Chapter 10

319 6 1
                                    

Chapter 10

Friends

"I SAID LEAVE!!! BAGO KO PA MAKALIMUTANG MGA BABAE KAYO!!!",

Extreme anger is evident on his pair of beautiful eyes.

Tahimik ang mga studyanteng nanunuod sa nagaganap na pagtatalo. Maging ako ay tahimik dahil sa gulat at takot kay Giovanni.

Sinamaan ako ng tingin ng leader ng grupo nila at nagmamadali silang umalis ng mga alipores niya na masama rin ang tingin sa akin.

Hindi pa ako nakakabawi dahil sa gulat ng bigla akong hilain ni Giovanni at naglakad kami palabas ng cafeteria. Patuloy lang siya sa paglalakad at alam kong mainit pa rin ang ulo niya base sa paglalakad at higpit ng hawak niya sa wrist ko. Saka ko lang napansin na bitbit niya pala ang mga gamit ko at may bitbit rin siyang dalawang paper bag na nasisiguro kong nanggaling sa cafeteria.

Nagpatianod lang ako sa paghila niya until makarating kami sa may puno sa may tabi ng soccer field. Kung saan madalas akong tumatambay.... na ganun rin ata siya. Nakayuko lang ako sa dahil sa guilt. Dahil sa kamalditahan ko nakagawa pa ako ng scene. And to make things worst... nasabit pa si Giovanni.

Nauntog ako sa isang matigas na bagay kaya agad akong tumingala only to find out na nauntog pala ako sa dibdib niya. Sa laki ba naman niyang yan? Hanggang dibdib lang niya ako kaya nauntog ako dun. Infairness???? Hard siya. HakHak.

Pero pagtingala ko agad akong nagsisi na tumingin pa ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang isang salita ko pa ay kakainin niya ako ng buhay. Napayuko ulit ako dahil hindi ko talaga kinakaya ang titig niyang ganoon. Mababaliw ako mga teh kapag nakipagtitigan ako sa kanya.

I heard him sighed. Binitawan niya ang mga gamit na hawak niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat bago niya ako sinipat mula ulo hanggang paa.

Nagtaka ako sa ikinikilos niya. Dahil matangkad siya ay bahagya siyang nakayuko kaya malinaw kong nakikita ang gwapo niyang mukha. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Halos isang dangkal lang ata ang layo nun. Patuloy niya pa rin akong sinisipat na para bang nasaktan ako ng sobra at kailangan ng maghanap ng sugat sa akin para gamutin.

"U-Uy...... Hindi naman nila nagalaw. Hindi nila ako nasaktan", bulong ko. Dahil naasiwa na ako sa ginagawa niya. Buti nga nakapagsalita ako eh. Para akong napi-pipi dahil sa ginagawa niya. Sabayan mo pa na ang lakas na naman ng kabog ng puso ko. Feeling ko nga naririnig niya eh.

Nag-angat siya ng tingin sa akin... I can see gentleness, guilt and extreme concern to the point that it look like his in fear in his eyes.. He sighed again.

"What happened? Nalingat lang ako saglit....", mahinahong sabi niya habang nakahawak pa rin sa magakabilang balikat ko at nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Hindi ko iyon matagalan kaya umiwas ng tingin sa pamamagitan ng pagyuko.

"S-Sorry...... dahil sa kalokohan ko napaaway ka pa", nahihiyang bulong ko habang nakayuko. Sobrang nagi guilty talaga ako sa nangyari. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabahin sa sobrang guilt na nararamdaman ko. Ang alam ko lang nagi guilty ako dahil sa nangyari at gusto kong humingi ng sorry sa kanya ng paulit ulit.

"Don't be sorry.... it's not your fault. Hmm??", malambing ang pag'hmm' niya at itinaas niya ang tingin ko para magkasalubong ang mga mata namin sa pamamagitan ng paghawak at pagtaas niya sa baba ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya parang naging yelo ako. Nanigas ako at wala ng nagawa kundi magpatianod sa kanya.

Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. To the point na halos masakit na ito at parang pinipiga sa saya. Hindi ko alam na may ganun pa lang pakiramdam. Im too happy to extent that it almost hurt. Masuyo niya akong tinitignan. 

His Sinful Lips (Bitch Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon