Chapter 3

557 9 2
                                    

Chapter 3

Crush

Matapos kong magbayad sa counter ay agad na kong bumalik sa table namin dahil kung hindi baka mahimatay na ko dun. Dumating na din yung apat kaya kahit papano mejo kumalma na ko.

Nagkukwentuhan kami about sa first day of school sa kung anong nangyari sa first class at tungkol sa mga professor pero syempre, hindi mawawala sa kwentuhan ang mga 'pogi' daw.

"Oh my God girls! I love this school! kahit saan ako lumingon may pogi." balita ng malanding si Bea sabay hagikgik.

"Truenes girl! Feeling ko hindi ata ako maboboring sa school na to. Lalo sa section namin grabe! napapalibutan ako ng gwapo! Hakhak", sabi ni Sam na parang nababaliw na. Napailing na lang ako.
Malala na talaga ang mga ito.

"Hoy Lyrea, kanina ka pa tahimik? hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo. Okay ka lang?", tanong ni Andra.
Buntong hininga ang isinagot ko sa kanya at saka ko nilantakan ang pancit malabon na parang wala ng bukas.

"Halla?! Parang isang linggo kang hindi kumain ah?", namamanghang ani Bea pero hindi ko na lang pinansin.

Padarag kong ibinaba ang tinidor ko kaya napapitlag yung apat. Isa isa ko silang tinignan na parang ang laki laki ng problema ko. Lahat naman sila  nagtatakang nakatingin. Nginuya ko nang mabilis ang pagkain sa bibig ko at mabilis na linunok saka ko nilaklak ang mineral water.

"Lyrea? are you sure your okay?", nag-aalangang tanong ni Lia at nagpalipat lipat ang tingin niya sa mineral water na nilaklak ko at sa akin na hinihingal dahil sa pag-inom.

"Naiinis ako!", pagmamaktol ko.

"Nasisiraan ka na naman ng bait. What is it? spill", Bea said then she crossed her arms.

"Ano kasi-", nagaalangang sabi ko. Ano bang nangyayari sakin? Simula nung nakita ko si Chocolate Guy nagkaganito na ko.

"What?", nawawalan ng pasensyang tanong ni Andra.

"Ano--amm--kasi k-kanina-",

Mataman silang nakatitig sa akin habang naghihintay sa sasabihin ko. But I can't tell them. I don't know why but I just can't freaking tell them!

"Agh! Never mind", sabi ko at hinawi kamay ko as sign of dissmisal.

Tumaas ang kilay ng apat at nagtataka silang nagtinginan. Oh Fuck! that eye contact.

"Hmmmm.... did something happen?", Andra asked suspiciously.

"W-Wala. Im just-", natigil ako at nag iisip ng ipapalusot. Brain cells ko gumana kayo.

"Is someone bothering you?", Bea asked. Tumango naman sina Lia at Sam bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Bea at nagtataka pa ring nakatingin sa akin.

"No! Its just that--",

"Do you have a crush?", taas kilay na tanong ni Andra na nakapagpatigil sa akin. Crush? I never had one, this feeling is new to me. Does that mean crush ko si chocolate guy? Co'z I can't get him off my mind.

"What the-?! Crush?!", Histerical na tanong ni Bea saka niya hinampas ang magkabilang kamay niya sa mesa.
Habang yung dalawa naman laglag ang panga at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"What?! The hell with that! Crush? Crush my butt! Kung ako sa inyo babawas bawasan ko muna ang pag-inom ng iced coffee dahil masyado na kayong histerical at 'OA'.", I emphasized the OA na parang nagdo drawing ng qoutation sa ere.

"That's the point! Crushing is not your thing! And we all know here in this table that you never had one dahil sa sobrang taas ng standards mo kaya magugulat kami. And also your reaction says so kasi hindi ka nagreact agad!", also the histerical Lia said while swaying her hands like she was debating about something.

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon