Part Nineteen

1K 38 5
                                    

SEANEE AVERY

Pumasok ako sa studyroom kung nasan si Asher! Sobrang excited ko sa sinabi sakin nila Tito at Tito about sa summer vacation!

Sobrang excited ako dahil kasama ko sila, kahit na I'm just being payed to be their son's girlfriend, sinama padin nila ako.

Nakita kong nakaupo sa sahig si Asher habang nakasandal sa isang bookshelf, nakasuot sya ng salamin at tutok ang mga mata sa screen ng laptop.

"Hoyy!" panggugulat ko, nilingon nya lang ako! Eh? Hindi sya nagulat dun? "What are you doing?" tanong ko, naupo ako sa tabi nya.

"Work." maikling reply nya. Gusto kong mapakamot ng ulo! Napaka-aga ko dito tas busy naman pala sya.

"Uhm, by the way, about dun sa summer vacation—"

"Oh? Kasama ka?" tinaasan nya ako ng kilay. Natigilan ako. T-Teka—ang gulo naman neto! Parang kagabi lang ay napakaayos ng usapan namin!

d.__.b

"O-Oo daw.." pahina ang boses ko. Ang gulo naman kasi ng lalaking 'to!

"I heard you got your first salary. Are you leaving me?"

do__ob

So yun ang reason.

"Huh? Hindi ah!" sagot ko. He sighed and removed his glasses. Bagay po pala sa kanya yun.

Nilapag nya sa tabi nya ang laptop nya at tinap nya ang hita nya, "Come here." he said.

Nanlaki ang mga mata ko!

Saan daw?!

Sa hita nya?! Uupo ako?! Bakit naman?!

"H-Huh?!"

"Just...gusto mong tawagin ko pa si Mom?"

Anak ng..!

"E-Eto na!" sabi ko at naupo patagilid! Bakit?! Pano ba dapat!? Nakasandal likod ko sa kanya o nakaharap ako sa kanya?!

"Tss. Susunod din naman pala." bulong nya then he wrapped his arms on me.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong studyroom, pero rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko na sobrang bilis.

"Argh..I really thought you'll leave after getting the money." He said and face palm.

Napangiwi naman ako, "Ganyan ba ang tingin mo sakin?"

Medyo na-hurt ako dun ah.

"No——No, not anymore." he said. "And you promised, right?"

"Luh? Kelan?"

Sinamaan nya ako ng tingin, napangiti ako.

"Joke lang! Hindi kita iiwan, unless ikaw na ang magsabi."

"Nah, I won't do that." sabi nya. "Oh, where's my goodmorning kiss?"

Potang—ano daw?!

Humiwalay ako sa kanya! "Anong goodmorning kiss?!"

"Required yun." sabi nya!

"Muka mo! Walang nakasulat na ganun sa contract noh!"

"But still, kahit na part-time girlfriend lang kita, iki-kiss mo ako."

Juice colored!

Tatayo na sana ako pero hindi nya ako binitawan!

I pouted, "B-Boss naman eehh..."

Ngumiti sya, natulala naman ako dun! "Just one kiss, Avery. Then I'll go with you sa mall, sasamahan kita mamili ng mga damit at swimsuit." he smirked.

S-Swimsuit? Two piece?!

Bakit kailangan pa ko samahan?!

Nakakahiya naman kasi kung dito ko sya ikikiss! Seriously?! Studyroom?!

"K, fine!" sabi ko at saka pinagdikit ang mga labi namin! Huhuhu, I have to admit I like kissing him! Ang lambot kasi ng labi nya!

"Tama na yun!" sabi ko at tsaka tumayo na. Pero hinila nya nanaman ako kaya napaupo ako ulit but this time nakaharap na ako sa kanya, he held my waist and kissed me again. I couldn't resist—or should I say I want this too. Our lips touched, hindi ko alam kung anong gagawin kaya hinayaan ko nalang sya, he kissed my upper lip then the lower, he continued doing that and I admit I'm enjoying it. Pero nagulat ako nang maramdaman ang dila nya! Hindi kasi talaga ako pamilyar dahil I never had a boyfriend before kaya wala akong experience sa ganito!

"..sorry." sabi nya at binitawan ang bewang ko. Nakahinga ako ng maluwag. Kung hindi sya tumigil ay baka inatake na ko sa puso!

"O-Okay lang." sabi ko.

Nakita kong namula ang pisngi nya bago sya nag-iwas ng tingin, "Why did I do that? Tsk. I'm s-sorry."

"O-Okay nga lang."

"P-Pwede ka na tumayo." sabi nya habang nakaiwas padin ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko! Nakaupo nga pala ako sa kanya! Syet, baka nabigatan sya sakin! Nakakahiya naman!




Magd-diet na ko!







Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon