Chapter 14

269 5 0
                                    

Chapter 14

I like you

"Get in or else... ako mismo ang magsasakay sa iyo", banta niya na ikinakaba ko. Hindi ito ang panahon para matakot. Im in a middle of a war.

"Sabi ng ayoko! Ano bang hindi mo maintindihan don, huh?!", sigaw ko. Binitawan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. Ngunit hindi pa ako nakakabawi ng bigla akong umangat sa ere dahil sinikop niya ako mula sa kinatatayuan ko!

"Let me go!!Ibaba mo ko!", sigaw ko at pinaghahampas siya pero hindi siya natinang. Isinakay niya ako sa sasakyan at walang kahirap hirap na sinikop ang magkabilang kamay ko gamit ang isang kamay. Habang ang isa naman at ginamit niya sa pagkabit ng seatbelt sa akin.

Natahimik ako ng mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Nagwala ang puso ko na animong lalabas ito kasama ang lungs ko. Amoy na amoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at natural na amoy niyang nakakaadik. Kahit na magdamag ko siyang singhutin ay hindi ako magsasawa.

Pigil hininga akong nakatitig sa kaniya. Kung gwapo na siya tuwing magkaharap kami, mas gwapo siya ngayong nasa malapit. Malinaw kong nakikita ang perpekto at matangos niyang ilong, ang pilikmata niyang makurba, ang kilay niyang tama ang kapal, ang mata niyang brown at ang mapula at makurba niyang labi.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang labi. Kumirot ang puso ko ng maalalang nahalikan siya ni Trina kanina at mas higit pa ang ginawa nila noong hindi pa sila naghihiwalay. Uminit ang sulok ng aking mga mata dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.

Lumingon siya sa akin na halos ikalaglag ng puso ko. Our gaze met na dahilan ng lalong pagwawala ng puso ko. Natutunaw ako. Kumikirot at parang pinipiga ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan, kung dahil ba ito sa saya o sa sakit? I don't know. I can't figure it out.

Masuyo niya akong tinitigan. Gusto kong haplusin ang mukha niya. Nangingilabot ako dahil sa titig niya. Hindi dahil sa pandidiri kundi dahil sa sobrang amusement. Napakaganda ng kanyang mga mata na kung tumitig ay para akong nawawala sa realidad. Bumaba ang tingin niya sa aking labi na dahilan ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Is he....  going to kiss me?

Agad siyang umiwas ng tingin at tila hirap na napalunok. Mabilis siyang lumabas at isinara ang pinto ng sasakyan. Nakahawak ako ng mahigpit sa seatbelt at parang ngayon lang ako nakahinga. I sighed heavily. Umikot siya sasakyan at mabilis na sumakay sa driver's sit.

Tulala pa rin ako at mahigpit na nakahawak sa manibela. Saka lang ako natauhan ng marinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pinaandar niya ang sasakyan at mabilis na kinabig ang manibela paalis.

"S-San mo ko dadalhin?", kinakabahang tanong ko. Shit!
Hindi niya ako pinansin at parang galit na galit na nakatingin lamang sa daan.

"H-Hoy... Uuwi na ko. San mo ba ako dadalhin?", mas mahinahon ko ng tanong pero hindi niya pa rin ako pinansin. Walang pinagbago ang ekspresyon niya.

"Gio! Pansinin mo ko!", Singhal ko sa kaniya. Tinapunan niya ako ng masamang tingin na parang may nagawa akong malaking kasalanan sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang nagsumiksik sa gilid. Nakakatakot ang tingin niya.

Tumagal ng 15 minutes ang byahe. Sa buong byaheng iyon ay nanatili lamang akong tahimik dahil pakiramdam ko pag nagsalita pa ulit ako ay mahahatulan na ako ng kamatayan.

Halos mamatay ako sa kaba dahil sa itsura ng kasama ko. Para siyang galit na galit at parang bigla na lang sasabog. Kaya sa 15 minutes na byaheng iyon ay para akong pinapatay sa kaba.

Pumasok kami sa isang may kalakihang building. Nagpark siya sa basement na parking lot ata. Kinalas niya ang seatbealts niya at bumaba ng sasakyan. Humigpit ang hawak ko sa seatbelt ko. Umikot siya sa sasakyan para pagbuksan ako.

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon