Part Eighteen

927 33 1
                                    

SEANEE AVERY

Bumangon ako at nagluto ng breakfast na egg with ham. Ginising ko si insan para maaga sya makakilos dahil may klase sya ngayong araw.

"Ayoko pumasok ngayong araw Seanee, please don't tell Mom." sabi ni insan at nagstay lang sya sa kama.

Medyo nag-alala naman ako, ano kayang nangyari sa kanya?

"Okay ka lang insan? Masama ba pakiramdam mo?"

"U-Uhm..oo eh. Pero isang araw lang naman ako magpapahinga, papasok din ako bukas." Sagot nya.

"Sige sige, pagaling ka." sabi ko. Kumain na ako ng almusal at nagprepare ng susuotin, syempre may pasok din ako sa trabaho ngayon.

Nakaramdam naman ako ng excitement dahil makikita ko ulit si boss! Hihi.

I took a bath, mga 7:30am ay natapos na ko, I wore a simple black dress at white rubber shoes, nagdala nalang ako ng sling bag para paglagyan ng phone at wallet.

"Insan alis na ako." paalam ko, I didn't hear a respond kaya inisip ko'y natutulog lang sya at nagpapahinga.

Bumaba na ako from third floor at sumakay sa kotse ko, nagdrive ako papunta, syempre sa mansion ng mga DS. Nang makarating ay nakasalubong ko sila Tita at Tito DS, mukang palabas sila.

"Hi po, goodmorning!" bati ko, nag-mano ako sa kanilang dalawa.

"Goodmorning Seanee." they greeted back. "Actually hihintayin ka dapat namin para salubungin sa gate." nakangiting sabi ni Tita DS. Nagtaka ako, bakit naman nila ako hihintayin sa gate? Mukang may magandang balita si Tita DS ah.

Inabot nya sakin ang isang envelope. Pagkatanggap ko ay napangiti sya ng malaki.

"A-Ano po 'to?" tanong ko! Na-curious ako kung anong laman nung envelope! Ano 'to wedding invitation?! Card ko nung elementary ako?!

Nagkatinginan angmag-asawa tsaka si Tito DS na ang sumagot ng tanong ko, "It's your salary. Binigay na namin ng advance because we're so glad when we saw our son smiling last night nang makauwi sya. We know you two dated yesterday." sabi nya. Lumapit sakin si Tita DS at yumakap. Medyo na-shock pa ko! Kasi naman, umagang-umaga pera agad abg sasalubong sakin! Sinong hindi matutuwa?!

"And he greeted us 'goodnight' too! He never talked to us since he came back from vacation." sabi nya, humiwalay sya sakin at hinaplos ang buhok ko, "Thank you, Seanee. I knew you can do it."

Does that mean tapos na ang contract?


"I-Ibig sabihin po ba nito t-tapos na ang trabaho ko?" Kinakabahang tanong ko!

"Huh? No! Haha, there's still some things you need to do, you need to stay with him, ano ka ba, unang sahod palang yan." sabi ni Tita at natawa sya, "Go on, i-check mo."

Nakahinga ako ng maluwag!

I opened the envelope, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sobrang lapad na asul! Omayghad! Totoo ba ito?!

"T-Tita! Ano ba 'to, hindi ko naman po kailangan ng gantong karami!" sabi ko at sinara ulit ang envelope! "Hindi ko po 'to matatanggap—"

"You have to. We have a contract." biglang seryosong sabi ni Tito. Napalunok ako ng laway! "Just kidding. It's all yours. And may isa pa pala kaming sasabihin."

"A-Ano po yun?"

Ngumiti ng malawak si Tita, "We're going on a summer vacation!"

Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon