Part Twenty-Six

1.4K 49 15
                                    

SEANEE AVERY

Mabilis na dumaan ang mga araw, at ngayon ang huling gabi namin sa resort hotel na 'to, tomorrow babalik na kami pero bago kami uumuwi ay tonight may surprise na hinanda si Tito DS para kay Tita.

Sinindihan ko ang huling kandila at saka pumunta na sa gilid, I looked around, napakaganda ng ginawa namin sa rooftop, iba talaga ang mga Delos Santos! Wala ni isang ibang tao na nakakaakyat dito sa rooftop, siguro ay binayaran nila para mareserve 'to para sa surprise ni Tito. Nag set sila ng mga kandila at rose petals sa sahig, may mga lanterns na nakalutang at may masasarap na food na nakahanda, ni hindi ko inakalang may sweetness din pala si Tito DS! Nung first time ko sya makita nung interview ko ay napakastrikto nya tignan! Pero malambot pala ang puso para kay Tita hihi.

"Seanee, pakidagdagan ng rosas dun sa bandang pintuan, then make sure maayos ang lahat doon, and call Asher when everything is set." sabi ni Tito at saka ako nginitian. Tumango ako ng magalang at saka kumuha sa basket ng mga petals at nagdagdag na kung san nya tinuro, then inayos muna ang dress ko at buhok, saka ako lumingon kay Tito, sinenyasan na nya ako na tawagin na sila Asher.

I dialed his number, grabe ang bilis ng tibok ng puso ko! Ako ang kinakabahan para kay Tito!

["Hey."] sagot ni Asher.

"Umakyat na daw kayo ni Tita sabi ni Tito." sabi ko, "Grabe, excited ako para sa kanilaa!"

["Pfft. Just chill, sige aakyat na kami dyan, wait for us. I also can't wait any longer to see you."] sabi nya. Namula ang pisngi ko. Jusko, ano bang pinagsasasabi netong lalaking 'to!

"Ewan ko sayo! Tsk, haha! Sige na, baba ko na 'to, babyee!"

["Okay, see you there."] at natapos ang call.

"Tito, paakyat na po sila." sabi ko, he smiled at pinatong ang isang kamay sa balikat ko.

"Thank you for helping me Seanee, I hope she likes it."

"Magugustuhan nya po 'to! Goodluck po Tito!" sabi ko at nagsign ng 'fighting'! Napailing nalang sya habang natatawa. Tsaka na sya pumunta sa gitna kung saan pinalilibutan ng nga candles at lanterns.

Then minutes passed, bumukas ang pintuan at pumasok sila Tita at Asher. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ni Tita, na-shock sya at naluha. Then tumama ang tingin ko kay Asher, nakatingin pala sya sakin! Nginitian nya ako at saka nag-iba ng tingin at hinatid si Tita kay Tito. Parang kasal lang!

Then tumayo na si Asher sa tabi ko at saka humalik sa pisngi ko. "You look beautiful." bulong nya. Nginisian ko sya.

"I know right."

"Really? Haha."

"Shhh, nakikinig ako sa pinag-uusapan nila!" sabi ko at tinuro sila Tita at Tito, nakita kong pinupunasan ni Tito yung mata ni Tita, aww ang sweet! Then nagyakap sila at naupo na sa nakaprepare na hapag. Habang kami naman ni Asher ay nasa hiwalay na table.

Pinaghila ako ni Asher ng upuan, napangiti naman ako dahil don. Oo na, ambabaw ng kaligayahan ko. Pero syempre, para sakin mga simple bagay nayun ay malaking bagay na para sakin. He's such a gentleman.

Sinerve-an kami ng food nung waiter, we started eating at lingon naman ako ng lingon kila Tito at Tita! Hindi kasi ako mapakali, gusto ko malaman kung nag-eenjoy sila, ang gusto kasi ni Tito ay maging perfect tong gabing 'to.

"Stop looking at them, focus on your food and me." sabe nya. Nag-pout ako at lumingon sa kanya.

"Eehh, sige na nga." sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Last day na ng bakasyon natin dito, how is it? Nag-enjoy ka ba?" tanong niya.

Mabilis akong tumango, "Oo naman noh! Napakaganda dito, never ko makakalimutang 'tong vacation na to! Lalo pa't ikaw ang kasama hehe." sabi ko, natawa naman sya at napailing.

"Pag-balik natin ay may pupuntahan ako, my friends are inviting me for a drink. Isasama sana kita, kung gusto mo lang naman."

"Pwede ba ako sumama don?"

"Of course, kaso hanggang 5pm lang ang trabaho mo, right?"

"Amp—Oo nga, as part-time girlfriend yun, pero gusto ko parin sumama! Baka ako nanaman tawagan ng mga kaibigan mo dahil hindi ka makapagdruve mag-isa pauwi."

"Pfft, okay, sasama ka. Let's finish our food." sabi nya. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain, napakasasarap ng mga dish na hinanda at may dessert pa, halos maglaway ako nang makita yung ice cream.

Nang matapos ay nakita kong tumayo si Tito, then nilahad nya ang kamay nya sa harap ni Tita, music started playing. Napa-O ang bibig ko nang marinig ang kanta.

Oh, my love, my darling

I've hungered for your touch

A long, lonely time

Time goes by so slowly

And time can do so much

Are you still mine?

I need your love

I need your love

God speed your love to me

Sumabay sila sa mabagal na kanta habang nagkayakap at dahan-dahang sumasayaw. Napangiti ako habang pinapanood sila, para akong nanonood ng live action na fairytale, at ganito ang happy ending, they look so perfect together, ramdam na ramdam ko din ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Huhu, kinikilig ako para sa kanila.

Hindi ko namalayan na nandito na pala si Asher sa harap, nakalahad din ang kamay, parang sa kaninang ginawa ni Tito.

"May I have this dance?" tanong nya. Natawa ako at saka tumango at tinanggap ang kamay nya, tumayo ako at pinatong ang kamay ko sa balikat nya, his hand on my waist at nakapatong naman ang isa kong kamay sa isa nyang kamay. Sumabay nadin kami sa mabagal na kanya.

Lonely rivers flow

To the sea, to the sea

To the open arms of the sea

Lonely rivers sigh

"Wait for me, wait for me"

I'll be coming home, wait for me

"I'm so happy I met you, I never felt this happy before." sabi nya at hinalikan ang noo ko, "Hinding-hindi ako titigil sa pagpapasalamat sayo."

"I hope it lasts. I want to stay like this forever, Asher." I said and hugged him, I can hear his heartbeat beating fast. "I love you." I whispered.

Dahan-dahan syang natigil sa pagsayaw, nang tumingala ako para tignan ang mukha nya ay naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko. Luha. Not mine. But his.

He's crying.

My Asher is crying.

"W-Why?" napapalunok na tanong ko, humiwalay ako sa kanya at saka pinahid ang luha sa pisngi nya. "A-Asher anong problema?"

He smiled at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi nya, he closed his eyes and let his tears drop. Napangiti ako nang maalala ang nasa contract. I have to make him smile and cry again. Kailangan kong mapabalik ang mga emosyon nya.

Nakita ko na syang ngumiti at tumawa. Now he's crying.

I've done well.




"I love you too."

Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon