Chapter 15

2.8K 142 2
                                    

"Prince pwede kausapin ko muna si serenity?" Biglang sabi ng ate ni prince, paakyat na kami sa kwarto ni prince dahil may mga kukunin daw siyang gamit na dadalhin niya sa room namin

"Okay" sabi lang ni prince at sinundan ko lang ang ate ni prince, at napadpad kami sa parang swing sa garden nila at umupo naman agad ako dun at ganun din ang ginawa niya

"It seems that you're close to each other, seeing you in that position,  kayo ba? Don't worry I don't discriminate" sabi niya na kinagulat ko at ikinapula ko

"Hindi po" pagtangi ko sa sinasabi nIya

"Alam mo... nabago mo si prince... dati hindi yan tumatawa, last time na nakita kong nakangiti at tumawa yan si prince ay nuong bata pa siya... at mukhang ayaw niyang humiwalay sayo ah? Knowing na lagi siyang nakabuntot sayo, sorry ah ginawa ko kasing spy ko si sebastian eh, sabi ko kasi sa kaniya ay iupdate niya ako sa lahat ng nangyayari kay prince eh... please stay with him and please din bantayan mo siya, it seems that ikaw lang ang nakaka control sa kaniya... you see, hindi siya nabigyan ng parents namin ng atensyon simula bata pa kami, and kailangan niya talaga ng taong makakacontrol sa kaniya... at ikaw yun... " mahabang sabi nIya sakin at napatango lang ako sa kaniya at may biglang may dumating, kuya ni prince andito

"Pwede ba kita maka usap?" Biglang aabi ng kiya ni prince sakin, kaya tumango lang ako sa kaniya, at tinapik ako sa balikat ng ate ni prince tsaka umalis

"Alam kong ayaw sa akin ni prince at alam ko din na naiingit siya sa akin, you see nung mga bata kasi kami ay ako ang top 1 sa class namin and lagi ako naka sunod sa mga gusto nila dad at mom, which is kabaliktaran ni prince, pero nakklita ko na nag tatry hard siya para makuha ang atensyon nila, pero parang balewala lang sa parents ko si prince, siguro na rin dahil ayaw sumunod ni prince sa mga gusto nIla mom and dad... sa totoo nga niyan ako ang naiinggit kay prince eh, kasi may lakas siya ng loob na sundin ang gusto niya at hindi niya pinapayagan na diktahan siya ng iba, nagulat nga ako na napapasunod mo si prince eh... di ko kasi kaya na suwayin sila dad, wala akong lakas ng loob... buti pa si prince malaya, alagaan mo siya ah? Di ko kailangan na magbati kami basta alam ko lang na ligtas at maayos siya okay na ako" sabi ng kuya ni prince at ngayon naintindihan ko na kung amo talaga anh problema dito

"Serenity! " nagulat ako ng sumigaw si prince at dali dali akong hinila palayo sa kuya niya

"Ano pati siya gusto mo!?" Galit na sabi ni prince at agad akong hinila papunta sa kotse niya

"Ano ba!? Alam mo nang lahat tungkol sakin diba? Bakit lumapit at nakipag usap ka pa din sa lalakeng yun? Ano? Type mo talaga siya!?" Galit na singhal sa akin ni prince, normally ay iiyak ako sa ganitong scemario pero knowing na may malaking misunderstanding ang naganap parang gusto kong mangeelam

"Wag mo kong sigawan" sobramg seryoso kong sabi sa kaniya at napa atras naman siya nang onti at biglang hinawakan ang kamay ko

"Sorry, di ko lang napigilan... ayoko kasing pati ikaw mapunta sa lalaking yun" sabi niya sakin at hinigpitan lang ang hawal sa kamay ko

"Prince I want you to let go of your hatred sa kuya mo" seryosong sabi ko sa kaniya at kahit madilim ay alam kong nag iba ang itsura ni prince

"So kinakampihan mo siya? Putang ina na naman serenity!" Sighal niya at nahampas niya ang manibela ng kotse niya, at nahampas ko na lang siya ng malakas sa braso

"Makinig ka kasi! Wag mo kong murahin baka gusto mong sumama ako sa parents ko sa ibang bansa? I know na dapat ang kuya mo ang nag sasabi nito sayo pero gusto kong mangeelam at pumasok sa buhay mo..." paunang sabi ko at hinintay ang reaksyon niya bago ko ituloy

"Umuwi na muna tayo" sabi niya sakin at inistart ang kotse

"Teka gusto ko munang awayin parents mo" sabi ko sa kaniya, shet baka mamisunderstood niya

"At bakit? Para ba sa akin? Tsaka na yan" sabi niya at pinaandar na nga ang sasakyan, habang nasa byahe ay di ko napigilan ang antok ko kaya naka tulog ako

Nagising na lang ako ng naramdaman ko na may nag taganggal ng sapatos ko, kaya agad akong bumangon at nakita ko si prince na tinanganggal ang sapatos ko kaya agad kong nilayo sa kaniya ang paa ko...

"Ako na, ako na, gising naman na ako" sabi ko sa kaniya at tatanggalin ko na sana ng agawin niya ang paa ko

"Ako na, isa na lang naman toh" sabi niya at kaagad na tinanggal ang sapatos ko at ang medyas ko

"Mag palit ka na ng damit mo, or baka gusto mo ako na din mag tanggal ng damit mo at mag palit sayo?" Nang aasar niyang tanong at inambahan ko lang siya ng suntok at tumawa lang siya, agad naman akong nag palit ng damit at humiga na sa kama

"Lumapit ka nga sa akin, ilang araw na tayong natutulog ng mag kasama eh! Ako na lang ba lagi mang yayakap?" Biglang sabi niya at humarap naman ako sa kaniya at kinurot siya

"Tsk!" Rinig kong bannggit niya at hinila ako palapit sa kaniya atsaka niyakap at hinalikan niya ako sa noo

"Wag mo kong iiwan ah?" biglang sabi niya, nako feeling ko mag dadrama toh pag lasing toh ngayon,  syempre lalaki yan kaya hindi yan mag dadrama na nasa normal na state sila

"Alam mo... bakla ako... ako dapat ang nagsasabi niyan... hindi kita iiwan, ang tanong lang, hindi mo rin ba ko iiwan?" Sabi ko at napayakap na lang sa kaniya, at hinalikan niya ako sa noo ko

"Di na kita iiwan ulit"

He hates me and I hate him tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon