Prologue

3.7K 67 3
                                    

Name: Seanee Avery Leandra

Age: 19

Gender: Female

Birthdate: July 15, ****

Relationship: Single

Occupation: None

Nang makita ni Mrs. Delos Santos ang relationship status ng dalaga ay napangiti na sya.

“Tanggap ka na, Seanee. You may start tomorrow, come to our house. We'll talk about the person you'll need to give your service.” ani Mr. Delos Santos.

Mukhang naguluhan ang dalaga, “Teka ho, sigurado ho ba kayong ganito kalaki ang ipapasweldo nyo sakin? Limang libo ay ayos na ho ako. Hindi naman ho kailangang singkwenta mil!” anito. Ngumiti naman ang mag-asawa.

“Seanee Avery, walang-wala ang perang iyan kung magagawa mo ang ipapagawa namin sayo. ” sabi ni Mrs. Delos Santos at hinawakan ang kamay ng magandang dalaga. “Ipangako mong hindi ka susuko.”

“H-Ho? S-Sige ho! Hindi po ako susuko! Kahit gawin nyo pa ho akong aso!” anito at saka napakamot sa sariling uli. “P-Pero ma'am, ano ho bang magiging trabaho ko?”






















“You'll be my son's part-time girlfriend.”

Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon