Chapter 22

355 8 0
                                    

Chapter 22

Buhay may boyfriend

I still can't believe na boyfriend ko na siya. Nakaupo ako sa isa sa mga table sa cafeteria habang pinapanood si Gio na bumibili ng pagkain sa counter. Nagulat nga ako kasi mahaba ang pila bago siya magpunta roon, pero naglalakad pa lang siya unti unti ng nahahawi ang pila at pinasingit nila si Gio para una siyang makabili. Hindi lang pala ako ang naiintimidate sa aura niya.

He's wearing his usual attire which is jeans, white V-neck and white shoes. Tindig pa lang panalo na. Tsk. Boyfriend ko yan! Bwahaha

Pero dahil nasobrahan sa kagwapuhan si Gio hindi maiiwasan ang mga higad at lintang gustong dumikit na nakapaligid sa kanya. Gusto kong mag amok. Pero hindi naman pwede dahil lagi namang nangyayari yan, hindi naman pwedeng oras oras o minu minuto akong mag amok diba? Dahil oras oras at minu minuto ring nakaabang ang mga punyetang mga higad na yan.

Pero syempre, boyfriend ko na siya. They have no say on that. Sorry sila dahil hanggang tingin na lang sila, while me.... can hold him, hug him, even kiss him if I want or you can say that I have the full access and authority in him. Duh?! Back off bitches! I am bitchier and prettier 10 times than all of you! Ako ang girlfriend! Hanggang fan girl na lang kayo. Bwahahaha

Lahat ng galaw niya pinapanood ko, kaya napansin ko rin na pati ang cashier ay may kakaibang tingin sa kanya. Errrr. The heck. Maaga akong tatanda at mamatay sa konsomisyon nito. Is this the price of having Gio as my boyfriend? Nakakastress ah? Pero okay lang, as long as faithful sa akin si Gio.

Naglalakad na siya pabalik dito habang bitbit ang inorder niyang pagkain namin. Seryoso siya habang naglalakad at ni hindi man lang napapansin ang mga matang nakatuon sa kanya. O sadyang sanay na siya kaya parang wala na siyang pakialam. Siguro sanay na, sa itsura niya ba namang yan?

Kinindatan niya ako ng malapit na siya sa table. Inaamin ko na kinilig ako dun pero para maitago ang hiya, pabiro ko siyang inirapan. Tumatawa siya ng naupo. Nakasimangot ko siyang tignan.

"Tuwang tuwa ka talagang binibwisit ako no?" buryong na sabi ko.

"Co'z your so cute." nakangiting sabi niya at saka pinindot ang pisngi ko. Inis akong umilag sa kanya. Naiiling siyang tumawa at inarrange na ang mga pagkain na binili niya.

"What's your plan for tommorow?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain. Sumubo ako ng karne bago tumingin sa kanya.

"Ewan....." I shrugged.

"Wala ka bang projects or any activities for school tom?" tanong niya.

"Wala naman, tinapos ko na lahat ng projects and assignments ko kagabi para sa saturday free na ako. Nakakatamad naman kung pati saturday macoconsume ng oras ko sa school." I said bago sumubo ulit.

Napatango tango siya. "That's good to hear. Labas tayo bukas." sabi niya bago uminom ng juice. Napaupo ako ng tuwid saka tumingin ng deretso sa kanya. Sounds exciting!

"Really? Where?" I asked excitedly. He smiled. Parang satisfied sa nakitang reaksyon ko.

"Since its our first weekend and saturday as a couple, lets do what usually couples do." nakangiting sabi niya. Napangiti ako. Sentimental rin pala siya?

"Like what?" I asked.

He shrugged while looking at his food. "Date? Watch movie, eat in restaurants and pasyal lang." he said then he looked at me. Awww.. That sounds so exciting and sweet! Ngayon lang ata ako hindi maboboring tuwing weekend. So this is a buhay my boyfriend feels huh?

"Sige! Sana walang assignment at project sa last subject mamaya! Friday pa man din. Sana wala." I hissed. He chuckled.

"Kung meron man, edi tutulungan kita bago tayo magdate." he said.

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon