Chapter 17

2.3K 35 2
                                    

KENZO, WHO?

@school

"Beshy, tulog muna tayo" naantok na sabi ni lisa. "Ikaw nalang muna" sabi ko at napatingin sa mga kaklase ko. Masasabi ko kasi talaga yung kaibahan ng naging kaklase ko dito sa cebu at doon sa maynila.

"Hi zeah! Sorry na late napud ko" (sorry late na naman ako) sabi ni callix sabay upo sa harap ko. "Ok lang, bakit hindi mo kasama yung mga kaibigan mo?" Tanong ko.

"Mabuti at nakaintindi kana ng bisaya.. Ahh, andun sila sa may backstage ng theatre.. nga pala may surprise ako sayo mamaya" sabay kindat at umalis. Ano naman kaya yung surprise niya?

"Uyy ano yon? Close na kayo?" Biro ni lisa na nagising, "akala ko ba matutulog ka? Eh ba't gising ka pa?"

"Ang ingay niyo kasi.. close na ba kayo?"

"Di naman masyado.. per-" hindi ko natuloy yung pagsalita ko nang may nagsalitang announcer. "All valentine students please proceed to the theatre for our  first program thank you!"

"Lets go" aya ko kay lisa, at tumungo na kaming lahat sa theatre. Umupo kami sa harap malapit sa stage. "Ano kayang meron?" Takang sabi ni lisa. Baka ito yung sinasabing sorpresa ni callix. Baka lang naman

"Let us all welcome The legendary group of St. Valentine... King5!" Nabigla ako nang lumabas si callix kasama ang mga kaibigan niya, si callix may dalang gitara yung iba naman niyang kaibigan ay drum tsaka bass yung isa naman vocalist.

"KUNG HINDI IKAW, AY SINO PA BA ANG LULUHA SA UMAGA PARA SATING DALAWA.... BUMIBITAW DAHIL DI MAKAGALAW PINIPIGILAN BA ANG PUSO MONG IBA ANG SINISIGAW...."

"KUNG DI RIN TAYO SA HULI, AAWATIN ANG SARILI NA MAKITA KANG MULI... KUNG DI RIN TAYO SA HULI, AAWATIN BA ANG PUSO KONG IBIGIN KA..."

"Talented din pala tong si callix noh?" Sabi ni lisa. "Oo nga eh, alam mo minsan pag titigan ko siya makikita ko si kenzo sa kanya" napansin kong napalingon sakin si lisa. "Di kaya nag reincarnate si kenzo? Baka siya nga si kenzo? Kaya siguro palagi siyang dumidikit sayo"

"Tanga ka ba? Anong tingin mo kay kenzo patay na? Ikaw talaga kung ano ano lang yang iniisip mo" napabaling naman yung tingin ko kela callix.

"This song is for you, and you already knew who you are" sabi ni callix sabay kindat. Sino kaya yung maswerteng babaeng sinabihan niya?

Napanganga ako nang narinig ko yung kinanta niya, dahil favorite sing ko yon.

"Hey, Beautiful Beautiful Beautiful Beautiful angel.. Love your imperfections every angle, tomorrow comes and goes before you know.... so i just had to let you know...."

"Beshy.. fave song mo yon diba? Ba't alam niya?" Sabi ni lisa. "Baka coincidence lang" bakit parang siya si kenzo? Alam niya yung kahinaan ko at iba pa, pati yung kanta? Eto ba yung sinasabi niyang sorpresa?

Nang matapos na ang program ay nagsibalikan na kami sa classroom, pero tumungo na muna kami ni lisa sa cafeteria dahil nagugutom nadin kami. Nang nakaupo na kami sa may bakanteng upuan ay biglanh dumating si zach.

"Sa'n ba kayo nanggaling? Kanina ko pa kayo hinahanap" tanong niya. "Eh ikaw ba? Hindi ka namin nakita kanina sa program ahh" hindi ko naman talaga siya nakita kanina, akala ki nga absent siya sa araw nato.

"Program? Anong meron sa program?-- ahh! Kaya pala walang katao tao yung rom natin may program palang naganap" luhh.. hindi niya pala alam? Grabe naman to.

"Uhhmm guys, ako na ang oorder ng food" sabi ni lisa tsaka umalis. Naiwan lang kami ni zach nakaupo, nang muli siyang nagsalita

"Zeah, can i ask you something?" Napatingin ako kay zach, "ano yun?" Baka manliligaw to sakin? OMG wag muna.

"May kakilala ka bang kenzo?" Bigla akong napahinto sa sinabi niya, kilala niya din ba si kenzo? "K-kenzo? Sinong kenzo?" Ano ba zeah!! Sasabihin ko ba sa kanya na kilala ko si kenzo, na best friend ko siya? Pero baka ibang kenzo yung ibig niyang sabihin.

"Kenzo buenaventura" O-M-G siya nga! Si kenzo nga yung tinutukoy niya.. p-pero bakit? At sino ba siya? Sasabihin ko ba? Wag na lang, "ahh... sorry wala akong kilalang Kenzo, bakit? Sino ba siya?" Tama ba tong ginagawa ko? Pero nagu-guilty ako sa sinasabi ko.

"Seriously? Wala ka talagang kakilala na kenzo?"

"W-wala nga... bakit ba?" Bakit niya ba ako pinipilit? Naiinis na tuloy ako sa kanya. "Wala naman" tumango lang ako. At tsaka dumating si lisa dala ang nga pagkain na inorder niya.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" Aba! Isa pa to, chismosa talaga. "Alam mo napaka chismosa mo, kumain ka na nga dyan"

"Sorry na, eh nabanggit niyo kasi yung pangalan ni kenzo.. kaya akala ko okay na kayo--" agad kong tinakpan yung bibig ni lisa. "Shut up".

--------------

ZACH POV

Pagkatapos ng klase namin ay agad na akong umuwi ng bahay para tawagan si kenzo.

TOL!! Red aleeert!

[ohh? Bakit? May masama bang nangyari kay zeah?]

Hindi tol! Tinanong ko kasi siya kanina kung may kilala ba siyang kenzo buenaventura

[ba't mo kasi tinanong! Ohh tapos? Ano daw sabi?]

Hindi ka daw niya kilala bro, pero alam ko namang nagpapanggap lang siya na hindi ka niya kilala

[w-what? Pero bakit?.... mabuti pa siguro zach, kung ihinto na natin tong pagbantay sa kanya...sige na, usap uli tayo bukas]

Ihihinto na niya? Hindi pwede kenzo, dahil kaibigan kita gagawin ko ang lahat para sayo... kahit hindi mo na ako uutusan na bantayan si zeah ay ako na ang bahala sa kanya.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon