Part Five

1.3K 37 2
                                    

SEANEE AVERY

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagvibrate ng cellphone ko na katabi ko lang!

"A-Aah!" Ungol ko habang nag-iinat!

"Insan, kanina payan! Sino bayang-'Boss Baby' nayan? Ayiieee ikaw haa! Luma-love life ka na ah!" panunukso ni insan, jusko. Ang aga naman mang-asar ng pinsan ko, at ang aga mang-istorbo ng Asher nayon!

Pag-tingin ko sa alarm clock ay..

10:12 AM.

dO___Ob?!?!

Mama mia! Late na ako sa trabaho!

Agad kong sinagot ang call ni Asher!

["Where the hell are you, girlfriend?! Second day mo palang sa trabaho, you're already late ng 2 hours and 12 minutes. Tss. Should I ask Mom to fire you-"]

dO___Ob!

"E-Eto na! Saglit lang pupunta na ko dyan!" sabi ko at saka binaba ang tawag.

"What, insan? Sino yun?" tanong ni insan habang nagha-hair dry. Mukhang papasok na sya sa bago nyang school na papasukan.

"Sikretong malupet, insan. Sige na, maliligo na koo!" sabi ko at saka nagmamadaling pumasok sa bathroom.


~*~

Sampung minuto lang ay tapos na ko, nakapag-ayos nadin ako, white crop top lang tapos naka-maong na palda ako at rubbershoes na puti. Imagine-nin mo nalang. Tapos naka itim na sling bag lang ako.

Kinuha ko ang car keys at nilagay ko sa bag ko ang wallet ko. Saka ako lumabas at sumakay ng kotse ko.

I drove to DS Mansion. Nakita kong naka-cross arm si Asher habang nakatayo dun sa harap sa main door.

"You're late, girlfriend." walang emosyong sabi nya.

d-3-b

"Alam ko." nakangusong bulong ko.

"Follow me, girlfriend. I need you to do something." sabi nya. Naglakad kami paakyat ng stairs at dumaan nanaman sa hallway papuntang kwarto nya. Ang akala ko ay uupo sya dun sa sofa pero pumasok sya sa kwarto!

dO__Ob

Tumayo lang ako dun sa labas ng pinto!

Sumilip ako sa loob,

dO_____ob

Ang kalat ha!

May kalat-kalat na papel, mga bag ng chips, at may mga can pa ng beer. Magulo ang bedsheets, sobrang dilim dahil nakalaylay ang itim na mga kurtina, nakikita ko lang dahil bukas yung isang lampshade sa bedside-table.

"What are you doing? Come here." masungit na ani Asher.

dO____ob

"Ha? Ako? Papasok dyan? Ayoko nga!" sigaw ko!

Sinamaan nya ako ng tingin!

"Fine. Wait there, I'll call Mom—"

"Eto na! Papasok na nga oh!" sabi ko at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto nya! "Hehehe..oh ayan! Wag mo na kong ipapatanggal kay Tita ha?" sabi ko.

Umirap lang sya.

d-___-b+

Arte ng taong to!

"Clean my room, girlfriend. Lalabas lang ako, I need to buy something at the convenience store. Kailangan pagbalik ko, tapos ka na dito at yung banyo lilinisin mo pa." sabi nya.

dO____Ob

"Whaaaat? Pati CR? Excuse me, Asher! Part-time girlfriend ang trabaho ko, hindi taga-linis ng kwarto at kubeta!"

Bigla nyang dinukot ang cellphone nya sa bulsa nya!

"E-Eto na nga! Sige na, lumabas ka na muna't mag-uumpisa na ko maglinis!" pigil ko sa balak nyang gawin!

He smirked. "Good, I'll be right back then, girlfriend."

At lumabas na sya.

Inhale..

Exhale..

Inhale..

"Haaaa! Kainis! Kainis! Patawarin nyo ko lord kung ano mang magagawa ko pag hindi na ako nakapag-timpi!"

Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon