Chapter 2

4.8K 69 7
                                    

HOME ALONE

Zeah POV

Mabuti at hindi na ako sinigawan ni ate Marga, nakakasira ng araw. Bumangon na ako tsaka naligo at nagbihis narin. Pagbaba ko wala padun si kenzo, asan na kaya yun? Baka nalate lang tsaka pwede ko naman siyang puntahan sa bahay nila. Nakita ko si ate at si kuya james na nagPDA sa harap ng tv ng sala.

"Pwede bang sa kwarto niyo yan ipagpatuloy" cold kong sabi, talagang pinamukha nila sakin na single ako forever haayyss! Sinasadya ba talaga nila para paselosin ako?

"Sorry baby girl haha, kumain ka na dyan.." sabi niya habang nakaakbay si james sa kanya. "Ba't kasi ikaw nalang yung manligaw kay kenzo, bagay naman kayo nun" sabi ni james napatigil ako sa pagkain.

"BESTFRIEND ko yun! Kainis." At nagpatuloy na sa pagkain. Nakita kong bumaba si mama na nakabihis "ma? San ka pupunta?" Tanong ni ate. "Makikipagkita ako sa tita Angela niyo, sya nga pala... Zeah pagkatapos mong kumain dumeretso ka sa bahay nila kenzo"

Napatingin ako kay mama, bakit naman? May sakit ba siya?

"Bakit po?" Tanong ko. "Aalis na daw yung mama niya papuntang new zealand siguradong mag-isa lang siya dun sa bahay.. puntahan mo na siya dun at baka malate pa kayo sa school"

Kinuha ko na yung bag ko tsaka pinuntahan si kenzo sa bahay niya, medyo tahimik parang wala ata dito si kenzo.. sumilip ako sa bintana nang biglang

"Hoy!" Napalingon ako sa likod SHEMAYY! mamamatay ako sa kaba haaayssss binatukan ko kaagad si kenzo na hindi padin makapigil sa pagtawa.

"Gagi! Ba't hindi ka pa nakabihis!?" Inis kong sabi, hindi pa talaga nakabihis yung unggoy! Basang basa pa yung buhok ano kaya trip niya?

"Hinatid ko lang si mama dun sa may kanto aalis na kasi siya papuntang new zealand" sabi niya, kinuha niya yung susi sa bulsa niya at pumasok na kami sa bahay. "Bakit pumunta yung mama mo sa new zealand? May trabaho ba siya dun?"

Tumango lang siya at pumasok sa kwarto niya. Pero lumabas siya at tiningnan ako na nakatayo lang sa harap ng kwarto niya. "Bakit? Hindi ka pa ba magbibihis?" Tanong ko. "Hindi ka ba papasok?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"Baliw! Ba't naman ako papasok!? Kaya mo naman magbihis mag-isa!"

"Eto naman, parang hindi mo na nakita yung mga alaga ko hahahaha"

"Ang bastos mo! Magbihis ka na oy!" Sigaw ko. Ang bastos na talaga netong lalake na tohh!! Kakalandi to sa mga babae ehh kaya ayun na ang naging resulta.

Habang tumatagal, habang naging matured na kami mas lumalandi natong si kenzo.. alam kong sweet pero iba na yun eh.

Nang matapos na siyang magbihis ay lumabas na kami ng bahay niya at naglakad patungo sa school.

@school

Habang naglalakad kami sa hallway may biglang lumapit sakin na lalake "uhmm.. Hi zeah" napatingin ako sa lalake, matangkad at gwapo.. Grade 12 ata tohh, eh grade 11 palang ako wews. Agad siyang may binigay sakin na chocolates, kinuha ito bigla ni kenzo at humarap sa kanya

"Sino ka ba bro? At bakit may pa tsokolate ka pang nalalaman?" Nakakatawa talaga yung mukha ni kenzo, parang kuya ko lang ehh kasi wala pala akong kuya.

Hindi siya pinansin ng lalake, kinindatan lang ako nito tsaka lumayo. Sinundan ko siya ng tingin nang biglang humarang si kenzo kaya siya yung natingnan ko.

"Uy uy uy, bespren anong klaseng tingin yan? Type mo na noh? Chocolates lang ang mabibigay nun hindi pagmamahal sus... tara na nga"

"Sakin na nga yan" kinuha ko yung chocolate na kinuha niya dun sa lalake. "Wag! Bibilhan nalang kita ng bago baka may lason pa to eh"

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon