Chapter 19

2.3K 31 1
                                    

PUT YOUR HEAD ON MY SHOULDER

ZEAH POV

"Anak! Bilisan mo nga dyan! May naghihintay sayo sa labas baka malate kayo" sigaw ni mama  sa labas ng kwarto. Sino naman bang naghihintay sakin sa baba? Si lisa lang naman ang palagi kong kasabay sa pagpasok.

Nang matapos na ako sa pagbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at bumaba, "sino ba mama?" Tanong ko kay mama.

"Di ko kilala eh, manliligaw mo ata hahaha sige na! Pumasok na kayo sa school" manliligaw ko? Biro nga naman! Lumabas na ako ng bahay, nakita kong may nakaharang na kotse sa harap ng gate namin.

Napahinto ako sa paglakad nang biglang bumaba yung bintana ng kotse. "Hi zeah! Sakay na"

"Callix?" Bakit siya nandito? At ba't alam niya kung saan ako nakatira. "Yep! Dali na basin malate ta ani" (yep! Hali na baka malate tayo neto)

Agad na akong sumakay sa kotse, di ko akalain na marunong din pala tong magdrive. "Bakit mo alam kung saan ako nakatira?" Ani ko. Habang siya ay nagmamaneho at binigyan ako ng magandang ngiti na halos kita yung malalim niyang dimple.

"Secret, di ko mosaba... basta ang importante kay kabalo nako kung asa ka gapuyo gusto ka everyday tika sugaton? Or pwede rasad ihatod tika" (secret, di ko sasabihin... basta ang importante ay alam ko na kung san ka nakatira gusto mo everyday kita susunduin? Or pwede din kita ihahatid)

Napatawa naman ako sa sinabi niya, "ano yun? Hatid sundo? Hmm... pwede din hahaha, nga pala nakalimutan kong mag-almusal! Ikaw kasi eh, minamadali ako ng ate ko kasi andyan ka" napatawa siya.

"Ako talaga? Grabe naman hahaha, I can wait you know! Kahit gaano ka pa katagal magbihis mahaba naman ang pasensya ko basta ikaw😉" nabaguhan ako sa pagsasalita niya, madalas kasi pag nagkakausap kaming dalawa nagbibisaya siya.

"Ang galing mo palang magtagalog! Edi sana nagtatagalog ka nalang"

"Gusto ko kasing mag practice ka mag bisaya para naman kung may aaway sayo nakakaintindi ka na, kagaya nung nangyari sayo kahapon diba?" Oo nga tama siya, depensa na din yun sa sarili...

@school

"Beshie ba't di mo sinabi sakin na tagasundo na pala sayo si callix?... kayo na ba ha?" Panukso ni lisa, kung ano ano nalang ang iniisip niyong babaita nato! "Tumahimik ka nga dyan, ewan ko nga kung sino nagsabi sa kanya kung saan ako nakatira- teka nga lang! Sabihin mo nga sakin yung totoo"

Hindi ko inalis yung tingin ko kay lisa para naman masabi niya yung totoo na siya ang nagbigay ng address kay callix.

"Uhmmm.. sorry na beshie! Eh kasi pinilit niya ako na sabihin sa kanya kung saan ka nakatira so ayun sinabi ko nalang at least may free donut pa ako hehe" pangisi niyang sabi

"Anong free donut? Nanghingi kana naman ng pagkain? Ikaw talaga ang takaw takaw mo!"

"Uyy hindi ah! Sabi niya kasi na kapag sasabihin ko sa kanya yung address ay bibigyan niya ako ng donut, kaya ayun tinaggap ko nalang" napa buntong hininga nalang ako sa sinabi niya, wala naman din akong magagawa dahil alam na ni kenzo--este ni callix yung address.

**

Nagsi-upuan na kami dahil dumating na yung history teacher namin. NAKU! BORING NA NAMAN! Umagang umaga nakakaantok hayyss😩

Umupo si callix sa tabi ko dahil hindi pumasok si zach ngayong araw. "Dito na muna ako, tutal wala naman si zach" sabi niya na ikinangingiti ko lang.

Dumaan ang ilang minuto ay hindi parin tumigil sa pag discuss yung history teacher hanggang sa ramdam ko na ang antok, at bigat ng mata at ulo ko. Kaya agad akong napapikit sa antok, ramdam ko ding kinuha ni callix yung ulo ko at ipinatong sa balikat niya para makatulog ako ng maayos.

I like it so much...😊

---------------------

CALLIX POV

Alam kong nakakaantok tong history subject pero dapat parin ako focus sa pag-aaral dahil.... wala lang trip ko lang. habang nag tatalakay ang history teacher namin napansin kong hindi na umimik si zeah kaya napatingin ako sa kanya.

Napatawa nalang ako nang nakita ko siyang nakatulog na kaya agad akong lumapit sa kanya para ipatong yung ulo niya sa balikat ko.

"Callix, di ba tayo pagagalitan pag natulog sa klase?" Tanong  ni lisa na halatang antok narin. "Matulog ka narin dyan, ako na ang bahala" ngumisi siya at natulog.

Ilang minuto ang lumipas ay napansin kami ni Sir Harold ang history teacher namin, "who told you to sleep in my class?" Tumingin lahat ng kaklase ko kela zeah at lisa. "Tan.aw man mo?... sir, kabalo baya ka nga boring inyong subject what if maghimo kag activities to freshen up your students? Next time sir, butangi pud ug kalipay imong pag discuss para way makatog sa imong klase" (anong tinitingin-tingin niyo dyan?... sir, alam niyo naman na boring yung subject niyo what if gumawa ka ng activities to freshen up your students? Next time sir, lagyan niyo naman ng kasiyahan ang pag discuss para walang makakatulog sa klase mo)

Rinig ko naman ang mga pagsang-ayon ng mga kaklase ko kaya hindi nalang nagsalita si sir harold at nagpatuloy nalang sa pag discuss.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon