RULE 16: Love the way you are

47 8 0
                                    

KELLY P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KELLY P.O.V.

HANGGANG NGAYON hindi parin ako makapaniwala na nagbalik kana, Dylan.” Sambit ko sa kaniya ngayon habang kaharap ko siya sa lamesa.

Ngumiti siya na sobra ko talagang na- miss.

“Pahawak nga sa iyo?” kinurot ko siya sa pisngi si Dylan at titig lang ako sa kanya ngayon habang kumakain siya.

Napatingin naman siya sa akin.
Tingin na may pagtataka.

"Bakit ba parati mong nilalapirot 'yung pisngi ko?” naiirita niyang tanong.

Natawa ako sa kaniya. “Wala! Siyempre ang cute mo e. Sana aware ka na mukha kang baby. Baby ko. Ska na- miss lang talaga kita 'no!”

“Na-miss din kita.”

Nahihiyang ngumiti siya dahil sa kilig sa papuri ko sa kanya atsaka ako namula sa mga ngiti niyang iyan. Parang ang laki ng epekto niyon sa akin. “Huwag ka naman ganyan ngumiti sa akin. Mas lalo akong nai-inlove sa iyo e.” Pagsaway ko.

“E, ano ba gusto mo. Mag-sungit ulit ako?”

“Ay iyan ang huwag mo ng gagawin. Please, Dylan.”

Atsaka ako napakibit-balikat tapos natawa pa siya. Hinawakan niya ako sa kamay. “Huwag ka mag-alala kahit pa na mawala ulit ako sa katinuan maaalala at maaalala parin kita.”

“Tsk!”

Hinampas ko siya sa balikat.

“Kahit pa!”

Napangiti siya muli.

Matapos niya kumain sinundan ko pa siya sa kusina para yakapin mula sa likuran.

“B-bakit? May problema ba?” tanong niya saka ko naman sinabi na wala, gusto ko lang siya yakapin ng mahigpit.

Hindi ko talaga matiis na hindi gawin iyon dahil sa mga nangyari sa amin nitong mga araw.

Kulang ang salitang miss na miss ko siya ng sobra sa nararamdaman ko ngayon. Kaya naman napahigpit pa ako ng yakap at sinabing gustong gusto ko siya kahit ano pa man siya.

I love the way you are. Kahit pa na robot ka o vampire ka, o kahit ano ka pa!

Kinuha niya ang mga kamay ko saka siya humarap sa akin nang ilagay niya ang mga labi niya sa noo ko. Nang atsaka niya ako binuhat at dinala sa lamesa. Natigilan pa nga ako sa ginawa niyang ito. Sabay inilagay niya ang baba niya sa balikat ko at niyakap ako ng mahigpit.

“Salamat Kelly!” ngumiti siya tapos mabilis na niyakap ko din siya at tinapik- tapik sa likod ng mahina.

Sobrang saya talaga sa pakiramdam. Ito 'yung tipong hindi ko na muli mahihintay ang kinabukasan ng umaga.

Gusto ko na siya makasama agad.

Mayakap lang siya 'yung tipong ganoon.

Simula kasi noong nangyari iyong muntikan niyang pagkawala sa akin, natatakot na ako.

RULE KO ANG IBIGIN KA |  COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon