RULE 06 : Jealousy

80 8 0
                                    

DYLAN P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DYLAN P.O.V

PAGKATAPOS kong malaman na makikipagkita si Kelly sa Leo na 'yan ay hindi na ako mapakali parang ayaw kung hayaan nalang siya sa lalake na iyon.

Kaya minabilis kong bumaba pero alam ko kung saan siya pupunta. Taktika ko lamang iyon para isipin niyang umuwi talaga ako pero hindi niya alam ay sinusundan ko talaga siya.

Nasa likod niya lang ako sinusundan siya habang palakad siya ngayon papuntang restaurant.

Naupo siya sa labas.

Habang pinagmamasdan ko siya ay nakatago ako mula sa malayo, nang makita ko siyang malungkot at napapaiyak.

Hindi ako puwede magpakita para i-comfort siya pero nagulat nalang ako nang may magpakita sa harapan niya.

“Sino naman kaya siya? How com—”

Naging magiliw si Kelly dito at ang masakit pa ay niyakap niya pa ito ng mahigpit.

Balak ko sanang lumapit at suntukin 'yun e.

Sinubukang habulin ni Kelly 'yung naka- costume na iyon at nalaman ko pa na si Leo siya.

Tila biglang nanikip ang dibdib ko nang makita kong yakapin niya muli si Leo.

Ganito pala ang feeling na makita mo ang taong gusto mo na niyayakap ang taong alam kung gusto niya rin matagal na. Sobrang sakit pala sa dibdib at parang malakas pa sa kuryente na kinukurot ito.

Hindi ko alam na mararamdaman ko ito. Napahawak ako sa mata ko. Naluluha ba ako? Tama ba ito? Wait. Nakadama ba muli ako na umiyak?

Sinubukan kong lumapit sana nang tila hindi ko maigalaw ang katawan ko sa tuwing susubukan kong lumapit sa kanila. May problema ba sa akin?

Nagkakatitigan sila ngayon nang mapatalikod nalang ako sa kanila at hindi ko kayang makita ang ganito.

Masakit lang malaman na may halaga pa ba ako dito? Kailangan ko na ba siyang lisanin kasi masaya na siya ngayon sa lalakeng 'yan?

At hindi ko nalang namamalayan bumuhos na nga ng tuluyan ang mga luha ko.

‘No. Dylan! Hindi kayo diba? You should know what your limit is. Diba nga rule mong mapasaya siya? Bakit ka nalulungkot sa ikakasaya niya?’

Nandito ako para mahalin lang si Kelly at maprotektahan siya, hindi ang tumanggap ng pagmamahal mula sa kanya. Kung alam kong hindi naman niya masusuklian iyon.
Masakit siyempre.

Pero dahil sa sinasabi ko sa sarili ko iyon ay mas lalo lang nagiging weird kung anong nangyayari sa loob ko.

Kung alam mo lang talaga Kelly.

RULE KO ANG IBIGIN KA |  COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon