Chapter 4

3.1K 49 1
                                    

ANG PAGBABALIK

Audience lang kami ni tita angela sa kasal niya dahil ayaw kong maging bridesmaid sa kasal.. pati narin si ate marga.

Paglabas namin ng bahay agad kaming naabutan ni cassie. "Hi po tita! Hi po ate marga!" Bati niya. Ngumisi lang sila ate at mama, "sasabay kaba samin?"  Tanong ko. Habang tinuturo yung sasakyan

"Uhh.. Oo, tara na" pumasok na kami sa kotse nasa kaliwa ko si cassie at nasa kanan ko naman si ate marga na abala sa pag chat kay james. Miss na niya talaga,

Nagtext nadin ako kay kenzo para mangumusta,

Bespren! Kamusta? Kumain ka na ba?

Napansin kong nakatingin si cassie sa phone ko kaya agad ko itong tinago.

"B-bakit?"

"Uhmm.. zeah, pwede bang humingi ng number ni kenzo?"

Talaga? Nanghihinga na siya ng number? Nang narinig ko yon biglang sumikip yung dibdib ko na para bang sinasabi ng puso ko na wag kong ibigay yung number. Pero bat ako apektado ehh kaibigan ko lang naman si kenzo

Binigay ko na kay cassie yung number tsaka niya ito tinext.

"Thats a bad idea sis, nasa huli ang pagsisisi" bulong ni ate marga. Ano bang ibig niyang sabihin?

Anong nasa huli ang pagsisisi? Bahala na nga, baka nga may ipapakilala sakin na lalake si kenzo pagbalik ko ng maynila. At baka mawala na yung nararamdaman kong ito.

Hindi na kami tumuloy sa simbahan, dumeretso na kami sa reception dahil mas gusto naming kumain.

Hinintay lang namin yung bride at groom bago kami kakain. Pansin kong kinikilig na tong si cassie sa tabi ko habang hawak yung phone niya, siguradong ka text niya di kenzo.

Naalaa ko na hindi pa siya sumagot sa text ko kaya binuksan ko yun phone ko at nakita yung 3 messages na galing sa kanya. Hindi ko pala napansin na nagtext siya.

{Ok lang ako dito bespren, kumain na din ako.. eh ikaw? Kamusta ka na dyan?}

{Ba't mo binigay sa kanya yung number ko? Uyy magreply ka}

{Ang kulit ng kaibigan mong probinsyana! Haha.. nakakainis yung kulit niya kesa sayo miss na kita bespren!}

Akala ko ba gusto niyang makipagkilala kay cassie ba't ayaw niya binibigyan ko siya ng number niya haha. Nagreply na ako sa kanya

Slr. Wag ka nang mainis mabuti nayun para pagdating namin diyan kulang nalang yung panliligaw mo.

"Marga, Zeah.. ngayong gabi nalang pala tayo uuwi dahil may importanteng meeting pa ako bukas dun sa office"

Yess!! Uuwi na kami salamat naman kung ganun! Napaisip ako tuloy kay cassie.

"Cassie hindi mo ba pinababayaan yung pag-aaral mo dito sa probinsya? Baka pagbisita mo dun sa maynila hindi ka maka catch up ng lessons niyo"

"Wag kang mag-alala zeah, inenroll ako ni mama dun sa maynila kaso nga lang sa public school.. walang budget eh"

"May matitirhan kaba dun?"

"Oo, andun kasi yung pinsan ko"

Tumango lang ako at kumuha na ng pagkain, nandito na kasi yung bride tsaka groom kaya pwede na.

Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa kotse para makauwi na at magsimula na sa pag-iimpake. Pumasok na si cassie sa bahay ni tita angela na may dalang bag, halatang nakaimpake na siya kahapon pa lang.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon