KELLY P.O.V------------------------
PRESENT
---------------------"Kelly! Wake up! Gising ka na!" mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nabulabog ako nang mga pang-gigising. Ang ingay naman. Tumayo naman ako saka bumaba sa itaas ng double bed na kinahihigaan ko. Pero before that ni-kiss ko muna iyong mga mahal na mahal kong pikachu.
Yes! Matatawag na adik ako sa pikachu. Paano ang cute naman kasi ng character na iyon sa Pokemon. Oo nga pala? By the way!
I am Kelly Perez, 19 years old.
And this is my first day on SCU.
Maaga ako ginising ng mga friend ko na roommates ko narin na sina Yumi Hanari — exchange student fom Japan at fluid narin siya sa pagtatagalog, maganda siya, maputi, at chinita. Siyempre at close kami sa lahat ng mga bagay siya narin ang bff ko.
Anne Fernandez — kahit medyo maitim 'yan maganda iyan. Black beauty ng SCU! Galing kasi sa probinsya at siya ang nagsisilbing ingay namin sa dorm para gumising ng umaga. Probinsya girl e. Matalino si Anne at siyempre kaibigan ko din siya. Sa kanya pala galing ang nakakabulabog na pang-gigising kanina.
At last si Neyomi — ang babaeng hindi namin alam kung kasama pa ba namin sa dorm? Kasi naman nakikisama nga siya pero kung hindi naman kakausapin hindi sasagot, isama narin nating friend ko din.
Nakatingin ako sa kanila ngayon habang nakaligo na sila at tinatapos nalang ang pagkain sa lamesa. Ako na lamang ang hindi nakapag-prepare. Pare-pareho kami nag-aaral pa pero magkakaiba-iba 'yung course na kinuha namin. At kaming apat ay nag-aaral sa SCU.
"Oy! Ano pa ginagawa mo?" salita ni Anne. Hindi talaga kami nabibigo sa bibig niya dahil kung wala 'yan? Hindi ko na alam baka parati nalang akong nale-late.
Mabilis na akong naghilamos at hindi na naligo pa saka ako pumunta sa lamesa para kainin 'yung noodles na niluto nila para sa akin.
"Hindi ka naligo?!" tanong ni Yumi
"Uh-umm..." ungol ko naman saka ako nagulat noong hampasin niya 'yung lamesa.
"Hala ka? Kadiri ka naman! Ewwww... YUCK!" palahaw niya sa akin may patakip-takip pa siya ng ilong. 'yung sinabi ko na close kami sa lahat ng bagay kanina? Binabawi ko na.
Napakunot ang noo ko. "Grabe ka naman sa akin. Mabango naman ako 'no! Kadiri talaga?" sabi ko naman sa kanya. Tinatamad lang talaga ako dahil malamig ang tubig.
BINABASA MO ANG
RULE KO ANG IBIGIN KA | COMPLETED
Storie d'amoreDon't think of robots as replacements for humans - think of them as things that will help make us better at tackling many of the problems we face. - EOIN TREACY ‡‡‡‡ There was a girl named Kelly Perez a clumsy, childish, pikachu lovers, and a girl w...