Part Four

1.4K 38 1
                                    

SEANEE AVERY


Nagpark ako tapat ng napakalakiiiing gaaaate ng mansion ng  mga Delos Santos. Bitbit ang paperbag, nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako ng guard. Jusmeyo, susyal, may guards, maids, gardeners, at iba pang taga-silbi sila dito!

"Miss Seanee, pwede ko pong ipasok sa parking lot ang kotse nyo, kung gusto nyo lang naman po..?" magalang pang sabi nung isang driver ng mga DS—nalaman kong driver sya kasi sa parteng kaliwang dibdib ng suit nya may silver na ewan dun, nakasulat—Driver.

d^__^b

"Ahh sige, thank you." nakangiting sabi ko at inabot sa kanya ang susi ko. Muka namang katiwa-tiwala yun, pero pag sinubukan nyang carnap-in ako! Uupakan ko talaga sya! Hehehe.

May lumapit namang maid sakin,

"Miss Seanee, hinihintay po kayo ni Sir Asher sa kwarto nya. Ihahatid ko na po kayo." aniya, laking pasalamat ko dahil kung hindi ay magkakanda-ligaw-ligaw ako——

dO__Ob

Kwarto?! Bakit sa kwarto?!

Wala akong nagawa kundi sumunod sa maid! Umakyat kami sa carpeted stairs, at naglakad sa pamilyar na hallway, papuntang kwarto yun ni Asher, natanaw ko ang L-shaped na sofa sa sulok katapat ng mataas na bintana. Nakaupo si Asher dun sa sofa.

Haaays! Buti naman! Kala ko sa kwarto talaga!

"Sir, nandito na po si Miss Seanee." sabi ng maid.

"Thanks, Yaya Manding, you may go."

Umalis na si Yaya Manding.

dO__ob

Nilapag ko sa maliit na lamesa ang paperbag na may lamang dalawang pirasong McBurger.

"Where's my McFloat?" kunot-noong tanong nya.

<do__Ob>?

Kinunutan ko din sya ng noo! "Wala kang sinabing bumili ako ng McFloat, Asher."

"I said I wanted McFloat." sabi nya, saka ako tinignan na para bang sinasabing walang-kwentang-girlfriend!

"Ha!" hinga ko ng malakas! "Hoy, boss! Kahit itanong mo pa sa readers naten! Wala silang nabasang nagpabili ka ng McFloat sa nakaraang chapter!" gigil na sigaw ko.

Umirap lang sya sa hangin at saka parang walang ganang tinapon sa gilid ang burger! "Whatever." rinig ko pang bulong nya! "I'll go sleep. Go home, mukang antok na antok ka na't naka-pajamas ka pa." sabi nya pa at ngumisi bago sya pumasok sa kwarto nya!

d-____-b

Kalma, Seanee! You can do this! Wag sususko! Tiis lang! Tiis laaaaang!

Huminga ako ng malalim at saka tinignan ako sarili ko. Shet, oo nga! Naka-sando lang ako na pinatungan ng itim na jacket at pajamas lang na pambaba, tapos naka-slippers lang ako!

d>////<b

Nakakahiya! Hindi manlang ako nakapag-ayoooos!


Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon