"Hey gusto ko mag mall" sabi ko kay prince habang nakahiga kami parehas sa mga kama namin, nabobored kasi ako eh, 3 days na kaming walang class dahil may ginagawa sa school na inspection or something like that
"Edi mag mall ka" sabi niya lang at tinuloy ang pag lalaro niya, tignan mo toh! Nung nakaraan sabi niya pag aalis ako kailangan kasama siya, tapos ngayon naman, aish!
Agad akong nag ayos sa banyo para makaalis na ako at makakain na ng madami at makapag gala gala naman ako... ang galing ko eh noh, di na ako nadala eh, mall naman yun so walang mangyayare na masama sakin...
At pumasok ako sa kwarto namin para kunin ang wallet ko, pero nagulat ako sa nakita ko pagpasok ko... si.... si prince topless at nag hahanap ng damit sa drawer niya, agad kong iniwas ang tingin ko at agad na hinanap ang wallet ko...
"San ka pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya ng mahanap ko na ang wallet ko at nakita ko namang nakabihis na siya
"Kala ko ba mag mall tayo?" Takang tanong niya at napataas na lang ang kilay ko sa sinabi niya
"Excuse me!? Walang tayo, sinabi ko bang mag mall tayo? Sabi ko lang gusto KO mag mall" sabi ko sa kaniya at sinamaan niya ako ng tingin
"Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo" sabi niya at inirapan ko lang siya
"Tara na" sabi ko sa kaniya at agad naman siya sumunod sakin... pag baba namin ay pinatigil niya ako sa lobby
"Intayin mo ko, kunin ko lang yung kotse ko" sabi niya at tumakbo papunta sa parking lot
Ang weird ng siraulo na toh, nung nakaraan lang kung away awayin ako kala mo ang tagal na naming magkaaway eh, ngayon naman kung makaasta kala mo kuya ko sa sobrang protective eh...
Ng makarating kami sa mall ay agad akong nagpunta sa mga shop na gusto kong puntahan at binili ko lahat ng gusto kong damit at sapatos at kung anek anek pa...
"Bakit ka ba nag mamadali? Ang bilis mong maglakad" reklamo sakin ni prince at inabot ko sa kaniya yung mga pinamili ko at kinuha niya naman ito
"Teka nga bakit ba ako nagbubuhat nitong mga pinamili mo?" reklamo na naman niya at inirapan ko siya
"Eh bakit mo kinukuha pag binibigay ko sayo?" Mataray kong sabi sa kaniya at inakamaan naman niya ako ng kamao niya at nagbelat lang ako sa kaniya
Matapos ang pagshoshoping ko ng sandamakmak na gamit ay napagdesisyunan kong kumain kami sa restaurant.
"Hey pustahan tayo" aya ko kay prince ng makahanap kami ng space
"Ano na naman yan!?" Reklamo niya na para bang pagod na pagod na siyang kasama ako
"Kung kanino ibibigay ng waiter yung bill siyang magbabayad" sabi ko sa kaniya at natawa naman ako ng bahagya sa pumasok sa isip ko
"Huh!? Anong kalokohan yan!?" Takang tanong niya sakin at nginitian ko lang siya
"Syempre di pwedeng sabihin sa waiter kung kanino iaabot yung bill kailangan siya lang yung mag decide" sabi ko pa sa kaniya at dumating ang waiter at binigyan kami ng menu
At nang makaorder kami ay tumingin lang ako kay prince habang nakangiti... gwapo naman si prince, kung tutuusin ideal type ko siya, kaso nabasag yun lahat ng ugali niya. Nacurious tuloy ako sa life niya, lalo na dun sa sinabi sakin ni mama, di naman siguro siya mag rerebelde kung walang dahilan diba?
"Tinitingin tingin mo dyan!?" Singhal niya sakin at inirapan ko lang siya
"Ano deal ka ba sa pustahan?" Tanong ko sa kaniya habang nakangis pero umiling lang siya
"Bahala ka sa buhay mo" seryosong sabi niya na kinainis ko kaya napa irap na lang ako sa kaniya, at dumating na ang pagkain
Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mapatingin kay prince, there's something weird with me this days, simula nung mangyare yung sa bar, hindi ko na mapigilang mapatitig kay prince, alam mo yung parang tuwing andyan siya nahihigop niya ako, yung maramdaman ko pa lang yung presence niya napapatingin na agad ako sa kaniya...
Di naman ako ganun katanga para di malaman kung ano toh, pero kasi ang hirap paniwalaan, atsaka ang risky masyado... at nakita kong napatingin siya sakin, normally dapat ang reaction ko ay iiwas agad akong ng tingin pero di ko magawang alisin tingin ko sa kaniya... hayss delikado...
"Ang dumi mong kumain" sabi niya at bigla niyang pinunasan ang bibig ko gamit ang tissue
"Bakit ka ba kanina pa tingin ng tingin sakin? Naiinlove ka na ba sakin?" Biglang tanong niya na ikinataranta ko inside syempre di ko pwedeng ipakita sa kaniya na nagpapanic ako, edi nahalata niya ako
"Hindi noh, feeling nito" mataray na sabi ko sa kaniya at tinuon na lang ang pansin sa pagkain
"Hoy sinasabi ko sayo ah, wag na wag kang maattract sakin, walang magandang midudulot yan, masasaktan ka lang" sabi niya na for some known reason ay ikinasakit ng puso ko, alam mo yung parang kinurot ako ng sobrang sakit at sobrang dami beses
Pagkatapos niyang sabihin yun ay nanahimik na lang ako dahil para bang nawalan ako ng ganang mag salita or gumawa ng kahit ano... pagkatapos naming kumain ay nag bill out na ako, ibibigay na sana sakin yung bill ng kunin iyon ni prince at bayaran...
Balak ko pa sanang umangal pero parang nawalan na ako ng lakas. Nag aya na lang akong umuwi pagka tapos naming kumain, at mukhang di naman na papansin ni prince ang pagbabago sa mood ko, siguro akala niya pagod lang ako...
Pagka uwi namin ay agad naman akong nag ayos ng sarili at humiga agad sa kama ko at nagpanggap na tulog...
Hayss ano ba naman tong pinasok ko, napa delikado naman, wala pang chance of survival... well, di na lang ako masyadong mag lalapit at makikipag usap kay prince... feeling ko namn di pa ganun kalalim tong feelings ko para sa kaniya kaya maaalis pa ito...
At nagulat ako ng maramdaman kong nag ring yung phone ko kaya agad akong bumangon at binasa ang text na yun...
Baka hanapin mo ko ah, hindi ako makakapasok for at least 2 weeks, may aasikasuhin ako sa japan... tawag tawagan na lang kita, and sabihin mo lang kung may gusto kang pasalubong.
Mag ingat ka lagi.Text galing kay mark, wow so sinong kakausapin ko sa buong two weeks na yun? Grabe kung kelan may binabalak akong gawin eh... di bale dapat sanay na ako sa ganito, as far as I can remember matagal naman na akong walang kaibigan...
Nagkaroon man lang ba ako nang kaibagan dati? Parang wala naman akong maalala na kalaro ko...
BINABASA MO ANG
He hates me and I hate him too
Teen Fictionhe's straight, I'm gay he hates gay, I hate him he's a bully to me, I'm bullied only by him but for some known reason we want to kill each other... I don't know how, but I feel something about him and its not a good thing