Chapter 13

2.5K 43 3
                                    

GRADE 12 ENROLLMENT

Maaga akong gumising dahil mag gogrocery pa ako, pagbaba ko nakita ko si mama na nakabihis na nagtaka ako kung bakit.

"Ma, saan ka ba pupunta? Akala ko ba ako lang ang mag gogrocery?" Tanong ko.

"Sasama ako dahil ngayon nalang tayo magpapa enroll sa bago mong school.. kaya bilisan mo dyan at magbihis kana" binilisan ko na ang pagkain at tsaka nagbihis. Sumakay na kami sa kotse ng Grab

Pagdating namin sa USV or University of St. Valentine, medyo kinabahan ako baka kasi puro englishera dito lalo na sa pangalan palang ng school ang sosyal na. Pumasok na kami sa school ni mama nakita kong madaming estudyanteng nakapila.

"Dito din ba mag-aaral si Lisa?" Tumango lang ako, napag-usapan din kasi namin ni lisa kung saan mag-aaral at pareho kami ng paaralan.

Palapit na kami ni mama sa mga guro ng bawat year level para dun namin ililista yung names ng enrollees. Sana kasama ko ngayon si ate marga nakuuu, hindi ako nasanay na wala akong kausap na millenial pasensya na kay mama haha boring niya din kasi.

"Good morning maam, ipapa enroll ko sana yung anak ko sa Grade 12" napatingin ako sa guro, ang ganda niya para siyang nagtatrabaho sa eroplano yung flight stewardess... "taga maynila pa po pala kayo, welcome to cebu po"

"Hehe thank you"

"ilista niyo lang po yung name ng anak niyo dito... naku maam, sa palagay ko pagkakaguluhan niyan dito yang anak mo.. lalo na't ang ganda pati kinis ng balat mistisa pa" should i take that as a compliment? But thank you kung sino ka man hehe.

Napalingon ako sa likod na kung saan maraming estudyanteng nag-uusap usap. Tungkol ata sakin siguro old students na sila dito sa USV.

"Gwapa lagi na bai, unsa kahay pangalan ana niya sa? Paila ila ta na" (ang ganda niya tol, ano kaya pangalan niya?magpakilala tayo)

bisaya yun? naintindihan ko lang ay yung salitang 'pangalan' na sabi ng lalake.

"Hay naku, as if! Mas gwapa paman ko anang bayhana gud.. awa lang inig first day basin maitoy rana nako" (hay naku, as if! Mas maganda kaya ako kesa dyan sa babae na yan.. tingnan lang natin pag first day baka maging alagang aso ko lang yan)

Hindi ko nalang sila pinakinggan, well hindi ko din sila naiintindihan.. umalis na kami ni mama mula school papuntang mall dahil magogrocery na kami.

-----------

@mall

"Bumili ka na ng mga school supplies mo, ako na ang mag ggrocery" sabi ni mama. Tumango lang ako at pumunta sa department store kung saan naka display ang school supplies. Bumili nadin ako ng mga bagong damit, wala kasing required na uniform sa bagong school na papasukan ko.

Tumungo na ako sa cashier upang bayaran lahat ng napili kong gamit, habang nakapila pa ako may biglang kumalabit sakin. Kaya napatingin agad ako kung sino.

"James? Ba't ka nandito?" Hindi ko akalain na susunod pala talaga si james dito sa cebu para pang kay MARGARET haayss ang Love nga talaga!

"Bumili lang ako ng pasalubong para sa ate mo... eto lip tints, ok na siguro to" napatingin ako sa hawak niyang 5 lip tints, grabe ang dami naman..

Nang makabayad na kami ay sumama na si james sakin para puntahan si mama sa grocery store na sa ngayoy nakapila na sa cashier.

"Ma! Si james andito"

"Hello po tita" sabay mano kay mama. "James? Hindi ko akalain na susunod ka pala dito... mabuti at nagkita kayong dalawa para sabay na tayong uuwi"

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon