Chapter 39

1.5K 26 1
                                    

NIGHT WITH YOU

bumaba ako ng kwarto dala dala ang laptop ko, hindi ko parin maalis sa isip ko ang nangyayari kay lisa. Una, nahihilo siya tapos nagsusuka. Ikalawa, matabang daw yung mango float kahit hindi naman. Hindi naman siguro siya baliw ano?

Umupo ako sa sofa ng sala habang nakaharap sakin ang laptop, nagsearch ako ng mga signs sa pagbubuntis ng isang babae.

•hindi dumarating ang regla
(Kadalasan, ito ang unang palatandaan)

•masamang pakiramdam sa umaga: nagsusuka, nagduduwal

lumalaki ang tiyan

may bakas ng pagdadalantao (maitim na marka sa mukha, suso at tiyan)

"Zeah, ba't hindi kapa natutulog?" Napalingon ako sa may hagdan, nakita ko si kenzo na nakapambahay na. "Ah.. may sinearch lang ako" sabi ko. "Ganun ba? Nga pala, si lisa kamusta na siya?" Tanong niya.

"Ok lang naman siya" sabi ko. Tumungo siya sa kusina at sa pagbalik niya may dala na siyang dalawang tasa. Umupo siya sa tabi ko, "uminom ka muna, hot chocolate" sabi niya with accent, natawa naman ako dun. Namiss ko kaya ang kabaliwan niya, gayang gaya talaga kay callix. Magpinsan nga talaga.

Bigla niyang nakita ang sinearch ko sa laptop, napatingin siya sakin na may halong gulat sa mukha. "Oh? Bakit ka ganyan makatingin?" Tanong ko. "B-buntis ka?" Natawa ako agad sa sinabi niya, "hindi! Gusto ko lang malaman kung ano yung mga signs ng pagbubuntis" sabi ko. Huminga siya ng malalim,

"At bakit mo naman yan dapat  alamin? Gusto mong mag Ob-gyn?"

"Hindi, kasi iniisip ko si lisa baka nagdadalantao yon"

"Si lisa? Pano mo naman nasabi?... well, hindi naman mali ang magduda uso na kasi ngayon ang teenage pregnancy"

"Pero wag naman sana, lagot siya sa pamilya niya kung nagbubuntis talaga siya" ang pamilya kasi ni lisa ay napaka strikto lalo na sa papa niya na bantay sarado kay lisa.

"You know what? The best solution to that is to stop thinking. Halika, mag relax muna tayo" naglahad siya ng kamay at tinanggap ko yon. Lumabas kami sa may pool, at umupo habang nakalagay ang paa namin sa tubig.

It was a very peaceful moment, not knowing what was to come. "Nasan na si callix? Pinauwi mo ba?" Tanong niya. "Ahh.. Oo,  dito sana siya matutulog kaso walang magbabantay sa bahay nila" sabi ko. Nagpaalam daw kasi ang maid nila na umuwi muna sa probinsya.

"Ang tagal nating di nag-uusap noh? Zeah, kung ano man ang nagawa sayo noon sana mapatawad mo ko" Sabi niya napayuko ko ng kaunti, "ako mismo ang magsosorry, gusto lang naman kitang iwasan kasi akala ko sa pag-iwas kong yon mawawala na ang nararamdaman ko sayo"

"Ganun ba? Hayy... di bale, kalimutan na natin yon. Diba sabi mo nun, kalimutan na ang mga bagay na dapat kalimutan." Sabi niya, nasabi ko pala yan noon? Mabuti naman at naalala niya pa. "Tama!.. kamusta ka dun sa maynila? Wala ka bang nakilala na bagong babae?"

"Wala, focus lang ako sa studies. Barkada lang ang meron ako"

"Ahh.. eh si cassie? May balita ka ba sa kanya?"

"Wala na eh, hindi ko nadin siya iniisip simula nung nag break kami" tumango lang ako, "wait here for a second, may kukunin lang ako" sabi niya at pumasok sa bahay.

Habang tumitingin ako sa mga bituin, agad na nakabalik si kenzo na may dalang gitara. At tinugtog ang paborito kong kanta.

Hey, beautiful(4x) angel love your imperfections every angle. Tomorrow comes and goes before you know.. so i just had to let you know

"Sabayan mo na naman ako" sabi niya, ngumiti ako at sinabay siya sa pagkanta.

The way that gucci look on you amazing, but nothing can compare to when your naked. Now a backwood with some henny got you faded, saying you're the one for me i need to face it.....

"Did you like it? I just learned about it just now" sabi niya, ngumisi ako at tumango."alam mo, miss ko yung ganito tayo... nagsisisi ako kung ba't kita iniwan nun, sana hindi ko nalang yun ginawa... iba kasi pag ikaw ang kasama ko, masaya palagi tas nakakabaliw." Natawa siya sa sinabi ko habang nakayakap siya ang gitara niya.

"Pero simula nung iniwan kita, nalaman ko na hindi lang pala ikaw ang lalakeng nagmamahal sakin.. dahil nung nakilala ko si callix masasabi ko na pwede pa akong magmahal ng hindi na ako umaasa" sabi ko. "Bakit si callix? Bakit... yung pinsan ko pa? Kung madami namang lalake dyan" tanong ni kenzo.

"Hindi ko naman talaga alam na pinsan mo siya, dun ko nalaman sa party na nagkita tayo. Well, nung una ko siyang nakilala pansin ko sa kanya ang mga kilos na halos kasing tulad mo..."

"Pero di mo naman siya minahal dahil halos kasing tulad niya ako diba?"

"Hindi. Minahal ko siya dahil lagi niya akong pinapasaya, at dahil gusto ko nang magsimula muli. Ilang buwan na niya akong nililigawan, para mapatunayan niya sakin na deserving siya."

"Hmm.. i see, pero bespren kahit may boyfriend ka na wag ko padin akong kalimutan ha.. kapag sasaktan ka ng pinsan ko sabihin mo lang sakin.. andito lang ako" sabi niya. Ngumiti ako at niyakap siya, "friends? Bati na tayo pleaseee" pa cute niyang sabi.

"Friends? Bestfriends kaya!"  Sabay kaming tumawa, why i rather have a best guy friend? Because they are good listeners. And kenzo is one of them.❤️

-------------------

HUGOT#07

Every pain gives a lesson, and every lesson changes a person.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon