Chapter 4

420 8 0
                                    

Chapter 4

Book

Simula ng malaman nung apat na may crush ako hindi na nila ako tinatanan ng mga tanong na kesho gwapo daw ba? Ano daw ang pangalan dahil kailangan ng maimbistigahan. Gaano daw ba kagwapo ang taong yun dahil pumasa sa standards ng isang Lyrea Venice Ortega. My God.

Makarinig lang ng gwapo aakalain mong bulate silang binudburan ng asin dahil nagiging active ang mga lola niyo. Maimbistigahan? Ano sila SOCO? At ano raw? Standards? aray ko po. Napapaisip tuloy ako kung masyado ba akong self centered dahil nabanggit na ang standards.

At ito pa, natawag akong tanga at bobo dahil hindi ko alam ang pangalan ng crush ko! Paano kong malalaman eh minsan pa lang kaming nagtagpo ni chocolate guy. Nahihiya naman akong magtanong sa mga kakilala ko dahil baka matismis pa ako.

"Kahit na! Napakahina mo naman! Once na nagkaroon ka ng crush, ang pinakauna mong dapat alamin ang pangalan! Ano ba naman yan Lyrea! Nadidisappoint kami. Tsk tsk",

Yan lang naman ang sinabi nila. Napaka bait diba? Mga tunay na kaibigan ang mga yan. Note the sarcasm please.

Mejo napaaga ang pasok ko sa school kaya napagpasyahan ko munang tumambay. 8:30 ang start ng class at napaaga ako ng isa't kalahating oras. Naglakad lakad ako at naghanap ng matatambayan.

Maaga pa kaya siguro konti pa lang ang mga estudyanteng nakikita ko. Napadpad ako sa soccer field ng school at sa gilid nun ay may mga malalaking puno kaya dun ako nagpunta para tumambay. Napili kong tambayan ang puno ng mahogany. Hindi naman kalakihan ang puno pero sapat na para may maupuan ako at pwedeng pwede rin akong matulog rito.

"Ayos dito ah, makapagdala nga ng kumot, banig at unan." umupo ako at sumandal sa puno. Wow. Relaxing.

Naglabas ako ng libro at nag-umpisa ng magbasa. Makalipas ang ilang minuto ng pagbabasa ay makaramdam ako ng antok. *yawn* napahikab ako ng bongga at saka ako nag unat. Ibinaba ko ang libro at nahiga. Ginamit kong unan ang bagpack ko. Makalipas ang tatlong minuto nawala na ko sa mundong earth.

Gumalaw ako ng bahagya ng may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Tinatamad akong magmulat  kaya itinuloy ko ang pagtulog.

"Shit!",

Dahan dahan akong nagmulat ng mata ng may marinig akong nagmura. Pupungas pungas pa ako ng marealize  kong may humawak sa pisngi ko at may nagsalita. Agad akong napatayo ng may nanlalaking mata at agad na hinanap ang taong yun sa paligid.

"Hmm? Wala namang tao?" agad kong tinignan ang bag ko dahil baka magnanakaw iyon at ninakaw niya ang mga gamit ko habang mahimbing akong natutulog.

Napahinga ako ng maluwag ng makitang wala naman akong nawalang gamit. Kung ganun? sino yung nagsalita at humaplos sa pisngi ko? Muli akong luminga linga sa paligid dahil baka nagtatago lang siya pero wala naman akong nakikita.

Mabilis akong napatayo at kinilabutan ng may pumasok na konklusyon sa utak ko.
"Hindi kaya?m-multo?" Natatakot kong bulong at halos nanginginig akong lumingon sa paligid.

"Oh shit!", agad kong dinampot ang bag ko at kumaripas ng takbo.

Naglalakad ako sa hallway ng mapadaan ako sa isa sa mga nakapaskil na bulletin boards ng school. Bulletin ng basketball team ang Peterson Warriors. Isa isa kong tinignan ang mga pictures. Ilang taon na rin pa lang naiuuwi ng Peterson Warriors ang golden cup.

At infairness ah? Mga oppa ang varsity ng basketball team. Napangisi ako habang tinitignan ang mga pictures. Matatangkad at mga pogi ang mga players. Makanuod nga minsan. Habang iniisa isa ang mga pictures, natigil ako sa isang litrato. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaking matagal ko ng hinahanap! Ang oppa ko! Dito lang pala kita matatagpuan!

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon