Part Twenty-Four

1.1K 37 17
                                    

SEANEE AVERY

Nagising ako at wala na si Asher sa room. Bumangon ako at binuksan ang kurtina, tumama sa muka ko ang sinag ng araw, namangha naman ako sa tanawin, kung kagabi ay maganda ang dagat kasi kita ang reflection ng mga bituin, ngayon naman ay kitang-kita ang pagkabughaw ng karagatan, pati nadin ang maputing buhangin. Na-excite akong magswimming na kaya naglakad ako papuntang banyo pero nakita kong may nakapatong sa lamesa, nilapitan ko yun tsaka ko inalis yung takip, napangiti ako nang makita ang breakfast na kaya prepare ng maayos. May hotdogs, egg, bacon, konting rice, at juice. Kinain ko yun at tsaka nag-ayos. Nagpalit lang ako ng loose white shirt at shorts tsaka ko sinuot ulit ang sandals.

Nilisan ko ang room ko at saka pinuntahan ang kay Asher, walang sumasagot kaya naisip ko baka nasa dagat na sila.

Sumakay ako ng elevator pababa, then nakita ko ang mag-asawang DS.

"Goodmorning po, Tita, Tito." I greeted.

"Hii, Seanee! How's your sleep?" tanong ni Tita at saka nagbeso sakin. "I heard Asher slept on your room, yiiieeeee~ kayo ha!" pang-aasar pa niya at saka kinurot ang tagiliran ko.

"Hahaha! Tita naman! Wala po kaming ginawa!"

"Reallyy? No hugs? Kisses? No cuddles?" may pang-asar na ngiti padin sa muka ni Tita! Namula ang mga pisngi ko, naalala ko tuloy yung kagabi! Napaka-sweet ni Asher! "By the way, nasa cottage 3 si Asher malapit lang, paglabas mo ng hotel. Puntahan mo sya dun at pinagkakaguluhan na sya ng mga babae!" sabi ni Tita. Gusto kong itaas ang kilay ko! Si Asher?! Pinapalibutan ng babae? Bakit? Gwapo ba sya?! Oo hehe.

Ngumiti ako kay Tita at Tito, "Sige po, pupuntahan ko lang po sya, Tita—Tito, bye po!" mabilis akong naglakad at lumabas ng hotel, then natanaw ko na yung mga cottage, pumunta ako sa pangatlo kaso dun ako may nakitang babaeng nakapalibot. Tss!

Nang malapit na ko at natanaw ko si Asher na nakahiga sa hammock at nagc-cellphone. Pumasok ako sa cottage, parang maliit na bahay sya, but not made of bamboo.

"Who is she?"

"His girlfriend?"

"Duh, sayang naman."

Narinig ko ang bulungan nung mga babae. Kumunot ang noo dahil ayoko sa lahat pinagbubulungan ako!

"Hoy." tawag ko kay Asher. Nilingon nya ako at hinubad nya ang sunglasses nya.

"Hey, morning." bati nya, hinila nya ako ng marahan sa kamay at pinaupo sa hita nya. Aalis dapat ako kasi andaming nakatingin pero hindi nya ko binitawan. "Stay."

"Ang aga-aga andami mong babae." sabi ko at nag-pout.

"I don't know them. Sorry, ang gwapo ko kasi masyado." he said then smirked. Inirapan ko nalang sya! "Naubos mo breakfast mo?"

"Oo, ang sarap ng almusal ko grabe."

"I cooked it."

"Huh??"

"Yeah, I cooked it myself."

"Pwede ba yun?! Tsss."

"Yes, hindi naman kami,matatanggihan sa beach hotel na to."

"Why?"

"Because we are the Delos Santos." sabi nya sabay ngiti. "You wanna go swim?"

"Oo naman!"

"Yan ang susuotin mo?" tanong nya at saka ako pinasadahan ng tingin. "Okay na yan."

"Huh? Hindi ah! Sayang naman yung mga binili ko, wait I'll go change."

"Wag na, Avery. Masyadong revealing yung nga binili mo."

"Bakit, hindi ba bagay sakin?"

"It's not like that, ayoko lang na madaming titingin sayo." nag-iwas sya ng tingin. I rolled my eyes at him again.

"Same to you. Pero gusto ko talaga isuot yung bikiniii.."

He sighed, "Fine! But cover yourself with this." sabi nya at sana tumayo at saka lumapit sa may bag dun sa upuan, then inabot nya sakin yung puting sarong.

"Oo na! Sige babalik lang ako saglit sa hotel, I'll be right back, wag ka mambababae!" sabi ko at dinuro sya!

He chuckled, "I won't. Sige na, go get changed. I'll wait for you." he said. Tumayo na ako at iniwan sya, bumalik ako sa hotek at saka kinalkal ang bags ko! Anong susuotin ko nyan?! Yung black, red, or blue?! Kinuha ko yung red at saka pumasok sa banyo, sinuot ko yun and thank goodness, bumagay sakin. Nagsuklay ako ng buhok at hinayaan 'tong nakaladlad, hindi na ako magmake up dahil mabubura lang din naman at hindi ako marunong magmake up!

Bumalik ako sa bags ko at saka kinuha ang isang malaking longsleeves polo at sunglasses, nang makita kong hindi na ko mukang ewan ay lumabas na ako para bumalik kay Asher. Pero hindi ko sya nakita sa cottage, instead nasa dagat na, ayun pinapalibutan ng mga babae!

I frowned at hinubad ang polo, hindi ko din sinuot ang sarong, basta lang akong naglakad papalapit sa kanila, I saw Asher turn his head at napatitig sakin.

May narinig pa akong sumipol.

"Dangg, dude let's ask her name!"

"Sya ba yung kanina sa cottage nung lalaking pinagkakaguluhan?"

"She hot tho!"

Gustong tumawa ng malakas dahil ngayon lang ako nakatanggap ng compliments about my looks buong buhay ko! E kung mag two piece nalang kaya ako araw-araw?!

Naglayuan kay Asher yung mga babae nang makalapit na ako, they started whispering kung ako daw ba talaga yung kaninang losyang etc.

Nakagat ko ang labi ko nang tignan ko si Asher from head to toe. Holyy shtt—kaya pala sya pinagkakaguluhan! Napatakip ako ng ilong baka kasi mag nosebleed!

Wala syang suot na top, I can see his bare abs, with matching pawis, apaka-hot ng boss ko! Parang kumikinang pa ang balat nya kapag natatamaan ng araw dahil sa kaputian nya!

I snapped out of my thoughts nang guluhin nya ang buhok nya.

"Argh, do you really have to wear such thing?" narinig kong bulong nya. Lumapit sya sakin at tsaka ako niyakap! Kinilabutan ako nang magdikit ang mga balat namin! Oh shet. "I told you not to show too much skin, inaakit mo ba ako?" bulong nya.

"H-Huh?!"

"Nasan yung sarong na binigay ko? Wear it, tara sa cottage." sabi nya at saka lumayo sakin, kaya pala nya ako niyakap para takpan ako.

"Ayoko! Bakit hindi ibang babae pagsuotin ng sarong? Tss, kunware ka pa, gusto mo naman talaga makakita ng cleavage at—"

"Wag kang makulit or else huhubaran na talaga kita!" sabi nya at sinamaan ako ng tingin! Nanlaki ang mga mata ko at niyakap ko ang sarili ko!

"Oo na, eto na nga babalik na sa cottage!" agad na sabi ko.




Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon