Chapter 34

1.6K 21 0
                                    

PROMISE RING

Habang tumatagal mas tumitibay ang relasyon naming dalawa ni callix, puno ng kilig at kaligayahan. Araw araw niya ako binibilhan ng bulaklak, halos bulaklak na ang makikita mo sa bahay namin. Kaya nagpagawa tuloy si mama ng garden sa likod nga bahay para naman dun ko ilalagay lahat ng bulaklak na naipon ko kay callix.

Sa araw na ito pinagdidiriwang na namin ang 3rd monthsarry, nasa school kami ngayon daming projects na aasikasuhin dahil clearance naaa! Malapit na ang graduation namin kaya todo na to!

"Babe, project  pala sa Arts natapos mo na ba?" Concern tong si sir callix. "Yes, Mr. Lopez.. eh ikaw? Natapos mo na ba? Gusto mong tulungan kita?" Sabi ko. Madali lang naman kasi yung project namin sa arts, Calligraphy lang EASY!

"Yup! Wala ka bang tiwala sakin? Syempre nagbago na ako simula nung dumating ka sa buhay ko, halos lahat ng school works ginawa ko na on time" napangisi ako sa sinabi niya, di nga talaga siya ganito noon... nung hindi ko pa siya masyadong nakilala matatawag ko siyang palaaway, tamad, at syempre babaero daw sabi nila.

"Mabuti naman kung ganon haha, nga pala nakita mo ba si lisa? Kanina ko pa siya hindi nakikita eh"

"Di ko napansin, tara samahan mo nalang ako sa basketball court" sabi niya. "Bakit? May laro kayo?" Tanong ko, varsity si callix sa university nato at palagi niya akong kasama sa mga laro niya lalo na sa practices.. "wala naman, basta.. lets go, you gonna love this" sabi niya.

Hinila niya ako papuntang court, habang hawak niya ang kamay ko tumingin siya sa paligid napansin kong may pulang balloons na nakalipad sa taas.. anongmeron? At sino naman ang nagpalipad ng ganon karaming balloons? Humarap si callix sakin at tiningnan ako sa mata.

Eyes have been calling me baby~

May kinuha siya sa bulsa niya pagtingin ko isang... singsing? Kinuha niya yung kamay ko, "babe, i love you no matter what circumstances in life we'd face. May you take this ring a promise that we'll be together through thick and thin... promise to be your faithful boyfriend.. will you take this ring?"

Nosebleed?

Tumango ako at ngumisi siya, isinuot niya sakin ang singsing at niyakap ako."ikaw ba ang nagpalipad sa mga balloons? Baka mapagalitan tayo ng principal haha" sabi ko habang nakatingin sa taas. "Bahala siya, atleast napasaya kita... nagustuhan mo ba? Happy 3rd monthsary babe" sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Happy 3rd monthsarry din babe" at niyakap siya ulit.

**

"Babe, ilan nalang ang kulang mo sa clearance signing?" Tanong ni callix habang hawak ang mga requirements niya. "Principal nalang babe, ikaw ba?"

"Science nalang, puntahan ko muna si Ms. Garcia para matapos natong clearance ko.. ikaw din puntahan mo na yung principal para sabay na tayong matapos magkita nalang tayo sa cafeteria" tumango lang ako at tumungo na sa principal's office. Kumatok ako ng ikatlong beses at pumasok sa office ni principal.

"Good afternoon principal, eto nga pala yung clearance ko.." sabi ko, wala naman siyang requirements sa clearance mabuti nayon para bawas stress. Nang matapos na niyang permahan ay kinuha niya lang yung clearance ko at inilagay sa drawer niya. It means TAPOS NA AKO! Finally!

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon