Chapter 15

266 5 0
                                    

Chapter 15

Move on

Pagkarating ko sa bahay agad akong sumalampak sa kama ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa malambot na unan. Sa kina Andra dapat kami ngayon para magover night pero mas pinili ko na lang na umuwi.

Lanya.

Humarap ako sa kisame. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko kasi kanina ko pang gustong sumigaw dahil hindi mawala wala sa isip ko ang kahihiyang ginawa ko kanina. Wrong move Lyrea. Wrong move.

"I-I like you", lakas loob na pag-amin ko. Tinitigan lang niya ako ng parang sinabi ko lang na makikigamit ako ng banyo. Shet naman.

Wala pa rin siyang reaksyon at nakatitig lang sa akin. Nanatili pa rin akong nakahawak sa kamay niya. Ang sarap  hawakan eh. Hihi

Damn. Ni wala man lang siyang reaksyon. Bakit nakatitig lang siya, habang tumatagal nakoconcious ako sa pagtitig niya. Pakiramdam ko may mali.

Kumaway ako sa tapat ng mukha niya. "Hello? Gising ka pa?" natauhan siya sa ginawa ko at agad niyang hinila ang hawak kong kamay niya. Napalunok ako. Wala talaga. Tanggapin mo na Lyrea Venice.

Hindi pa rin siya nagsasalita. I sighed. Nginitian ko siya ng matamis, sana hindi halatang peke yon.

"Okay lang kung hindi mo sagutin. Hindi naman ako nanghihingi ng sagot. Ang mahalaga nasabi ko na. Amh. Yun lang." ngumiti ulit ako na parang walang nangyari. At siya naman seryoso pa rin. Hindi ata nagustuhan ang pag-amin ko. Ano ba yan?

"Gio..... magsalita ka naman. Kinakabahan na ako sayo eh."
nag-iwas siya ng tingin at tumalikod sa akin. Akala ko maglalakad na siya paalis pero tumalikod lang siya.
Nakonsensya tuloy ako. Dapat ata hindi na ako umamin?

I heard him sighed. "Let's go. Ihahatid kita sa Resto Bar." yung lang ang sinabi niya at naglakad na palabas ng unit niya. Tahimik akong sumunod sa kanya. Pero kung gaano ako katahimik ganun kalakas ang tibok ng puso ko. Ang sakit nun ah. Yung iba nafri-friend zone, ako? Na-seen zone. Putspa.

Hindi niya ako pinagbuksan ng pinto sa fornt seat. Pinatunog lang niya ang sasakyan niya at pumasok na sa loob. Kaya syempre hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako at sumakay na lang din. Tahimik lang siya at nakatitig lang sa daan. Ni hindi man lang siya sumusulyap sa akin. Samantalang ako panay ang sulyap sa kanya.

Okay lang yan Lyrea. Its your first heartbreak. Sa wakas! Tao ka na! Pero hanep, mas gusto kong matawag na abnormal dahil wala pang heartbreak kesa sa ganito na parang tinatarakan ng kung anung punyal ang puso ko. Ganito rin pala pag may crush ano? Nagiging cheesy.

15 minutes lang ang byahe pero parang umabot iyon ng one hour. Ang tahimik kasi ng kasama ko. Ramdam na ramdam ko pa ang lamig ng turing niya sa akin. Well, I think its better. Kahit na masakit atleast alam ko kung saan ako dapat lumugar. Kapag close kami feeling ko may karapatan ako para controlin siya. I know its wrong but I just can't stop myself from doing so. So, I gues its better then.

Gumulong gulong ako sa kama dahil sa kahihiyan. Hindi naman siya nagalit at wala naman siyang reaksyon pero grabe ang impact sa akin! Fuck!

Tumayo na lang ako at dumeretso na sa CR para maligo. Syempre may nainom ako kanina, mahirap na baka maamoy pa ni Mother.

Lumipas ang ilang linggo na wala kaming communication ni Gio. As in wala. I think its been a month not weeks. Malungkot ako na nagkaganon ang relasyon namin pero tingin ko mas okay na ito. Unti unti na akong bumabalik sa dati. Yung walang iniintinding lalaki, puro pag-aaral at susuotin lang kinakabukasan ang pinoproblema.

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon