RULE 07 : Abort Mission; Dating

71 8 0
                                    

KELLY P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KELLY P.O.V

THIS GUY parati nalang siyang  ganyan. Naiinis na ako sa kanya akala mo may gustong sabihin pero ayan siya ngayon nanginginig at hindi makatingin sa akin. Hinawakan niya 'yung kamay ko at nagulat pa nga ako.

Pero salamat sa kanya sobra talaga akong nabusog sa mga nilibre niyang street food.  Sobrang bait niya talaga at ma-pera. HAHAHA.

Nakakainis lang, itong project kasi hindi naman ako kagalingan mag desenyo, tapos siya itong seryosong nagbabasa lang diyan.

I feel already tired.

“Dylan. Puwede ba matulog na muna tayo? Pagod na pagod na ako e.” Pakiusap ko sa kanya kasi namumugto na 'yung mga mata ko at kanina pa ako hikab nang hikab.

Nagpapa-cute na ako, ngumiti siya sa akin na akala ko talaga papayag siya sabay simangot.

“Nope!”

Huh? Nakakainis talaga itong may sapak na ito.

“Are you a pig? Pagtapos mo kumain matutulog ka na lang?”

Nanlaki 'yung mga mata ko sa sinabi niya saka ko siya tinignan ng masama. E, sa pagod na ako. Ano magagawa mo, gusto ko na matulog!

Tinalasan niya rin ako ng tingin.

“At least, makatapos tayo kahit kalahati manlang. Ano ba?”

Napahingang malalim nalang ako at sinang-ayunan siya. Sabagay. Ano pa bang magagawa ko?

Nakakainis ka Dylan!

Inabot na kami ng alas diyes ng gabi noog sabihin ko sa kanya na halos matatapos na namin 'yung projects, kaya sana makatulog na ako.

Tumigil siya sa ginagawa niya habang nagbabasa pagkatapos inalis na niya 'yung salamin niya, nang mapatango tango siya sa akin at sobrang saya ko noon sabay taas ko ang dalawang kamay ko at tumayo na sa kinauupuan ko para dumiretso sa kuwarto ko

“Oh, ikaw hindi ka ba matutulog?” pagtigil ko, nang sabihan ko iyang si Dylan. Napangiti lamang siya ng slight saka ako napailing- iling.

Ang weird mo talaga, kung hindi lang ganyan kaamo ang mukha mo e.

Kinabukasan nagising ako nang mag-ingay 'yung cellphone ko kasi tumatawag iyang si Leo. Agad ko namang sinagot iyon. Nang niyayaya niya ako na lumabas mamaya pagkatapos ng swimming training niya. Napatili pa ako sa kilig dahil niyayaya niya na ako ngayon na dati ay pinapangarap ko lang ng sobra mula sa kanya.

Hindi ko aakalain ito! Napayakap pa ako sa sarili ko nang mabilis kong hinila ang malaking stuff toys ko na pikachu sabay niyakap ito ng mahigpit.

Natutuwa pa ako nang lumabas ako para kumuha ng tubig mula sa kuwarto ko namay masigla at masayang bungad sa umga. Nang mapahinto ako noong makita si Dylan na nakahiga sa upuan at makita ko na tapos na 'yung project namin.

RULE KO ANG IBIGIN KA |  COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon