KELLY P.O.V
“SINO KA?!” may panginginig sa buong katawan kong itinanong.
Mula sa malalakas na pagsabog, tunog ng mga kuryenteng naputol mula sa poste, ingay ng nga kotseng nagwawala dahil sa lagabog na nangyari at pagtatalsikan ng mga apoy na nanggagaling sa hibla ng electric wire ay palapit ang isang lalake na pamilyar ang kawangisan saakin na nagmula sa madilim na bahagi. Atiyaka unti-unting lumilinaw ang lahat.
Gulat na gulat ako nang mapatingin sa kanya.
“Dylan?”
Kulay abok o gray na mga mata ang nakikita ko sa kanya ngayon para siyang hindi si Dylan para sa akin, kaya napaatras ako ng nakaupo sa takot sa kaniya.
“H-huwag kang lumapit, huwag ka lalapit!” sambit ko namay pagtatanong sa mata kung anong klase siya o ano ba siya? Si Dylan pa ba siya? Totoo ba 'yung mga nakita ko?
“Kelly, huwag ka sana matatakot.” Sambit niya pa nang tila bumalik sa normal na kulay ang kaniyang mga mata at napatingin pa siya sa wrist watch na alam ko na ngayon kung bakit parati siyang may suot na ganoon, nakita ko na doon nanggagaling 'yung energy niya.
“Dylan, are you human?” tanong ko pa saka niya inihakbang ang kaniyang mga paa habang sinasabi ang lahat ng katotohanan sa kaniyang pagkatao.
Naniniwala ka ba sa mga bagay na hindi mo aakalaing possibling mangyari o pangyayari na pawang impossible?
Maniniwala ka ba sa isang taong biglang makakatagpo mo nalang at iniisip na ikaw ang kanyang asawa, paano kung may higit pa na hirap paniwalaan sa kanya?
“Isa akong android and intelligence cyborg robot na nanggaling sa hinaharap papunta dito sa kasalukuyan. Ikaw ang siyang gumawa sa akin bilang asawa mo.”
Magugulat ba ako o matatawa sa mga kabaliwang sinasabi niya ngayon?
“Pumunta ako dito para sayo— Zero Zero One Zero Nine, Dylan type III.” Dagdag pa niya na salita.
Ang future husband ko ay half human and half android robot so hes a cyborg?
Hindi parin ako makapaniwala, ang hirap lang kasi talaga paniwalaan ang mga sinasabi niya, para na akong mababaliw at tila naguguluhan ako sa lahat.
Ang isip niya ay umaayon sa rule na nasa virtual system niya, ginagawa ang mga sweet na bagay na hindi mo na alam ang gagawin.
Kaya naman pala siya ganoon nalang kung itrato, ako dahil ang lahat ay nasa virtual system lang niya.
Nakatingin siya sa akin ngayon at nanlalaki naman ang mga mata ko sa gulat kung saan siya nanggaling at maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya o nang aasar na naman siya? Baliw ka Dylan!
BINABASA MO ANG
RULE KO ANG IBIGIN KA | COMPLETED
RomanceDon't think of robots as replacements for humans - think of them as things that will help make us better at tackling many of the problems we face. - EOIN TREACY ‡‡‡‡ There was a girl named Kelly Perez a clumsy, childish, pikachu lovers, and a girl w...