Chapter 5

3K 49 2
                                    

PINSAN NIYA?

"Hilary! Gising! Andyan na yung ahas mong friend myghad!" Napagising nalang ako sa ingay ni ate ano naman bang kalokohan tong sinasabi niya?

"Sinong ahas?" Napatayo siya mula sa kama ko. "Si cassie! Andun siya sa harap ng bahay ni kenzo, nag-ssweet talk yung dalawa!" Ba't bato naiinis? Hay naku ate, dapat ako yung nasa sitwasyon ko pero parang baliktad ata yung nangyari

"Alam mo ate masyado kanang OA! Pabayaan mo na sila, mabuti nayun para magkajowa nayung dalawa" pumasok ako ng cr tsaka naghilamos pero hindi padin ako tinantanan ni ate margaret. Sunod parin siya ng sunod saken, parang buntot ko lang.

"Hay nakuu! Di bale sis! May ipapakilala ako sayo, halika kumain muna tayo" hinila ako ni ate pababa ng kwarto. At tumungo na sa kusina.

"Ma, kumain na po ba si cassie?" Tanong ko kay mama, minsan kasi mahiyain yun si cassie pagdating kay mama lalo na kay ate marga "ahh Hindi pa, sabi niya mamaya nalang daw siya kakain dahil makikipagkita daw siya kay kenzo"

Tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagkain nang biglang tumabi sakin si ate marga.

"Tingnan mo ma ohh! Wala siyang pakealam sa bestfriend niyang nilalandi ng ibang babae!"

"Alam mo ate mas mabuti pang makipaglandian ka dyan sa boypren mo kesa pakialaman mo sina kenzo at cassie!"

Nang matapos na akong kumain, "halika daliii!!! James tawagan mo yung pinsan mo haa" sigaw ni ate kay james. Sinong pinsan ang sinasabi niya?

Pinaupo ako ni ate sa may study table at kinuha yung lip and cheek tint napa atras ako ng konti "ano ba? Wag kang malikot! Dapat maganda ka sa harap niya" anong sa harap niya? Sino ba siya? At kanino ba ako haharap?

Nang matapos niya akong pagandahin at pinasuot niya ako ng white tshirt at highwaisted pants. "Saan ba tayo pupunta?"

"May ipapakilala ako sayo, lets go andyan na ata siya sa baba" nagtaka ako kung sino, bigla tuloy akong kinabahan. Pagbaba namin ng kwarto agad akong napatingin sa isang lalakeng singkit ang mga mata, maputi at syempre gwapo.

Nanlaki ang mata ko nang malaman kung sino yon, si Ken albarico yung new student ng section namin. "K-ken?"

Napatingin samin si ate marga at james, hindi nila siguro alam na magkaklase lang kami netong si ken. "Hi Zeah" sabay ngiti. Hindi man lang siya nag react na ako yung ipapakilala ni ate marga.

"Uh.. Zeah this is Ken ang pinsan ko, so magkakakilala na pala kayo?" Sabi ni james. Magpinsan sila? Manang mana ang kagwapuhan ahh.. ok din naman. "Actually classmate ko siya" sabi ko na ikinagugulat din ni ate marga.

"OMG! Destined talaga kayo nohh, sige na mamasyal na muna kayo kung saan saan para naman mas makilala niyo pa ang isa't isa"

Totoo ba to? Nakikipag date na ako sa ibang lalake? For the first time in my life! Siya yung 2nd boy na kasama ko, palagi kasi si kenzo ang kasama ko kung saan saan ehh. Is this the day? The day na magkakajowa na akoo!

That day will come! Wag na munang magmadali zeah okayy?

Lumabas na kami ni ken sa bahay at nakita kong nasa labas sila kenzo at cassie nag-uusap, bigla akong na napahawak sa dibdib ko na para bang may kumikirot. Ang sakit. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagseselos ako dahil ginusto ko yun, para magkakilala sila ni cassie.

Lumapit si Ken kay kenzo at, "bro! Kamusta? Who's that friend with you?" Tanong ni ken. Lumapit nadin ako sa kanila para sumali sa usapan.

"Ahh si cassie kaib-"

"Hi i'm cassie! His girlfriend" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, girlfriend na agad? Ganun lang? Grabe naman ata non. Anh bilis, napatingin ako kay kenzo na nakatingin na pala sakin. Naguguluhan ata siya sa nangyari.

"Ah... uhm, saan pala punta nyo?" Aba nag change topic pa talaga yung unggoy. "Mamamasyal lang kami, eh kayo hindi ba kayo sasama samin? Para naman ma celebrate niyo yung first day of magjowa haha"

Ano? Sasama sila? Oh sige ba' hindi ako affected noh dahil soon to be boyfriend ko nadin tong si ken. Wag kayong ano dyan!

Nang makarating kami sa mall pumunta kami sa arcade na kung saan masayang naglalaro sila ken at cassie, hayss kung kayo nalang kaya magsama?

Napatingin ako sa phone ko nang may nagtext. Si kenzo

Bespren, okay ka lang ba? Sorry ha

Napalingon ako sa gilid na kung saan nakaupo si kenzo sa tabi ng pinaglalaruan nila ken at cassie na hawak hawak pa yung bag ni cassie.

Naalala ko noon bag ko lang ang bitbit niya pero ngayon bag na ng ibang babae. Nireplyan ko agad siya baka magmukha pa akong others.

Okay lang... kamusta si cassie? Masaya bang makasama?

Nakita kong tapos na sa paglaro yung dalawa. "Punta tayo ng ice cream shop" aya ni ken. Nang makarating na kami ng ice cream shop ay nag order na ako ng vanilla ice cream, nag-order nadin sila ng kanilang ice cream. Umupo na kami sa may bakanteng upuan.

"Ang saya nohh? Sana ganito tayo every weekends para makapagpahinga from school" sabi ni ken.

Tumango lang ako, nang biglang nagsalita si cassie. "Oo nga eh! Para din makakapagdate din kami ni honey-bunch ko hmm" sabay yakap kay kenzo, napansin kong napaiwas ng konti si kenzo kaya bigla akong napangisi. Napansin ako ni kenzo na tumatawa kaya napatingin ako sa kanya na halos naka titig na sa mga labi ko.

"B-bakit?" Kaba kong tanong, tinitigan niya talaga yung bibig ko as In! O di kaya assuming lang talaga ako? Nilapit niya yung kamay niya bibig ko sabay punas.

"May ice cream" nahiya ako tuloy. Ice cream lang pala, assumera ka talaga zeah ehh! Ikaw lang ang masasaktan kung palagi kalang nag-aassume!

Haaaayyy sa wakas tapos na ang pasyalan hinatid na kami ni ken sa bahay, pinababa muna ni ken sila cassie at kenzo dahil gusto niya muna akong makausap.

"Sana maipasyal pa kita, yung tayong dalawa lang.. thank you zeah at pumayag ka na mamasyal kasama ako"

"Sasamahan kita kung saan mo gustong pumunta... thank you pala ha sige na mauna na ako bye" at nagpaalam na , bumaba na ako sa kotse tsaka pumasok na ng bahay.

"Hi sis! Kamusta? Ok lang yung pamamasyal niyo?" Tanong ni ate.

"Ok naman, masaya" at agad na akong pumasok sa kwarto ko, nang biglang nakita ko si kenzo na nakahiga sa kama habang tinitingnan ako!

"K-kenzo?" Pinikit ko yung mata ko, pagkabuka ko ay bigla siyang nawala.. guni guni mo lang yon zeah!

Humiga na ako sa kama at biglang tumunog yung phone ko. Ito lang siguro yung araw na hindi kami nag-usap ng personalan.

Good evening bespren... slr. Ok lang naman si cassie masaya siyang kasama pero siguro mas masaya kung ikaw yung kasama ko. Nakakapanibago ehh kailangan ko pa talagang mag-adjust dahil kami na. Mag-usap tayo bukas bespren ahh-- goodnight labyu

Kahit sa huling sandali nagawa parin niya akong pangitiin, kahit na naniinis ako sa sarili ko dahil sa mga nararamdaman ko nandito padin siya at pinapangiti ako.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon