KELLY P.O.V
“KELLY, I AM SORRY!”
Hindi ko alam na si Dylan pala at si Knight Pikachu ay iisa. Pero may kutob na talaga ako noon. Sabi ko na nga bang hindi ako nagkakamali sa sinabi niya noon! Doon pa lamang sa rule niyang mapasaya ako, hindi na nakakaduda para sa akin.
Hindi na rin ako magtataka pa doon dahil simula palang sa umpisa ay parati ng puro mabubuti ang ginagawa niya sa akin.
Umaamin ngayon si Leo sa akin. Humingi siya noon nang tulong sa mga kaibigan ko sa dorm and they said about Pikachu in costume. Mga kaibigan ko talagang iyon.
Na- misinterpret ko pa si Leo.
Hindi naman daw niya sinasadya na mapagkamalan ko siya, na 'yung taong nagpasaya sa akin noong oras nang pangangailangan ko.
Nag-sorry siya muli. Pero agad ko tinanggap iyon ako naman kasi 'yung nagkamali.
Sobrang laki talaga ng utang na loob ko kay Dylan.
Nasabi pa ni Leo, na hindi din siya 'yung taong nagpapadala parati ng packed lunch sa akin noong highschool.
“Bakit ko nga ba daw naisip na sa kaniya galing ang mga iyon?”
May isang beses kasi na sinubukan kong hulihin ang taong nagpapadala sa akin noon nang nasa high school kami hanggang sa si Leo ang nakita ko, kaya siya ang napagkamalan ko na nagdadala niyon.
Ang lahat ay maling akala lang at nain-love ako sa maling tao.
Wala ng ibang gagawa niyon kung hindi si Dylan lamang dahil nasabi nga niyang matagal na niya akong pinagmamasdan noong highschool ako.
Bakit ba kasi ngayon ko lang na-realize ang lahat? Masiyado akong nag-expect sa ibang tao.
Hindi ba alam ni Dylan, kaya ko nagustuhan ang character na si pikachu ay dahil sa customize lunchbox na pinadadala niya?
Doon ako nag-umpisa na nahilig sa character na iyon dahil napapangiti ako sa tuwing nakikita ko iyon.
Hindi ko alam na matagal nang ikaw ang pikachu ng buhay ko.
Nakakainis ka talagang lalake ka. Bakit ka naglihim? Sana maaga palang sinabi mo na ang lahat sa akin.
May sapak ka talaga sa utak e, 'no.
Kung hindi pa nagsabi si Leo, wala akong alam hanggang sa huli. Kaya salamat kay Leo sa pagsasabi niya ng totoo. Halos muntikan na akong maiyak muli noong marinig ko ang mga iyon. Bakit ba sobrang suwerte ko sa iyo Dylan?
Ang dami mo nang nagawa para sa akin. Bakit nga pala umamin si Leo?
“Bakit mo nga ba sinasabi iyan ngayon, Leo?” tanong ko sa kanya atsaka siya ngumiti at dumuko. Gusto niya lang daw na sabihin na ang lahat at maipalam sa akin. Dahil deserve ko iyon.
BINABASA MO ANG
RULE KO ANG IBIGIN KA | COMPLETED
RomanceDon't think of robots as replacements for humans - think of them as things that will help make us better at tackling many of the problems we face. - EOIN TREACY ‡‡‡‡ There was a girl named Kelly Perez a clumsy, childish, pikachu lovers, and a girl w...