KELLY P.O.V.
“S-SINO KA? HUWAG MO AKO LALAPITAN!” sambit niya na nakapagpatigil sa akin, nang hindi ko nalang namalayan na may namuong luha na sa mata ko matapos ko marinig mula sa kanya iyon at makita 'yung mga mata niya na ganiyan.
Ngayon lang siya tumingin ng ganyan sa akin na parang hindi ako kilala. Nasaktan talaga ako. Mas masakit ang mga tingin na ibinigay niya kesa ang pagtulak sa akin.
Napatitig pa ako sa kaniya saka niya ini-iwas ang sarili mula sa akin na parang hindi talaga ako makilala.
“D-Dylan?” salita ko nalang.
Nang bigla siyang tumayo para kumuha ng masusuot niya. At sinubukan ko siyang pigilan dahil hindi pa siya maayos ngunit pagkahawak na pagkahawak ko pa lamang sa kaniya ay itinutulak na niya ako palayo.
“Dylan, ano ba ginagawa mo? Tumigil ka!” pagpupumilit ko na hilain siya kahit na ilang beses niya pa akong itulak. Atsaka niya ako hinarap at hinawakan ng mahigpit sa bibig, nang bantaan niya akong kapag hindi ako tumigil sa ginagawa ko ay sasaktan daw niya ako. Pinandilatan niya ako ng mga mata niya ng masama pagkatapos ay nabago 'yung kulay niyon na kulay abo. Ngunit sa pagkakataong ito hindi na bumalik sa normal.
Ako lang ba nakakakita niyon?
Binitawan niya ako atsaka siya bumalik sa ginagawa niya. Nang wala na akong magawa dahil parang hindi siya si Dylan kumilos.
“Dylan!” pagtawag ko muli atsaka niya ako nilingunan sabay inirapan namay ngiting maangas. Nang mabilis siyang naglakad paalis mula sa kuwarto niya, kumuha sa niluto ko na hotdog para kainin at dire-diretsong lumabas ng bahay.
“Dylan!”
Sinundan ko pa siya pero parang bula siya na naglaho. Napatingin pa ako sa kaliwa at kanang bahagi ng daan ngunit nawala na talaga siya ng tuluyan.
Bumalik akong iniisip kung saan ba talaga siya galing at naging ganoon siya kumilos at makitungo? Halos maluha nalang ako sa mga ipinakita niya sa akin.
Si Dylan pa ba siya?
Para kasing hindi na.
---
BUMALIK siya pero gabing-gabi na at nangangamoy sa suot niyang jacket 'yung amoy ng alak at pabango. Sa mga kinikilos palang niya talagang magda-dalawang isip ka.
Hindi naman talaga siya ganyan a?Pati 'yung pananamit niya hindi din ganiyan?
Lumapit ako sa kaniya para salubungin siya subalit gaya nga ng inaasahan ay hindi niya ako pinansin, tumingin siya nang nakakunot noo pero patuloy lang siyang pumasok sa kuwarto niya.
Kinabukasan ay ganoon din ang naging tagpo namin at kilos niya umalis lamang siya na hindi ako pinapansin ngunit sinundan ko narin siya. Nang makita ko siya sa waiting shed at nakaupo doon.
BINABASA MO ANG
RULE KO ANG IBIGIN KA | COMPLETED
RomanceDon't think of robots as replacements for humans - think of them as things that will help make us better at tackling many of the problems we face. - EOIN TREACY ‡‡‡‡ There was a girl named Kelly Perez a clumsy, childish, pikachu lovers, and a girl w...