Chapter 9

300 5 0
                                    

Chapter 9

Almost a catfight

"H-Hey..... Im sorry. Nadala lang ako", masuyong sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ko at dahan dahan niya akong hinila palapit sa kanya. Shit talaga. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya.

Nagpatianod ako sa paghila niya habang pinipigilan ko ng bongga ang pag iyak ko. Wag kang iiyak Lyrea. Wag kang iiyak!

"Lyrea.. Pansinin mo 'ko.. Please baby?", masuyong sabi niya. Teka?-- Baby? Ano raw?

Lumingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo dahil sa itinawag niya sa akin. Gago ba 'to? Baby raw.. Hihi. Kinikilig ako-- Hindi ka dapat kiligin! Kaaway siya!Kaaway!

"Let's talk please.. let's stop shouting.. Wag ganito.. We won't solve anything if we continue fighting.", pagsusumamo niya sa akin. Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha. Malungkot ang mga mata niya at tila nagmamakaawa ito na makinig ako sa kanya.

Kumikirot ang puso ko habang pinagmamasdan siyang ganoon. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kaniya. Sa expression kasi ng mukha niya ay para siyang nasasaktan at naguguluhan. Gusto kong haplusin ang pisngi niya at mag sorry dahil sa nagawa ko.

Pero shit naman.

Nahi hypnotize na naman ako.

Hindi dapat ganito. Diba magmo move on na ko? Kaya bakit nagpapadala pa din sa charms niya? At ano ba talagang kailangan niya sa akin para lituhin ako ng ganito. Babaero siya. Kaya siguro natural lang na ganito ang techniques niya para mapasunod ang mga babae. Iba din talaga eh no?

"Just... let me go. I don't have time for this", mahinahon kong sinabi at kinalas na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Na agad din naman niyang binawi.

"No. Let's talk please. Nahihirapan na kasi ako. Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano bang nagawa kong kasalanan para hindi mo ako pansinin ng halos isang linggo. Have I done something wrong? Did I say something na hindi mo nagustuhan? Please baby.. I want to know why..", tinitigan niya ako sa mata ng walang pinagbago sa expression.
" Kung bakit mo ako iniiwasan", yumuko siya ng binanggit ang huli niyang sinabi. He looked hurt.

Nasasaktan akong makita siyang ganito. Pero mas nassaktan akong isipin na baka nachachallenge lang siya sa akin. Kaya niya ginagawa ito.

Malinaw na sa akin ngayon kung bakit ganito ang inaakto niya. Hindi pa ako nagkakaboyfriend pero hindi ako tanga. He likes me. Sa mga sinasabi at ikinikilos niya pa lang halata na. Lalong lalo na sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Gustong gisto ko ng sunggaban ang opportunity na ito pero hindi dapat.

I sighed.

"Wala kang ginawa, okay? Busy lang talaga ako ngayon kaya hindi kita napapansin. Pero.... sinadya ko rin yun.", nahihiyang pag amin ko kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. Parang naliwanagan ang mukha niya pero agad ding lumungkot dahil sa huling sinabi ko.

"Why are you avoiding me then?", Malungkot na tanong niya. Natameme ako. Natahimik. At hindi na alam kung paano pang magpapaliwanag.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na
' Iniiwasan kita kasi gusto kita. Naiinis ako kasi jerk ka at alam kong hindi mo ko magugustuhan at hindi ko naman ineexpect na baka nagugustuhan mo na nga ako'  So dumb right?

Kaya in the end. Natameme pa rin ako.

"Why? Just tell me. Wag kang matakot. Hindi ako magagalit. I just want to know why", malungkot pa ring tanong niya kaya lalo akong inusig ng konsensya ko.

"A-Amh. K-Kasi......", hindi ko maituloy ang sasabihin ko kasi hindi ko naman pwedeng sabihin yung dahilan! I'd rather die than tell it.

"Kasi???", pag-ulit niya sa sinabi ko.

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon