RULE 03 : There's no place like home

92 10 1
                                    

KELLY P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KELLY P.O.V

"AKING mga friend natanggap ako sa company na in-apply-an ko! Yieeeeee!!!" natutuwa ko na salita sa mga kaibigan ko na kumakain na ng tinapay at umiinom ng mainit na gatas nang mauna na silang kumain sa akin. Parati kasi akong nahuhuli ng gising pagkatapos nakatunganga pa bago babangon kaya parati kami ganito sa dorm.

They congratulate me. Naniniwala naman daw sila na matatanggap ako kasi may hidden skills daw ako, wala lang sa mukha. Grabe naman.

"What is your work scheduled, Kelly?" napatanong si Yumi. Hindi ako napasagot agad kasi baka magalit sila sa akin kung ano talaga ang oras ng trabaho ko. Kaya nag sinungaling ako na hindi ko alam kung anong oras? Mukhang napaniwala ko naman sila atsaka na ako nakisalo kumain with them. Nang hampasin ba naman nila 'yung kamay ko noong kumukuha ako ng tinapay na binili nila. Grabe naman kadadamot ng mga ito?

"Bakit?" tanong ko.

"Not that!" saway ni Yumi.

"Huh?"

"May someone na nag-order at nag-provide ng food for you," tugon nito.

"Huh?! Sino?" tanong ko nang napakibit balikat naman si Yumi.

"Someone nga e, kilala ko ba? Bubu!" sarkastiko niya.

"Ay sorry naman!" turan ko.

"Inihinatid dito iyan ng landlady at para sa iyo daw ito special delivery pa yata?" wika ni Anne atsaka binigay ni Yumi at Neyomi sa akin 'yung mga nakasupot na pagkain. Mukhang masasarap naman. "Grabe ang dami! Kanino kaya galing?" napangiti kong tanong.

"Baka si Leo?" hula ni Anne.

Atsaka ko naman agad agad na binitawan 'yung mga pagkain. "Hay naku ah! Hindi niyo naman pala kilala kung kanino galing? Bakit pa kayo tanggap nang tanggap. Its dangerous!" wika ko.

"Wow! Dangerous talaga?" sabat ni Yumi.

"Oo, siyempre malay niyo may lason diyan?" sagot ko.

"At sino naman maglalason sa iyo?" napa-snob si Yumi. Kung alam lang niya na maraming galit sa akin sa SCU.


"Hinatid ng Landlady 'yan kaninang madaling araw at galing daw ito sa guwapong binata. Rushingly pinapasabi din na huwag ka daw magpapagutom parati." Napasalita ulit si Anne.

"Huh! Sinong guwapo naman 'yun?" tanong ko.

"Baka si Leo, talaga." Si Neyomi nagsalita nanaman pala, kaya napatingin kami lahat sa kanya.

RULE KO ANG IBIGIN KA |  COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon