince Alexander Montreal" sabi nung nagsasalita sa harap at umakyat ng stage ang dalawa at nakita ko yung mga ngiti ni prince, yung klase ng ngiti na hindi niya pa naipakita sa akin, at nagtayuan ang mga tao para palakpakan ang dalawa kaya ginaya ko na lang din sila

"Look at you, clapping your hands, congratulating your supposed to be boyfriend" sabi bigla sa akin ng lalake sa tabi ko kaya agad ako ng napatingin sa kaniya at narealize ko na lang na si kurt pala yun

"Did he gave you a proper closure? Did he explain this things to you? Or did he make an excuse na aalis siya for a week and then ngayon mo na lang siya nakita?" Sabi niya at nagulat ako sa huli niyang sinabi dahil ganun na ganun nga ang nangyare

"Oh? So yung huli na naman ang ginawa niya, lagi niya namang ginagawa yan sa mga biktima niya pag nabored na siya, ginawa niya yan sa babae nIya bago ikaw, and now mukhang isa ka lang din sa biktima niya" sabi niya at nakaramdam ako ng matinding sakit sa puso at naramdaman ko na lang ang panghihina ng katawan ko

"Insan, paki layo na dito itong kasama mo, Mukhang di maganda pakiramdam niya" sabi ni kurt kay mark, insan? Mag pinsan sila?

"Oh andito ka pala, sige iuuwi ko na itong isang toh, puntahan mo na lang si mama at paki sabi yung nangyare, sige alis na kami" sabi ni mark kay kurt at ahad niya akong hinawakan sa kamay at umlis kami sa lugar na yun

He hates me and I hate him tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon