Chapter 22

2.4K 119 0
                                    

Sinabi ko kay mark na dun muna ako sa kaniya matutulog pero daanan ko muna yung mga gamit ko na dadalhin ko...

Pag akyat ko ay may nakita akong isang lalaki na nakatayo sa tapat ng pinto ng room namin ni prince... agad ko iyong nilapitan at nang lumingon siya sa akin ay agad ko siyang nakilala... kuya Iyon ni prince

"Buti na lang naabutan kita dito, mukhang galing ka sa event... so nakita mo sila?" Tanong niya sa akin at tumango lang ako bilang tugon

"Hindi talaga kami payag ni jess sa marriage ni Samantha at ni prince, madyadong naging malala ang pagiging rebelde ni prince dahil kay samantha noon, at nag stay na siyamg rebelled kahit nag hiwalay na sila dahil sa sawa na daw si samantha kay prince" mahabang sabi nI mike, kuya ni mark,  medyo nag tataka nga ako kung bakit niya sinasabi yun

"Bakit mo po sinasabi sa akin toh?" Takang tanong ko sa kaniya at parang medyo naguluhan din siya

"Sabi ni jess sabihan daw kita, and sabi niya kayo daw ni prince" sabi niya bigla na ikinagulat ko, wait pano nalaman na kami ni prince? Si Sebastian ba?

"Ah, kami ata ni prince pero nasa kaniya na ang desisyon" sabi ko na lang at parang may gusyo siyang sabihin pero nag pipigil siya

"Sabihin mo na yung sasabihin mo, wag mo nang isipin kung masasaktan ako o hindi" walang kaemoemosyon kong sabi sa kaniya at parang napalunok naman siya na parang kinakabahan

"Si prince ang nag insist na ituloy yung marriage nila ni samantha kahit against kami ni jess, I don't think na ginagawa niya yun para maging proud si dad sa kaniya, but..." sabi niya at naputol yun sa dulo at napangiti na lang ako sa kaniya

"Mahal niya pa? Sabi na confused lang siya sa akin, paki sabi na lang na naiintindihan ko siya at salamat sa pagtake time para lang sabihin sa akin toh" sabi ko at binuksan na ang pinto at nagmadali kumuha ng gamit at tumakbo na pababa

"Nakita ko kuya ni prince kanina ah, nag kita kayo?" Bungad na tanong sa akin ni mark at kinuha ang paper bag na dala ko at sumakay na kami sa kotse

"Sinabi sa akin ni mike na si Prince ang nag insist sa marriage nila nung Samantha, kahit na against yung kuya niya at si ate niya dahil alam nila na may relasyon kuno kami ni Prince" sabi ko kay mark na napatigil sa pag start ng kotse niya at napatingin sa akin at feel ko na galit siya, di ko pa siya nakikitang magalit pero alam ko na grabe toh pag nagalit

"Ano!?" Isang tanong niya na punong puno ng galit pero hinawakan ko siya sa kamay para pakalmahin siya

"Mark calm down, mag drive ka na papuntang bahay mo at dun muna ako" sabi ko sa kaniya at inistart niya ang kotse niya na padabog at mabilis itong pinaandar

"Hindi ka dun muna sa bahay ko, duon ka na, bukas din kukunin na natin lahat ng gamit mo dyan sa room na yan" galit niyang sabi at hindi na lang ako nag salita dahil halata namang seryoso talaga siya

Nang makarating kami ah sumalampak agad siya sa sofa niya at umupo naman ako sa isang sofa at na nanatili kaming tahimik at nakatingin lang ako kung saan...

"Anong nararamdaman mo?" Biglang tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya

"Wag mo nang subukang magpanggap sa akin, ako lang toh pwede kang magpakatotoo" sabi niya sa akin at umupo siya sa tabi ko

"Honestly, sa sobrang halo halo ng nararamdaman ko di ko na alam kung anong uunahin kong iexpress, yung galit ba, yung lungkot, yung takot ko at kung ano ano pa" nasabi ko na lang sa kaniya at napatingin na lang ako sa kaniya

"Magpahinga ka na muna, dun ka na sa kwarto ko dahil may aasikasuhin pa ako" sabi niya sa akin at tumayo na kami parehas at hinatid niya ako sa kwarto niya

Pagkasara niya ng pinto ay naglibot libot lang ako dito sa kwarto niya hanggang sa may nakita akong pinto dun kaya pumunta ako dun at ang bigat ng pinto ah, pagka pasok ko dun ay nakita ko na parang music room niya toh, kasi may piano tapos may gitara at mga music instruments...

Agad akong pumasok duon at umupo sa tapat ng piano at nagkapakapa muna ako, hanggang sa maisip ko na kung anong kakantahin ko...








"Ganyan ka ba mag drama?" Nagulat ako ng may mag salita sa likod ko at nakita ko si mark na naka sandal sa pinto at nakatingin sa akin, at ngayon ko lang napansin na naka boxers lang siya

"Ewan ko sayo! Mag bihis ka nga ng iba ang taba mo!" Pang aasar ko sa kaniya, pero kung hindi ko siya kaibigan baka naging crush ko toh, pero hindi ako mafafall dito, gwapo naman siya, matalino?, mabait?, mayaman, and perfect din naman yung body niya para sa ideal type ko, hayss sana nga siya na lang nagustuhan ko

"Hoy kung iniisip mong sana ako na lang nagustuhan mo tumigil ka, baka mamaya gapangin mo ko" sabi niya at tumawa lang at inirapan ko na lang siya

"Matulog ka na nang maihanda mo sarili mo bukas pag nagka salubong kayo which is hindi impossible kasi may class na classmate mo siya" sabi niya at hinigit niya na ang kamay ko palabas duon at tinulak na ako sa kama

"Pag may kailangan ka andun lang ako sa kabilang kwarto" sabi niya sa akin at nakangiti na lang ako sa kaniya at lumabas na siya

Ano nga kayang mangyayare kung pumasok na siya bukas, anong gagawin ko? Should I just ignore him? Talk to him about what happen? What should I do? Nahuguluhan na ako...

Pero feeling ko, this time lalabas yung isa sa side ko na paminsan minsan lang kung lumabas, and baka din lumabas yung side ko na pinaka kinatatakutan ko... ayokong mabulag ako at maisipang mag higanti... I know what I can do, and alam ko din na gagawin ko lahat pag lumabas yung side kong yun...

He hates me and I hate him tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon