RULE 02 : My Knight

115 10 1
                                    

KELLY P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KELLY P.O.V

Nag peace sign pa siya na ang cute lang pagkatapos ay nag flying kiss siya sa akin no'n nang napangiti naman ako kasi ang cute cute talaga ni Pikachu.

Sobrang saya ko.

Nag flying kiss back din ako. Tapos kunyari nasalo niya iyon at nag puso puso pa siya sa mga kamay niya.

Ang liit ng galamay ni Pikachu nang matawa nalang ako sa idea na iyon. Kawawa naman 'yung taong nasa likod nito. But by the way he's the best!

Walang sawa ako sa pag-ngiti dahil sa ginagawa niya. Atsaka na siya tumalikod upang humakbang paalis.

"Bye! Bye! Mr Pikachu. My Knight! Salamat sa pagpapangiti sa akin. Kung sino kaman na nasa likod ng costume. Maraming salamat! Sana makita kitang muli...."

----

"Ang happy mo yata ngayon?" tanong ni Yumi noong sumalubong siya sa akin.

Nang biglang pumasok sa isipan ko si Pikachu kanina na pinasaya ako. "May weird lang na naka- Pikachu costume kanina." Napangiti pa ako habang nagku-kuwento pero wala silang pake doon.

"What about your dinner date with Leo Yin? Itinawag mo pa sa amin iyon. Ano? Kamusta? Ano?!" salita ni Anne. Aish! Sabi ko na e. Ito ang bet nilang balita. Okay na sana e, pinaalala pa.

Kaya napairap nalang ako at umakyat sa higaan ko atsaka ako nag-talukbong ng kumot sa sarili ko. "Luh? Oy! May nangyari ba?" tanong din ni Yumi dahil sa inasal ko nang naramdaman kong lumapit siya.

"Don't mention that guy again. Huwag mo na babanggitin sa akin ang lalakeng iyon!" Sambit ko nalang. Oo ni-translate ko tsk!

Saka na ako pumikit na mukhang natigilan naman sila sa sinabi ko hanggang sa tuluyan na nga akong pumikit at malungkot na natulog.

---

KINABUKASAN, maaga akong nagising...

Hmp! Hello? Wala na akong aasahan. I can stand on my own. Marunong din ako maging independent.

"Kelly, Hurry up! Pick up the call!" sigaw ni Yumi sa akin noon nang nasa banyo pa ako at naliligo. Nagulat naman ako noong tawagin niya ako. As in OMG nag-aahit pa ako ng kili-kili e, na agad ko namang tinapos kasi may inaantay akong tawag mula sa part-time company na in-apply-an ko but sad to say na bad news not the company but him.

As usual si Leo. Argh!

"He has been calling you this early morning. Nakakaawa naman kasi maaga palang tawag na siya nang tawag." salita ni Anne nang mapakunot noo lang ako.

"Hayaan mo 'yan! Bahala siya!" pangdededma ko.

"Quarrel? Nag-away kayo?" tanong naman ni Anne na umiling-iling naman ako.

RULE KO ANG IBIGIN KA |  COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon