Part Twenty-Seven

1.3K 44 26
                                    

SEANEE AVERY

Matapos ng mahabang byahe ay sa wakas nakabalik na kami, binaba nila ako sa tapat ng apartment.

"So, um, I'll see you later?" tanong ni Asher. Nilingon ko sya at tinanguan.

"Yup, what time ba?"

"11pm, susunduin nalang kita." sabi niya. "I'll help you carry the bags." sabi nya at lumabas.

"Ay, sige thankyouu." sabi ko, konti lang naman bags na dala ko, bumili din pala akong souvenirs para kay insan, speaking of insan, nasa apartment na yun siguro.

Umakyat na kami sa apartment ko, then nang makapasok ay nilapag na nya sa sofa yung mga bags. Nakaramdam nanaman ako ng hiya dahil pinapasok ko nanaman sa maliit at mumurahing apartment ko si Asher! Huhuhu.

"Magpahinga ka nalang muna, 7 palang naman pero wag ka muna magtrabaho ngayon. Mamayang gabi mo nalang ituloy." sabi nya at ngumiti, "I'll go now. Sleepwell, I love you." then he kissed my forehead. Napayuko naman ako para itago ang namumula kong pisngi!

"S-Sige, ingat!" sabi ko. Hinatid nalang siya ng tingin, hindi na ako bumaba ng apartment. Pagpasok ko ulit sa apartment ay nagdive na ako sa kama at dumapa. Aaah! Home sweet home. Sinilip ko muna ang messages sa phone ko para tignan kung may message ba si insan at wala pa sya dito. Nasan kaya yun? Baka may project lang na ginawa. Pero bakit hindi manlang nagsabi?

Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

~*~

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan, sino ba yun?! May susi naman si insan, bakit need pa kumatok?

Inis akong bumangon at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita si insan na inaalalayan ng lalaki-kaklase nya siguro dahil nakauniporme pa ito.

"K-Kayo po ba yung pinsan ni Lily?" tanong neto. Agad akong umalalay kay insan, ano banag nangyari sa kaniya?! Wala syang malay.

"O-Oo, anong nangyari?"

"B-Buti nalang po nandito ka na, i-ilang araw na po syang naglalasing, akala ko po wala syang kasama dito sa apartment, nakaraan ko lang nalaman na nasa bakasyon ho pala kayo." paliwanag na. Napalitan ng seryosong eskpresyon ang muka ko. "K-Kaklase nya po ko, nitong mga nakaraang araw sumasama po sya sa mga kaklase namin at nag-iinom, hindi ko po alam kung anong pinagdadaanan nya pero nag-aalala na po ako sa kaniya."

"Salamat sa pagtulong at pag-aalala..."

"Terrence po, T-Terry nalang."

"Terry. Salamat Terry." sabi ko at inayos ang pagkakahiga ni Lily sa higaan.

"Sige po, mauna na po ako." sabi nya, hinatid ko sya sa labas ng apartment, nakuta kong sumakay sa kotse ito at umalis na. Bumalik ako sa loob at kumuha ng pamalit na damit ni Lily. Paglapit ko sa kanya ay narinig kong may binubulong sya.

"AD...AD I miss you..." aniya at saka umiyak. Naalala ko ang parehas na pangyayari noon kay boss Asher.


"Leri.."

Leri?

AD?

Humigpit ang hawak ko sa damit habang mariing nakatitig kay Lily, unti-unting pumasok sa isip ko ang lahat.

Leri at AD.

Lily Emeri?

Asher Deillan?


1 month na hindi nagkita, then biglang dito nagstay si Lily.

Habang si Asher, after ilang months na nagbakasyon sa kung saan ay naheartbroken.

Saan nanggaling si Asher non?


Sa probinsya?


Anong ibig sabihin neto?


Napatakip ako ng bibig at nakaupo sa tabi ni Lily.


No, it can't be.

Lily and Asher?

Tumulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko'y nanikip ang dibdib ko. Imposible..hindi pwede. I can't let them see each other.

Hindi ko kakayanin...

Paano kung iwan ako ni Asher?

Paano kung sumama sya kay Lily?

Paano na ako?

Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang idilat ni insan ang mga mata nya. Dahan-dahang syang naupo habang sapo ang ulo nya.

"N-Nasan ako?"

"Nasa apartment." sagot ko.

"S-Seanee? Nakauwi ka na? A-Akala ko bukas pa--"

"Bakit ka nag-iinom?"

"Seanee--"

"BAKIT KA NAG-IINOM?"

"I-I was--pinilit nila ako!"

"No, they didn't! Nagkusa ka! Bakit?! Dahil heartbroken ka?! Pinapunta ka dito ng Mommy mo para umayos, Lily! Hindi para gumanyan!"

"S-Sorry--"

"I'm going to tell your Mom. At hindi ka na pwede ma-late ng uwi! Or else ako mismo ang magpapabalik sayo dun satin!"

"Seanee don't!"

"Yes I would! Porke nawala ako ng ilang araw ay kung ano anong kalokohan na ang ginawa mo! Your friend told me! Sumasama ka sa mga kaklase mong may bisyo! Let's see kung anong reaksyon ng Mommy mo pag nalaman nya kung anong pinaggagagawa mo!"


"Seanee!! You can't! Maawa ka! Ayoko bumalik sa probinsya! I don't want to live with Mom! She's too strict! Nasa tamang edad naman na ako! And once lang naman akong nag-inom--"

"Don't fcking lie to me, Lily." tatango-tangong sabi ko habang nakangisi. "Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng ma-late ng uwi. Kapag sumuway ka ay babalik ka talaga sa Mommy mo." sabi ko at tumayo, nilapag ko sa kama ang damit na pamalit nya at saka kumuha ng tubig sa ref. Kinalma ko ang sarili ko. Binalot ng katahimikan ang apartment pero narinig ko syang bumulong.

"I hate you." sabi nya, nang lingunin ko sya ay nagtama ang paningin namin, masama ang tingin nya sakin habang ako ay nag-iwas agad ng tingin. Ah. Now she hates me.

Hindi sa lahat ng oras ay mabait ako sa kanya. Minsan ay kailangan ko din maging strikto, dahil nga dito sya pinapunta ng Mom nya, means may tiwala sakin si Tita at alam nya na responsable ako sa sarili at matutulungan ko si Lily.

I sighed and remembered may lakad kami ni Asher. Hindi ko alam kung paano pa ako makikipag-usap sa kanya, paano kung totoong sya nga ang boyfriend ni Lily?

Bahala na.

Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon