Chapter 15

2.5K 33 0
                                    

FIRST DAY pt. 2

ZEAH POV

Umupo na kami ni lisa sa may likod, favorite place talaga namin yung nasa likod kami pero ang nag nakakapanibago lang ay nasa tapat pa kami ng aircon, magiging elsa na ako nito balang araw.

"Shoot! Beshy ang ginaaaw! Grrr..." sabi ni lisa habang niyayakap yun sarili. "Hayaan mo na, di ka pa ba sanay diyan?"

Nagsiupuan na ang lahat ng dumating yung professor namin. "Good morning class!" Bati niya samin. "I know some of you kaila na nako, pero for those nga wala pa kay.. I am Ms. Jasmine Bartolome your professor and also your mapeh teacher"

Hindi ko siya masyadong naiintindihan basta ang importante ay nagpapakilala siya in english. Haha yun lang..

"Kinsay new students diri? Please stand" (sino yung mga bagong students dito? Please stand)

"Beshy, tatayo ba tayo?" Tanong ni lisa. "Nakakaintindi ka pala ng bisaya?"

"Hindi, kasi rinig ko sabi niya new students tsaka please stand.. baka oras na ng pagpapakilala natin" tumango lang ako. Nang biglang..

"Good morning mam, i'm sorry i'm late..." si zach, yung nabunggo ko kanina.. classmate pala namin. "Ok ra, sulod na" nakatingin lang si zach kay ms. Jasmine, pati ako di ko rin siya maintindihan. "P-po?" Tanong ni zach. Eh kasi bisaya so pano namin maintindihan?

"Tagalog ka pala? Sorry.. sige pumasok kana" sabi ni mam, umupo si zach sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang. "zeah pwede bang ako nalang dyan? Gusto ko makatabi yung crush ko"

"Mamaya na, eto naman... aral muna bago landi" tumawa lang siya. "Class, sorry hindi niyo kasi sinabi sakin na may kaklase pala kayong taga manila... So obviously we have a new student, kung sino ka man please stand and stay in front"  magaling naman din pala tong mag tagalog si mam eh.. so hindi kami mahihirapan neto.

Tumayo kaming tatlo ni lisa at zach. "Ahh, so tatlo pala kayo ok sige... sino bang uunahin natin?" Tanong ni mam, nang biglang nagsigawan yung mga kaklase namin.

Kanang babaye nasa tunga mam! (Yung babaeng nasa gitna mam!)

Kanang gwapa maaamm!!
(Yung maganda maaamm!!)

Ano daw? Haayss! Sana nakakaintindi ako ng bisaya

"Ok! Majority wins! That girl at the center please come in front and introduce yourself" napatingin si lisa at zach sakin, "b-bakit?" Ay oo nga pala, ako nga yung nasa center... shoot! Majority wins?? Ako? Talaga?

Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni ate na maging bad girl, well Oo gusto ko yung maging bad girl ako pero hindi yung umabot na sa pagkawala ng respeto. Gusto ko yung bad girl ako na may respeto padin at disiplina sa sarili pero marunong humiganti o kaya may 100% self confidence.

Pumunta na ako sa harap at tumingin sa lahat ng mga kaklase ko, lalo na yung mga lalakeng todo ang ngiti sa mukha abot tenga.

"Hi, I'm Zeah Hilary Mondragon 17 years old" nagpalakpakan silang lahat at ako naman dumeretso na sa upuan. Sunod naman ay si zach, pagkatapos ay si lisa.

"Ok thank you! So the three of you are from manila, Welcome to cebu... and welcome to University of St. valentine, I hope you'll be having a great school year here at USV"

Nagpalakpakan kaming lahat at lumabas na yung professor namin, first day of class kaya dapat free time palagi!

"Wooh, akala ko sa english lang ako magkaka nosebleed.. pati din pala dito" natatawang sabi ni zach. "May makakapagturo kaya satin ng bisaya? Para naman kahit konti lang maiintindihan natin yung mga pinagsasabi nila" sabi ko.

Nang may lumapit saming grupo ng mga lalake, na ang gagwapo.. with oozing sex appeal! Hooyy zeah ERASE!!ERASE

"Excuse me.. Uhmm.. Zeah right?" Sabi ng lalake, leader ata ng grupo nila. "Si zeah lang ba? Pano naman ako?" -lisa

"Cause she's beautiful" sabi ng lalake. Grabe naman yung compliment... aral muna zeah ha.

"Ouch! --sakit naman nun" biro ni lisa, nakita ko si zach na parang  inoobserbahan yung lalake. Straight ba to? Grabe kung makatitig sa lalake eh

"I'm callix lopez, nice to meet you" sabi ng lalake sabay shake hands. "Well, balita kong gusto niyong matutong magbisaya? Gusto niyo bang ako nalang ang magturo sa inyo?" Wow! Straight tagalog  ang galing! Wala lang namangha lang talaga ako sa kanya kasi hindi siya nahihirapang magtagalog.

"Ok sure! Mabuti nayun para mas magkakakilala tayong apat! Diba guys?" -lisa.

"Uhmm.. oo pwede narin, kailan tayo magstart? At saan?" Tanon ni zach, di ko akalaon magiging close din pala kami sa taong nabunggo ko lang kanina. Kaya kung ako sa inyo, kung gusto niyong maging close kayo sa crush niyo edi bungguin nyo palagi. 🤣

"Let's start today! Sa library" ngayon na agad? Grabe naman tong si callix.. pero pwede narin, wala din kasi kaming magagawa sa first day kaya mas mabuting maging past time namin yung mag-aral ng bisaya.

@library

Nakaupo na kami malapit sa aircon, syempre yun lang naman gusto ng mga students yung umupo malapit sa aircon. Katabi ko si callix, nasa kanan naman niya si lisa at si zach naman ay nasa harapan namin nakaupo.

"Ok lets start!" -zach. "So yung first natin pag-aralin ay yung mga basic words muna kagaya ng everyday expression namin"

Tumango lang kaming tatlo. "When you say Good morning, you say maayong buntag.." sumunod kami sa kanya, "maayong buntag? Okay.. gets ko na" sabi ko. "Good! Mabuti at nakuha niyo"

"Kung yung morning ay buntag, afternoon naman ay hapon, tsaka yung night ay gabii" nag take down notes nalang kaming tatlo, ako nilagay ko sa notes ko sa phone.

"Kapag nagpapasalamat ka sabihin mo lang salamat. Parang tagalog lang" ... "when you say please, just say palihug" ... "when you ask How are you in english, kumusta ka in bisaya" tinuruan niya pa kami ng ibang bisaya greetings... at bisaya common expressions.

"Ayan! So tapos na tayo sa day 1 tutor natin, bukas ulit" tumayo na kaming lahat. "Salamat kaayo callix... hahaha tama ba?" Natatawa kong tanong. (Salamat talaga callix...)

"Hahaha Oo! Ang galing mo na ahh! Walay sapayan" (walang anuman)

Nauna nang lumabas si callix sa library dahil may aasikasuhin pa siya kasama ang grupo niya. Naiwan kami dito sa library dahil di nyo alam na mahilig din kaming magbasa ng libro... si zach lang naman yung hindi, palaging may ka text ewan ko ba kung sino.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon