Part Thirteen

1.1K 39 12
                                    

Dedcated to MaricrisCagang

Thankyou! I hope i-continue po nyo ang pag-support sa story na ito!

-Riju

SEANEE AVERY

Habang nagshoshower ako ay napaisip ako. I've seen Asher cry and smile, ibig sabihin ay nagf-fulfill ko na ang job ko. My job was to bring his emotions back. Dahil ang sabi nila Tita at Tito DS, simula nang umuwi ito mula sa bakasyon ay parang nawalan to ng gana sa buhay.

Anong nangyari nung nagbakasyon sya? Saan sya nagbakasyon?

Nevermind. So ayun, wala pa yatang one week ay nakita ko na syang ngumiti SAKIN. And a miracle happened pala, napakabait nya saken ngayon, nagpadala sya ng breakfast sa room nya at sabay kami nag-almusal! Jusko, ayokong mag-assume pero bakit parang dahil sa nangyari kagabi ay nag-iba ang pakikitungo nya sakin?

"Hey, girlfriend. What's taking you so long? Tss." Narinig kong sabi nya.

"Ay! Eto na tapos na ko!" sigaw ko, I turned the shower off at nagpunas. By the way, tuwalya pala ni Asher gamit ko hihE.

Yes, yung tuwalya na ginagamit nya, hindi yung stock na tuwalya dito. Eto lang naman ang tuwalya dumadampi sa abs nya everytime na magpupunas sya.

Namula naman ako sa iniisip ko! What the heck, Seanee! Apaka-manyak mo!

Sinuot ko ang bagong undergarments na galing pa kay Tita DS, nakakahiya huhu syet. Saka ko sinuot ang t-shirt ni Boss Asher, sheeet, muka akong scarecrow, char.

I wore one of his skinny jeans na pinahiram nya sakin, ang haba nung kasi matangkad si Asher kaya I had to tiklop tiklop the dulo hahaha! Teka, bat parang ang arte ko pakinggan? Pfft.

Lumabas ako ng bathroom at pinupunasan ko ang buhok ko, he looked at me and smirked. "You look cute."

do_ob

"H-Huh? T-Thankyou—"

"Just kidding. Muka kang scarecrow."

Anak ng—

"Ansama mo!" I glared at him! He rolled his eyes at me, lumapit sya sa aparador nya at may kinuha don, then bigla nya sakin hinagis yung kung ano mang kinuha nya.

"Aw!" tumama sa noo ko yung ano! "What the heck?!"

"Wear it later. I'll go take a bath." sabi nya at pumasok na sa bathroom. Sinamaan ko pa ng tingin yung pintuan kung san sya pumasok! Bwisit yun! Kala ko mabait na e!

Pinulot ko yung cap, cap pala yung hinagis nya. Tumapat ako sa salamin na basag. Yeah, basag yung mirror dito sa kwarto nya, palitin na.

Ewan ko ba kay Boss, napakalaki naman yata ng problema nya.

Sinuot ko ang hat, muka na kong tomboy! Loose shirt tas naka-jeans ako at cap, then Tita DS let me borrow her rubber shoes! Hiyang hiya na talaga ako, kasi nga kay tita na underwear din gamit ko! Pero new naman.

I pouted at hinubad ang hat. Magmumuka akong yaya ni Asher neto!

Napaisip ako, he said we're going on a date. Ha, akalain mo yun marunong pala makipag date si Mr. Emotionless.

Pero may part sakin na tuwang-tuwa, I already admitted na I like Asher. Pero may part paren sakin na iniisip na hindi 'to totoong feelings, this is just an act, I'm just acting as his girlfriend because it's my job.

Hindi ko namalayan na tapos na pala si Asher maligo, he's wearing a simple polo-shirt na pinatungan ng jacket and jeans. Halos mapanganga ako dahil sobrang ayos ng itsura nya! Unlike usual, nakaayos ang buhok nya ngayon! Fresh na fresh ang look!

I looked away, baka isipin nya nagd-drool ako. Kahit totoo naman.

"Let's go?" He asked.

"Saan ang punta natin?"

"Mall. We're going on a date and I want to know you more, kwentuhan mo ako habang magkasama tayo." he said. Napangiwi ako, dahil ba to sa nangyari kagabi? Bakit parang bigla nya ko nagustuhan?!

"E-Eh.." napakamot ako ng ulo, tinignan ko sya mula ulo hanggang paa tsaka ko tinignan ang sarili ko sa salamin, muka akong yaya nya, promise!

Nakita kong naglakad si Asher papunta sa likuran ko, sinuklay nya ang buhok ko at saka sinuot ang hat sakin. Nagblush naman ako! This is the first time some guy brush my hair. Takte, ang babaw ng kaligayahan ko!

"I was joking. You look cute, baby. Don't worry about it." He whispered, nakagat ko ang labi ko.

Please, Asher. Wag kang ganyan...



I'm afraid to fall for him because I know hindi pa sya nakaka-get over sa ex-girlfriend nya.

But I really like him, Gusto kong mag-go-with-the-flow, pwede naman syang maka-move on diba? And maybe, ma-fall din sya sakin.



Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon