Chapter 42

1.5K 25 1
                                    

TROUBLE!

Pagkatapos sa naging usapan ni lisa at ng mga magulang niya, "ate, may tatawagan lang ako" sabi ko. "Sige sis, ako na ang bahala kay lisa.." tumango lang ako. Paglabas ko ng kwarto, agad kong hinanap ang pangalan ni henry sa contact list. Nagbabakasakali na siya ang ama ng dinadala ni lisa,

Ring...Ring..

{whats up?}

[henry, this is zeah]

{ow.. yeah? Any problem?}

[may nangyari ba sa inyo ni lisa? I mean... nagtanan ba kayo without using protections? Alam mo na...]

{uhm.. we had sex only at the party of Juliet, yah know your boyfriend's sister? And yeah, i used condom at that time.. Ayaw kong makabuntis ng babae that shit will put my life into mess}

[ah..ganun ba? S-sige..]

{why? What happened? What keeps you on asking me like these thang?}

[buntis si lisa... At hindi namin alam kung sino ang ama ng dinadala niya]

{THE HELL! Buntis si lisa!? Hindi kaya... it's because of the party she'd join? Lets meet today at the coffee shop}

[ok sige.. bye]

Pagbaba ko ng telepono ay agad na akong nagbihis at nagpaalam kela mama at ate na makikipagkita ako kay henry sa coffee shop. "Bespren! Ihahatid na kita" sabi ni kenzo. Pumayag ako, sinama ko nalang siya sa pagkikita namin ni henry.

"Ano bang pag-uusapan niyo ni henry? Napaka seryoso niyo naman" tanong niya. "Tutulungan niya akong malaman kung sino ang ama ng dinadala ni lisa" napahinto siya sa pagmamaneho. "Buntis si lisa??" Tanong niya. Oo nga pala, di ko nasabi sa kanya. Tumango lang ako at di na nagsalita.

Nang makarating na kami sa coffee shop, umupo kaming dalawa ni kenzo sa harap ni henry. "Okay.. so, lets start this.. what did lisa told you about the party?" Tanong niya. Grabe naman to kung maka english, "sabi niya sakin, may naglagay daw ng party drugs sa iniinom nila.. dahil sa sobrang kalasingan nakipagsex siya sa isang lalake na posibleng ama ng dinadala niya ngayon"

"Party drugs? I can't believe someone would just put that secretly on their drinks.. i bet callix had also gone to alvin's party right?" Tanong niya. Bakit niya din naisip si callix? "Uh.. Oo.. pero isa lang talaga ang inaalala ko, sabi kasi ni lisa na yung lalake daw inakala na si lisa ay ako.. kaya siguro nadala yung lalake kay lisa kasi akala niyang... Ako yun?"

"Pero bespren di naman natin masasabi na si callix yung lalake, dahil madaming lalake ang nagkakagusto sayo" sabi ni kenzo. "Yeah? It could be.. mabuti pa't puntahan natin si callix sa house niya, and lets all talk there maybe witness si callix? Uhm... Lets try" pumayag ako at umalis na kaming tatlo sa coffee shop.

**

Nang makarating na kami sa bahay ay agad ko nang pinindot ang doorbell, "babe? Ohh, Ba't kayo naparito? May problema ba?" sabi niya.

"Gusto ka lang sana namin makausap" sabi ko. "Tungkol saan?" Tanong niya. "Pwede bang papasukin mo muna kami? Nilalamok na ako dito oh" biro ni kenzo. Kanina pa kasi kami nasa labas nag-uusap kung pwede namang pumasok na muna ano?

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon