Part Twenty-One

1K 40 22
                                    

SEANEE AVERY

Pagbukas ko ng pintuan ng apartment ay ineexpect kong nandito si Lily pero wala. Napakamot ako ng ulo, san naman nagpunta yun? Akala ko ba ay masama ang pakiramdam nya?

"Oh? Where's your cousin?" tanong ni Asher.

Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin, "E bakit ko hinahanap? Gusto mo talaga makakita ng maganda noh?" 

"What? Bakit pa ko maghahanap e kung nandyan ka naman?"

Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko'ynag-init ang pisngi ko. Ano bang pinagsasasabi neto?! Stop it, Asher!

"Your place is nice. Hindi naman pala ganun kaliit." sabi nya. Naupo sya sa maliit na sofa at nilapag ang mga shopping bags. Nahiya naman ako kasi isang Asher Deillan Delos Santos, nakaupo sa cheap na sofa namin! Baka mas mahal pa yung mga damit na suot nya kesa sa renta ko sa apartment na to!

Napalunok ako ng laway at niligpit saglit ang mga kalat. Ebarg kase, may mga pinagkainan pa ko ng chocolate sa kama, buti alang langgam!

Binuksan ko ang aparador ko at kinuha ang isang bag, tiniklop ko ang mga dress at swimsuit at nagbaon din ng undies. Also mga gamit na kakailanganin ko. Mabilis ko lang pinrepare yun at saka nag-ayos saglit ng sarili.

"Let's go?" tanong ko. "Gusto mo ba muna uminom ng tubig?"

"Yeah sure, nauuhaw din ako." sabi nya. Kinuha ko sa ref ang pitsel at nagsalin sa baso. Then lumabas na kami at ni-lock ko na ang apartment, bumalik na kami sa kotse at ti-next ko si insan.

Lily
online

Hoy insan nasan ka? Wala ka sa apartment.

Umuwi ako, san ka nagpunta? Masama pakiramdam mo diba?



Ay, kumain ako sa labas Seanee! Sorry di ko nasabi.

Pauwi na ako, nasa apartment ka pa?


Wala na, kakaalis ko lang, btw may pupuntahan ako with my bf's family, di ako makakauwi for days. Ingat ka ha? Don't forget to always lock the door.

May grocery pa tayo dyan, pwede mo din kainin
Yung mga chocolates ko hehe.


Ikaw haaa! Susumbong kita kay Tita!

Jokelungs, Seanee! HAHAHA.
Take care! Enjoy!


Okayy! Byee! Mwah!




"Nasabi ko na sa insan ko!" nakangiting sabi ko. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nandun na pala kami sa tapat ng mansion! "Ang bilis naman natin nakadating?!" gulat na sabi ko.

"Walang traffic e, tara na, they're waiting for us." sabi ni Asher, pinagbuksan nya ako ng pintuan, napakagentleman naman talaga at sa simpleng action lang nayun ay kinikilig na ako!

Nang nasa main door na kami ay nandun sila Tita at Tito DS.

"Hi, Seanee!" bati ni Tita at bineso ako. "Kamusta? Nakabili ka na ba ng nga swimsuit? Are you excited?" nakangiting tanong ni Tita.

Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon