Chapter 21

2.3K 35 4
                                    

MAGSIMULA ULI

ZEAH POV

Andito ako ngayon sa kwarto kasama si Lisa, ayaw niya kasing mag tambay sa bahay ng tita niya dahil boring. Hinihintay lang namin si ate marga dahil dadating siya mamaya galing cebu.

Nasa baba naman si mama naglilinis at si james naman ay inutos ni mama na mag grocery.

"Beshy, nag-uusap pa ba kayo ni callix?" Tanong ni lisa sabay kain ng chichirya. "Oo, bakit?"

"Ano ba zeaaahhh! Pwede bang tigilan mo na yan si callix baka magka developan pa kayo nyan eeehh" ano na naman bang pumasok sa isip ng babaeng to?

"Oh? Eh ano naman kung magkaka developan kami? May probleme ba dun? At saka mabuti nayun noh dahil gusto ko nang magsimula ulit"

"O-M-G zeah hilary mondragooon! Naririnig mo ba yung sarili mo? So it means na kakalimutan mo nalang si kenzo ng basta basta??"

"Wag ka ngang mangealam, kung gusto mo ikaw nalang ang umangkin kay kenzo para wala nang gulo" bigla niya akong hinampas sa likod

"Aray! Ano bang problema mo?"

"Wala, may lamok" ay ganun? Hindi nalang ako sumagot baka ano na naman ang sasabihin niya tungkol kay kenzo.

***

"Sissums! Im back!" Napatingin kami agad ni lisa sa may pinto, nakita namin si ate marga dala dala ang mga pasalubong. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya.

"Nasan na yung pasalubong ko?" Agad kong tanong, sumimangot naman yung mukha ni ate.

"Ouch naman zeah! Akala ko ba miss mo ko? Inaabangan mo lang pala yung mga pasalubong ko"

"Tse! Di naman kita namiss, anoo? May pasalubong ba ako dyan? Patingin nga! Baka puro pagkain na naman niyan haa" sabi ko. Inilapag ni ate ang mga pasalubong sa kama ko, pati si lisa binigyan niya ng pasalubong ayun! Masaya si gurl.

"Never mind, ohh eto.. mga PASALUBONG mo, nga pala may ibibigay ako sayo at dapat mo tong suotin" napatingin ako sa kwintas na kinuha niya mula sa isang violet na box.

"Ano yan? Pampaswerte? At bakit ko naman DAPAT na suotin? Mamamatay ba ako kung hindi ko yan susuotin?" Isinuot ni ate yung kwintas sa leeg ko.

"Baliw ka talaga bunso! Ayaan! Ang ganda!! Eh kasi diba nga INFINITY yung symbol so... it means walang hanggang pagmamahal ko sayo" owemji ate so cringe!

"Ah ganun? Sige na lumabas ka na dun, hinihintay kana ng boypren mo sa kwarto" ngumisi lang si ate, bago pa siya lumabas ay tinawag niya ako.

"Zeah! Pumasok ka sa kwarto ko mamaya, mag-uusap tayo"

"Ayaw ko nga! Charot.. sige na labas!" At ayun lumabas na nga ang matanda.

Nang makalabas na si ate marga, nabaling yung tingin ko kay lisa na nakatulog na ng mahimbing sa window bed.

Lumapit ako sa salamin habang tinitingnan yung sarili ko suot ang kwintas na bigay ni ate marga. Iba yung pakiramdam ko sa kwintas na ito... tinitingnan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin para bang.... LALO AKONG GUMANDA 😂 charot.

***

"Zeah mag-usap muna tayo" hindi ako nakinig kay ate, naka focus kasi ako sa chat namin ni callix, natutuwa nadin akong makausap siya. "HILARY!! Nakikinig ka ba? Sino ba yang kausap mo ha?" Sigaw ni ate marga, nabaling naman yung tingin ko sa kanya.

"H-ha? Ahh.. wala to, bakit kaba nandito?"

"Anong wala? Teka--patingin nga kung sino yang ka chat mo!" Inaksyonan niyang kunin yung cellphone ko kaya agad ko itong nilayo.

"Wag na! Ate naman oh bat ka ba nangengealammm! Lumabas ka na nga" huminto na siya sa pagkuha ng cellphone ko.

"Sabi ko sayo kanina diba nag mag-usap tayo, halika na dun tayo sa kwarto ko" tumango nalang ako at sinundan si ate patungo sa kwarto niya, nagtaka naman ako kung ano ang pag-uusapan baka tungkol na naman ito kay kenzo eh yun naman palaging laman ng bibig niya.

Umupo ako sa kama ni ate sabay andar ng tv. "Ano ba hilary! Off mo nga yung tv" kinuha ko yung remote tsaka inoff.

"Bakit ba ate? Importante ba talaga yung sasabihin mo? As in importante?? Haaa??" Umupo na muna si ate sa tabi ko. Itinabi ko muna yung cellphone ko, sinabihan ko na din si callix na mamaya na ulit kami mag-uusap dahil kakausapin pa ako ni ate margaret.

"Sagutin mo nga ako HONESTLY ha! Ano bang nangyari sa inyo ni kenzo at ba't ganyan ka kung magalit?" Sabi na nga ba eh! Kenzo na naman tong laman ng bibig ni ate kulang nalang lamunin na niya si kenzo haaayss!

"Kenzo na naman! Tama na nga yan ate dahil gusto ko nang magsimula uli!! Owemji! Nakak stress ka ate ha" sabi ko sabay hawak sa ulo. Acting lang kumbaga.

"Baka kasi nagalit ka sa kanya kahit hindi naman big deal diba?? So ano nga yung rason? At ano bang nagawa niya na ikinagagalit mo?" Seryosong tanong ni ate, kaya sa oras na ito ay seseryosohin ko na talaga siyang sagutin para maiwas na sa pagtatanong niya kulang nalang maging guest na ako ni tito boy.

"Di ko nga alam ate, siguro naging immature lang ako nun.. diba nga sabi nila when you fell for that person you'll be crazy as hell, na gagawin mo ang lahat para sa kanya. Naging tanga lang ako nun ate tsaka-" pinutol niya ako.

"Immature ka talaga nakuu naku zeah ayusin mo toh!"

"Patapusin mo nga muna ako! Oo, aaminin ko nagalit ako sa kanya hindi dahil hindi ko nagustuhan yung reaksyon niya na umamin ako kundi dahil pinipilit niya padin akong pansinin kahit ayaw ko na siyang makita at kahit gusto ko na siyang iwasan"

"Ibig mo bang sabihin na gusto mo siyang iwasan dahil naniniwala kang sa pag-iwas mong iyan ay mawawala na yung nararamdaman mo sa kanya?" Mabuti at nakuha niya yung point ko.

"Yup! Exactly.. hindi naman ako galit na as in sobrang galit sa kanya, ang point ko lang is.. iniiwasan ko siya dahil nga ate for the nth time gusto ko nang magsimula uli kahit di na siya ang kasama ko" nakita ko yung reaksyon ni ate, halos di na siya makasagot. "So tapos na ba tayong mag-usap? Lalabas na ako kung wala ka nang tanong" lalabas na sana ako nang natigilan ako sa tanong ni ate marga.

"Pero mahal mo pa ba siya?"

"Alam mo ate, wag mo nang isipin yan.. ang dapat mong isipin ay kung pano ka makakatulong sa pagkasunog ng AMAZON.. save the earth muna bago yan"

"Baliw! Anong nasusunog? Ewan ko sayo"

"Ayan! Hindi kasi updated! Kenzo pa more ate! Sige na lalabas na ako" lumabas na ako kaagad para di na niya ako tatanungin.

••••••••••••••••

Alam kong tumatakas ako sa paglinis ng classroom namin pero inaalala ko padin yung amazon, save the earth not the classroom sabi nga ng classmate ko..😘

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon