Chapter 12

2.5K 37 0
                                    

CEBU

ZEAH POV

Nakarating na kami dito sa cebu, dito kona ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Nanirahan kami sa bahay ng Lola ng pinsan ko, pagpasok namin sa bahay expected na talaga yung ganda ng bahay dahil kahit sa labas palang ay makikita mo na ang kagandahan ng bahay.. isang military nurse ang lola ng pinsan ko na sa ngayoy pumanaw na.

"Ahhh! Hindi ko kayang iwanan si james sa maynila! Baka may mahanap pa siya na ibang babae doon!"

"OA mo talaga ate! Edi sana hindi ka nalang sumama" napatingin sa ate sakin.

"Ehh hindi naman ako tulad mo na kapag nasaktan na ay tsaka nang iiwas! Hmp... tara na nga sa kwarto" nasa iisang kwarto kami ni ate, hindi pa kasi ako sanay dito sa bahay nang mag-isa lang baka andito pa yung multo ni lola.

"Sissy, what if papuntahin ko dito si james? Ok lang ba?"

"Ewan ko sayo, kung gusto mo siyang papuntahin dito edi papuntahin mo... malay ko ba" bigla akong hinampas ni ate sa likod.

"Ikaw talagaaaa! Napaka sungit mooo!-- kung ipagpatuloy mo yang pagsusungit mo papupuntahin ko na din dito si BESPREEEN!" Agad akong tumingin kay ate at tiningnan siya ng masama.

"Kahit papuntahin mo yon dito susunod na naman yung jowa niyang parang buntot kung makasunod"

"Asusss! Pero ok lang yan zeah dahil marami pang baby boys dito sa cebu! Dont lose hope" ayan! Lalake na naman! Si ate talaga hindi talaga magiging role model sa buhay ko. Puro nalang lalake yung inaatupag eh ako... STUDY...FIRST ehe!

"Ewan ko sayo" lumabas ako ng kwarto at lumabas ng bahay. Medyo tahimik dito sa lugar nasa isang village kasi kami.

Habang naglilibot ako dito sa village may nakita akong pamilyar na babae sakin, na katabi lang ng bahay namin. Nakatingin lang talaga ako sa kanya habang nagwawalis siya sa harap ng bahay niya. Nabigla ako ng sa pagharap niya....

"ZEAAAAHHH!!!!!" Sigaw ni lisa. Bakit ba siya andito sa cebu? Baka dito na siya mag-aaral... mabuti nayun para may kasabay nadin ako dito sa cebu. "Lisa!? Dito kadin ba mag-aaral??"

"Sa tingin mo? Syempre OO! HAHAHAHA naawa kasi ako sayo, todo post ka sa twitter na 'ang boring dito sa cebu' ganun ganun haayss kaya dito na ako tumira sa tita ko" woww haha ang bait naman pala ng bestfriend kooo! Mabuti nga at nabasa niya yung tweets ko.

"Mabuti naman at ganun! Kasi kung wala ka, ang boring talaga ehhh"

"May gagawin kaba ngayon? Tara pasok ka sa bahay namin, kain tayo" pumayag ako, pumasok kami sa bahay nang tita niya, medyo magarbo at elegant. Siguro ang yaman netong tita niya.

Tumungo na kami sa kusina, naabutan namin yung tita niya na nagbabake ng cake. "Tita, si zeah po" tumingin yung tita niya sakin at ngumisi. "Hi zeah kamusta? Andyan ba yung mama at ate marga mo?" Huh? Kilala niya si mama at ate marga.

"Ah.. Opo kami lang ho yung magkasama sa bahay"

"Eh si Kenzo? Hindi niyo ba kasama?" Pati si kenzo kilala niya? Wews.

"P-po?..." hindi ako makasagot sa tanong ni tita baka ano na naman yung itanong niya tungkol kay kenzo eh hindi nga kapi nagpapansinan nun.

"Uhmm.. tita, mukhang masarap yung cake ahh zeah tara tikman natin" mabuti at sumingit si lisa sa usapan. Hinayaan lang kami ng tita niya na kumain ng cake kaya todo kain nadin ako, ok lang naman kung uubusin yung ginawa niyang cake.

"Sorry beshy ha, alam mo naman yang si tita tanong ng tanong hayss" tumango lang ako.

"Sya nga pala, matanong nalang din... huy beshy kailan paba kayo mag-aayos ni kenzo? Naku naku sayang naman gagraduate na tayo ng grade 12! Wala kanang inspiration"

"Inspiration? Tss... hindi naman siya yung inspiration ko ehh, si mama ang inspiration ko dahil siya yung nagpalaki sakin at ang nagpapaaral sakin"

"Pero beshyy iba talaga yung taong nagpapatibok ng puso mo. Hay nakuuu....sayang ba't kasi pumunta kapa dito sa cebu baka magkatuluyan na kayo soon yieee" hinampas ko siya sa likod.

Parang siya lang naman yung interesado, siya nalang kaya ang bumalik sa maynila.

"Ewan ko sayo, tara na nga" pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni lisa sa labas lang ng bahay niya at tsaka na ako umuwi.

"Zeah san kaba galing?" Alalang sabi ni mama. "Diyan lang po sa bahay ni lisa sumunod kasi siya satin dito sa cebu.. bakit po? May ipapagawa ba kayo?"

"Pwede bang ikaw na muna ang mag grocery bukas? Wala na kasi tayong makakain para sa pang-araw araw.."

"Eh ma, hindi ko pa kabisado ang mga mall dito sa cebu"

"Mag Book ka nalang ng grab tutal magaling ka naman dyan.. oh sya matutulog na ako" pumasok nadin ako sa kwarto, naabutan ko si ate na nakipag video call kay james.

Hindi ko nalang sila pinansin at natulog nalang ako.

--------------

Hey! You know i love you right?

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon