KELLY P.O.V.
"KUMUSTA KA NA?" tanong sa akin ni Dylan matapos ang mangyari kahapon, na sa totoo lang ay sa tuwing naaalala ko ay nanginginig parin ang mga paa ko. Sinagot ko lamang siya na 'ayos na ako' saka na ako nag- ayos ng sarili ko para pumasok. Nangyari na iyon. Ang mahalaga ligtas ako, niligtas niya ako, ngumiti lamang ako sa kanya.
"Papasok ka na?" napatanong pa siya saka naman ako napatango- tango nang umalis na ako noon dahil naghihintay sa akin si Leo mula sa labas.
"I heard muntik ka na maaksidente kahapon, sana pala hinatid na lamang kita. Ayos ka lang ba?" may pag- aaalalang tanong din sa akin ni Leo nang mapangiti lamang ako dahil sa tingin niya.
"Okay lang naman ako," sambit ko pa saka niya na ako isinakay sa bike niya. Naaalala ko tuloy 'yung parati niyang ginagawa before, halos mapayakap ako sa kanya nang ipikit ko ang mga mata ko.
Pagdating sa unibersidad ay inihatid pa niya ako sa class namin pagkatapos napangiti pa siya nang yakapin niya ako noong marinig niya ang mga bulong-bulungan nila tungkol sa amin. "Mag-ingat ka huh? Huwag mo sila isipin. Huwag mo papansin ang mga sinasasabi nila." Sambit niya pa.
Ang sweet niya talaga. Pagkatapos napangiti pa siya nang kawayan niya ako bago umalis. "Akala mo talaga ikinaganda mo 'yan?" kibit balikat ng mga babae noong pumasok ako mula sa pinto at nag-aabang pala sila patirin ako, pero strong ako kaya hindi nila nagawa iyon.
Hindi ko sila pinansin nang hinila nila 'yung bag ko sa likod. "Masiyado ka yatang manhid, hindi ka naaawa kay Luna..." Salita nila nang mapatanong pa ako sa isipan ko kasi kaano-ano ba niya 'yung Luna na iyon. Doon ko nalaman na kapatid siya nito.
"Layuan mo si Leo. Hindi ka worth it sa kanya!"
"You are a piece of trash! Masiyado kang ambisyosa!"
Inirapan ko lang sila saka nila akmang hihilain sana muli 'yung buhok ko naman this time, nang may magharang at maghawak sa kamay nila. Si Dylan.
“Ano ang ginagawa niyo sa kanya?” he asked.
Humarap ako kay Dylan nang pabulong kong sinabihan siya na hayaan na lamang niya ang mga ito, atsaka niya binitawan ang kamay ng babae at napatigil naman sila.
"Huwag niyo na siya ibu-bully kung ayaw ninyo akong magalit." Saka ko naman na hinila 'yung kamay ni Dylan para maupo sa seats namin. Pero natutuwa akong kahit paano nandiyan si Dylan para ipagtanggol ako.
Ang sakit lang sa part ko na parang kasalan ko pa yata kung bakit nagkahiwalay iyang Luna na iyan at si Leo. Wala naman na akong pake sa issue nila. Si Leo ang aayos niyan. Bakit ako pinuponterya? We'll, nagpapaka-honest lang ako. Tsk!
"S-sino ba 'yang atrabidang lalake na iyan?"
"Girl, hindi mo kilala ang sikat at guwapong si Dylan?"
BINABASA MO ANG
RULE KO ANG IBIGIN KA | COMPLETED
RomanceDon't think of robots as replacements for humans - think of them as things that will help make us better at tackling many of the problems we face. - EOIN TREACY ‡‡‡‡ There was a girl named Kelly Perez a clumsy, childish, pikachu lovers, and a girl w...