Chapter 20

307 6 0
                                    

Chapter 20

Can I court you?

"Kyaaah!! Nag date kayo?! Nagdate kayo ni Gio? Bwahahaha" parang binudburan ng asin si Andra ng ikinwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.

Hinampas ko siya ng libro sa braso pero ang gaga tuloy pa rin sa mga kagagahan niya. Napailing ako.

"Oh my god!I can't believe it!" pinilit niyang kalmahin ang sarili niya pero hindi niya kaya. Napapatalon pa rin siya sa kinauupuan niya at naghahypervantilate pa rin.

"Tss. Hindi ko alam na date pala yun. Akala ko inaya lang niya akong gumala tapos ang sabi niya date pala yun." mejo kinikilig na sabi ko. Ang laki pa rin ng ngiti ng gaga.

"Im so proud of you! Dapat nalaman na to ng squad para hindi ko sinasarili ang kilig!My gosh!"

"Hoy! Wag mong iexxage yang kwento mo ah?" banta ko sa kanya. Mahirap na, iba pa man din magkwento to. Tuwing magkwkwento nadagdagan ang mga detalye eh, dakilang tsismosa kasi.

"Ofcourse not! Grabe ka sakin ah? I maybe a chismosa but im a chismosang may class. Duh?!" maarteng sabi niya sabay irap na inismiran at nginiwian ko lang. Reyna talaga ng kaartehan tong babaitang ito.

Pero hindi nagtagal bukang bibig na naman niya ang 'date' daw namin ni Gio. Inunahan ko pa daw sina Sam na mas malandi sa akin ayon sa kanya. Huh. Isusumbong kita.

"What's the catch girls! Ano na?! Dali na magkwento na kayo!" excited na bungad ni Bea ng makapasok sa kwarto ni Andra.

Nandito pala kami sa kanila Andra ngayon para magsleep over. Nabalitaan kasi nila na nagdate kami ni Gio. Kaya dapat daw ikwento ko ang buong detalye na nauwi na sa usaping sleep over kaya heto at nandito kami ngayon. Tutal wala rin ang kuya niya kaya pwedeng pwede naming bulabugin ang buong mansyon nila. Bwahaha

"Wohoo! I really love slumber parties!!" maligayang sabi ni Lia habang nakadipa ang mga braso.

"Yeah!"

"Whoo!"

"Party!!" sigaw ko saka laklak ng Macallan.

Nagkakatuwaan na kaming lima sa theatre room nila Andra. Mejo kakaiba ang slumber party namin dahim imbes na paggawa ng girly stuff ang gawin namin, nagpapakalasing kaming lahat na para bang wala ng bukas.

Many kinds of expensive drinks are place on the coffe table. Nababaliw na rin kaming lima sa pagkanta. Nagmistulang karaoke bar ang buong kwarto. May neon lights rin na lalong nagpalakas ng feels na nasa isang club kami.

I was busy thinking 'bout boys~~

Boys~~ Boys~~~

Ako na ang nakahawak ng mic. Habang kumakanta sumasayaw rin ako, at dahil mejo sensual at may pagkaseductive ang kanta seductive rin ang bawat galaw ko.

Nakita ko pang nagvivideo si Sam at Bea habang tuwang tuwa sa pinaggaga gawa ko. Alam kong malakas na ang tama ko dahil wala na ako sa katinuan. Bahagya ko pang inaangat ang top ko dahil nakakaramdam na talaga ako init dahil sa alak. Sigawan ng mga lukaret kong kaibigan ang naririnig ko at di kalaunan sumali na sa akin at nakisayaw na rin.

"Urgh!!" fuck! ang sakit ng ulo ko.

Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Naalimpungatan ako dahil sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pero sheyt. Ang sakit talaga ng ulo ko.

Nang imulat ko ang mga mata ko, bumungad sa akin ang magulong itsura namin sa kwarto ni Andra. Nakasalampak kaming lima sa king size bed niya at may kanya kanyang pwesto. Nasa gitna nila akong lima, si Sam sa pinakagilid na isang gulong na lang lalagapak na sa sahig. Si Lia na nasa tabi niya at nakatapat sa mukha ang paa ni Sam dahil baliktad siya ng higa. Si Andra na sabog ang buhok na nasa pikagilid rin at si Bea na nasandag ang paa sa akin. Padarag kong itinulak ang paa niya at agad tumayo para maakalis doon.

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon