Nang makita ko siyang umiinom ay napa isip ako kung trip niya lang bang uminom o baka naman may problem siya... dahan dahan akong lumapit sa kaniya at nakita kong napaka seryoso ng tingin nIya sa buwan.
"Wag ka nang magdahan dahan, samahan mo ko dito" sabi nIya na ikinagulat ko, at pumunta ako palapit sa kaniya at tumabi sa kaniya, nang mapalapit ako sa kaniya ay nakita kong namumula na ang mukha niya, ibig sabihin ay naparami na ang inom niya, nang makita kong aabutin na naman niya ang bote ng alak ay agad kong inilayo yun sa kaniya at agad na ininom
"Akin yan eh!" Reklamo niya sakin at inigaw ang bote sakin at inubos ang laman ng bote
"Last mo na yan, ang dami mo nang nainom, bakit ka ba umiinom?" Sabi ko sa kaniya at nagtanong kung anong dahilan ng paginom niya, at tumingin lang siya ng seryoso
"Alam mo naman na siguro yung nangyare sakin diba? For sure chismisan yun tuwing makikita ako sa isang business event" sabi niya, siguro tinutukoy niya yung sa kwento na nagrerebelde siya sa family niya kaya pinalayas siya sa kanila
"Di naman ako pinalayas samin eh, lumayas ako... ayoko na sa bahay..." sabi niya at parang buong senses ko naka focus lang sa kaniya
"... simula bata ako lagi na lang nilang napupuna ang mali ko, wala na silang nakitang tama sakin... lagi na lang ang kuya ko ang napapansin nila, puring puri sila sa kuya... inagaw ng kuya ko ang lahat sakin... biruin mo isang buwan nilang pinag hahandaan ang birthday ng kuya ko, samantalang ang ate ko lang ang nakaka alala sa birthday ko... ate ko na nga lang nag mamahal sakin umalis pa siya... naalala ko nung bata ako, may iisang bata lang ang tumanggap sakin that time kahit na sobrang sama nang ugali ko at kahit inaaway ko din siya dati... kaso pati siya nawala sakin ng dahil sa kabobohan ko... sana pala pinatay ko na lang uli ang sarili ko..." kwento niya at hindi ko alam ang gagawin, ramdam ko sa boses niya ng lungkot, pero hindi ko napigilan ang sarili ko nang sabihin niya ang huling linya, di ko namalayan na nasampal ko siya ng dahil dun
"Tingin mo ba magaganda yang iniisip mo, tumingin ka lang sa paligid mo siguradong may nagmamahal sayo hindi lang nila maiparamdam ng maayos! Atsaka ano na lang sa tingin mo mangyayare sa ate mo pag nagpakamatay ka!? Tingin mo magiging masaya siya!? Hindi!" Naiiyak at galit na bangit ko sa kaniya at narinig kong napatawa siya ng mahina at napatingin ako sa kaniya at nagkasalubong ang mata namin
"Bakit ka naiyak? Diba dapat akong umiiyak?" Medyo natatawang sabi niya sakin at hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako
"Can you forgive me? Sobrang dami ko nang kasalanan sayo eh... pero you're here" sabi niya at tumango naman ako sa kaniya
"Can you be my friend?" Tanong niya na parang nag aalangan siya at parang humina ang boses niya na para bang nahihiya siya tanungin sakin yan
"Syempre naman" sabi ko sa kaniya at mas hinigpitan niya ang yakap sakin
"Bakit ayaw mo pala sa mga bakla?" Takang tanong ko sa kaniya at humiwalay na sa yakap at tumingin sa kaniya
"Trip ko lang... atsaka kasi nung grade 6 ako muntikan na akong maano ng bakla eh... inaya niya akong sumama sa kaniya at sabi niya bayaran niya daw ako... pero buti na lang may nakakita samin at agad akong nilayo sa bakla na yun" kwento niya sakin at mapa isip naman ako, bakla ako... pero hindi ko maintindihan kung bakit may mga bakla na sila na mismo ang sumisira sa sarili nila...
"... will you do the same thing to me if you would have the chance?..." nag aalangan na tanong niya sakin at agad ko siyang kinurot sa braso niya at piningot ang tenga niya
"Di kita type hype ka!" Natatawang banggit ko sa kaniya... may gusto ako sayo pero hindi ako ganun
"Asus! Kung hindi ako nagkakamali may nafofall ka na sakin eh" sabi niya na ikinatigil ko for a second pero agad ko siyang kinurot at di na nag salita
"Tabi na tayo matulog ah, pag tatabihin ko na kama natin" sabi niya sakin na ikinagulat ko at napagingin na lang ako sa kaniya na puno nang pagtagaka
"Bakit ba? Kaibigan naman na kita eh" sabi niya sakin at mas lalo akong naconfused sa kaniya
"Prince baka nakakalimitan mo bakla ako... hindi porket magkaibigan na tayo pwede na nating gawin ang ginagawa nIyo ng mga tropa mo" sabi ko sa kaniya na para bang pinapangaralan ko siya
"Sus! Ang dami mong alam, wala na akong pake kung bakla ka, basta tabi na tayo. Atsaka komportable naman ako sayo. Don't worry di mo naman ako natuturn on" sabi niya at mabilis ko siyang hinampas, gagong toh
"Tara na at iuusog ko pa ang kama" sabi niya at nagmadaling pumasok sa kwarto namin ako naman ay dumeretso sa kusina para ilagay sa ilalim ng sink ang bote... nagulat na lang ako na sobrang dame ng bote ng alak sa ilalim ng sink, tsk! Lakas ng tama nito
"Hoy tara na! May pasok pa tayo!" Sigaw niya sakin at pumunta na ako sa kwarto namin at agad na nahiga at tumalikod kay prince at lumayo sa pwesto niya, feeling ko nga isa pang galaw ko malalaglag na ako. Nagulat ako ng hilahin ako ni prince at niyakap
"Prince lasing ka lang... bukas ng umaga mandidiri ka pag nalaman mong magkatabi tayo baka mas lalo ka pang mandiri pag naalala mo lahat ng ito" sabi ko lang at bigla niya akong kinurot sa pisnge
"Alam mo, ang dami mong arte. Ienjoy mo na lang toh at bukas mo na problemahin kung mandidiri ako sayo" sabi niya at hinipan niya ako at nasiko ko siya dahil amoy alak ang hininga niya
Kinabukasan...
Pagkagising ko ay hindi ko muna binuksan ang mata ko, dahil parang natatakot na akong kumilos at feeling ko pa pag gumalaw ako magigising si prince at makikita niya na magkatabi kami, at baka mag sisigaw siya about dito at makatanggap pa ako ng ilang masasamang salita... naramdaman ko na lang na may tumulong basa sa mukha ko, naiyak ako?
"Huy gising bakit ka umiiyak" nang marinig ko yan ay agad na napamulat ang mata ko at napatingin ako sa kaniya at bigla niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap
"Anong nangyare hah? Bakit naiyak ka?" Alalang tanong niya sakin pero umiling lang ako sa kaniya at pinunasan niya ang luha ko at ngumiti lang ako sa kaniya
"Napaka fake mo, two faced ka... halata namang may nangyare eh dahil umiyak ka tapos sasabihin mong wala lang at biglang ngingiti... bakit ka nga umiyak? Nanaginip ka ba ng masama? Ano?" Sabi niya sakin na parang nag aalala pa rin
"Nanaginip kasi ako na pag gising ko ay magigising ka din tapos makikita mo na tabi tayong natulog tapos itutulak mo ko at pagsasabihan ng masasamang salita" pagsisinungaling ko sa kaniya, hindi ko naman panaginip yan eh, resulta yan nang pag ooverthink ko
"Panaginip or nag overthink ka lang at nag assume?" Tanong niya sakin at tinignan ako pero umiwas ako ng tingin, obvious naman na alam niya na ang sagot dahil di naman niya itatanong yan kung naniwala siya sa palusot ko
"Sa ilang buwan na magkasama tayo dito alam ko na kung paano ka basahin, kaya wag mo nang subukang mag sinungaling... wag ka nang mag overthink" sabi niya sakin at hinimas himas ang likod ko para pakalmahin ako
I'm emotionally unstable... I may look strong in verbal fights, but emotionally I'm weak... I don't remember what happen, but my patents told me it started when I was a kid when we moved to canada... but I don't remember anything from my childhood
BINABASA MO ANG
He hates me and I hate him too
Teen Fictionhe's straight, I'm gay he hates gay, I hate him he's a bully to me, I'm bullied only by him but for some known reason we want to kill each other... I don't know how, but I feel something about him and its not a good thing