Chapter 14

2.5K 44 0
                                    

FIRST DAY

6:30 am

Gumising na ako at dumeretso na sa cr para maligo at magbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag almusal.

"Ohh anak, mabuti at gising kana... kumakain na dito para sabay na kayo ni lisa sa pagpasok" tumango lang ako at umupo na sa hapagkainan.

Nang matapos na akong kumain, "ma, mauna na po ako" sabi ko kay mama at nagbeso. "Sissyy!!! Wait!!! Teka nga, you look so pale! Eto, lagyan kita ng lip tint"

"Eeh wag na! School lang naman yung pupuntahan ko hindi naman pagandahan" hindi na siya nakinig sakin at nilagyan ako ng lip and cheek tint, yaiks! Adik

"Ayan! Look so beautiful and gorgeous! For sure famous kana dun! Hey wait! Take this an advice... Being a good girl is so boring, try to be cool and bad sa bago mong school okay!"

"Ewan ko sayo, bye na!"

Lumabas na ako ng bahay at nakita kong may nakapark na mamahaling kotse sa harap ng gate namin. Nang biglang nagbukas yung bintana, "beshy! Sakay na!"

Wow! Yamanin pala tong si lisa, oh baka sa tita lang nya to. Sumakay na ako sa kotse katabi ni lisa, may sarili pang driver weewss.

"Di ko alam na may sariling driver ka pa ha" bigla niya akong hinampas sa likod. "Ano ka ba! For your information, starting today this is our own car getss?" Anu daww?? Sarili naming kotse?? Pero pano at bakit?

"What do you mean?"

"Tita bought a new car, sayang naman kung itatago lang to sa garahe.. mas mabuti pang gamitin nalang natin to for school service natin o kaya sa panggala"

"Galing mo naman beshyy! Mabuti na yun para hindi na tayo mag cocommute haha" tumawa lang kaming dalawa.

**

Pagdating namin sa school ay bumaba na kami ng kotse, pinagtitinginan kami ng mg estudyante sa school nakita kasi nila na may artista charoot!

"Beshy, alam kong makapal yung face ko sa maynila pero bakit dito hindi? Nahihiya tuloy ako pag pinagtitinginan nila tayo parang nakakita dila ng artista wooh starstruck bes" natawa lang ako sa sinabi ni lisa.

"Hayaan mo na sila, lets go! Hanapin na natin yung classroom" naglakad na kami sa may hallway, ganun padin yung mga tingin nila samin.. ganun ba talaga sila dito? Kami lang ba yung bago sa school neto?

Habang hinahanap namin yung classroom biglang may nabunggo kaming lalake. "Hala! Sorry... ok ka lang ba?" Sabi ng lalake, pero tagalog din siya... mabuti nayon para may kakilala din kami ditong tagalog. "beshy ang pogi" bulong ni lisa na nasa tabi ko.

"Hindi ok lang, sorry din.. hinahanap kasi namin yung room namin kaya hindi tuloy ako nakatingin sa daan" sabi ko. In fairness gwapo nga sya...

"By the way, I'm zach nice to meet you... hilary right?" Kilala niya ako? H-hilary? Bigla kong naalala si kenzo... yan kasi tawag niya sakin pag nataranta siya.. kagaya nung natamaan ako ng bola sa court..

"Bes... sumagot ka naman dyan ba't ka ba nakatulala?" Natauhan ako sa sinabi ni lisa, di ko namalayan na nakatulala na pala ako sa harap ni zach.

"A-ahh... oo.. Zeah nalang itawag mo sakin, nga pala.. taga maynila ka ba? At pano mo ko nakilala?"

"Yes taga maynila ako.. a-ahmm... kilala kita dahil... uhm.. kasi famous ka! Oo tama, kilala ka na sa buong campus kaya kita nakilala" tumango lang ako, hindi ako sigurado kung maniniwala ba ako sa sinabi niya.. may kutob kasi ako na kilala niya talaga ako.

"Ahh ganun ba, sige mauna na kami" ngumisi siya at umalis na kami.

----------------

KENZO POV

FLASHBACK

Nasa park ako ngayon, makikipagkita kasi ako sa kaibigan ko dahil may iuutos ako sa kanya. Dumaan ang ilang minuto, "bro! Kamusta!" Bati ni zach sakin.

Si zach na ang palagi kong nakasama simula nong umalis na dito sa maynila si zeah.

"Bro! Favor naman oh" sabi ko.

"What is it?"

"Bro, diba doon kana papaaralin ng magulang mo sa cebu? Pwede bang dun ka sa USV magenroll?" Nalaman ko kasi kay tita (mama ni zeah) na sa USV siya nag-aaral (University of St. Valentine)

"Bakit? Ano bang meron dun sa USV?.... --wait! Tungkol na naman ba to dun sa girl bestfriend mong si... sino ngayon?"

"Si zeah bro, gusto ko sanang bantayan mo siya baka mapano siya dun baka may magbully sa kanya o ano.. ikaw na yung magsabi sakin kahit update tungkol sa kanya"

"Okie! Noted! Papayag na ako basta para sayo bro!" Napayakap tuloy ako sa kanya! Sobrang saya ko, mabuti at pumayag siya.

"Uhmm.. bro, straight tayong dalawa ha.. just so you know" bumitaw ako sa yakap. At tumawa kaming dalawa.

END OF FLASHBACK

***

Nasa school na ako ngayon, first day din namin. Nang nasa school na ako hiyawan na naman ang rinig ko, syempre gwapo tong KENZO niyo! Kasama ko din yung iba pang heartthrob ng campus. Sila Blake, Nathan, at Stefan. Kasama na sana si zach kaso nasa cebu siya ngayon.

"So hot! Punta na tayo sa library para magpalamig" may aircon naman kami sa classroom kaso mahina, pero pag sa library mas malamig doon at hindi masyadong maingay. Syempre library, OBSERVE SILENCE.

Nang nasa library na kami, biglang tumunog yung phone ko. Si zach nag text:

{bro! Nakita ko si zeah, grabe bro first day palang ng class pinagkakaguluhan na siya dito.. famous na yung bespren mo}

Reply;

{ganun ba? Basta bro, ingatan mo yun bespren ko ha, pag nalaman mong may manliligaw.. sabihin mong ikaw yung boyfriend niya}

"Si zach ba yan? Kamusta na daw siya" - nathan

"He's fine, konting updates lang kay zeah"

"Ayssusss! Tol naman, hanggang ngayon ba siya parin yung iniisip mo? Ang tanong, iniisip ka din ba niya?" Napaisip ako sa sinabi ni nathan. Pero kahit na, kung ano man ang mangyari siya padin ang nilalaman ng puso ko.

"Alam kong hindi niya ako makakalimutan.. sa dami dami ng pinagsamahan namin tsaka niya ako kakalimutan, kilala ko ang bespren ko.. kaya kayo! Wag kayong ANO! Hahaha"

------

I may just be a friend to you, but i am your friend who just took a look at you and fell hardest than i ever fell in my life.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon